My Fair Lady

120 0 0
                                        

Sa isang kaharian na nagngangalang Kitrinos, may isang prinsesang namumuno.

Sya'y labing apat na taong gulang pa lamang, at sa kadahilanang namayapa na ang kanyang mga magulang ay sya na lamang ang namumuno sapagka't sya lamang ang nag-iisang tagapagmana.

Sya ay may mukhang tila anghel, may ginintuang buhok na hanggang balikat nya lamang at may napakaputing balat. Ngunit sa mala-anghel na mukha ay kabaligtaran ito ng kanyang ugali.

Sya'y gahaman, malupit at punong-puno ng kasamaan.

Kasama ni Prinsesa Rianne sa kanyang palasyo ang isang makisig na Baron.

Si Baron Lance ay ang nag-iisang kasama nya sa palasyo maliban sa kanyang mga kawal.

Minsan nga'y napagkakamalan silang kambal dahil sa halos magkapareho nilang mukha.

Si Baron Lance ay isang makisig na binata na labing limang taong gulang pa lamang. May ginintuang buhok din kagaya ng prinsesa na nakatali ng laso. Sya'y kilala sa pagiging bihasa sa pakikidigma at isang intelehenteng ginoo.

Si Baron Lance ay sadyang sunod-sunuran sa prinsesa, 'di lang dahil sa magkababata silang dalawa kundi may pagtingin rin sya sa prinsesa.

Kanya itong pinagsisilbihan at sumusunod sa mga utos nito ng walang pag-aalinlangan.

Isang araw, nabalitaan ni Prinsesa Rianne na makikipag-isang dibdib na si Prinsipe Kenji kay Prinsesa Mikaela mula sa kaharian ng Galazoprasina na syang kalaban ng kanyang kaharian.

Si Prinsipe Kenji na may asul na buhok, matangkad at labing pitong gulang ay kanyang unang pag-ibig, nang mabalitaan nya ngang magpapakasal ito kay Prinsesa Mikaela na labing anim na taong gulang na may asul-berdeng buhok na hanggang binti ay labis ang kanyang galit at labis ang sakit na naramdaman nya sa kanyang puso.

Agad nyang ipinag-utos kay Baron Lance na makipagkita kay Prinsesa Mikaela at kanya itong patayin.

Sa loob-loob ng Baron ay nais nyang tumanggi, dahil labis ang paghanga nya kay Prinsesa Mikaela lalo na nung unang beses nyang nasilayan ang mga ngiti nito, ngunit ayaw nyang biguin ang kanyang mahal na prinsesa kaya't agad nya itong sinunod.

Nakipagkita si Baron Lance kay Prinsesa Mikaela sa isang nayon.

Ang tagpuan nila ay sa isang balon na tanging pinagkukuhanan ng tubig ng taga-roon.

Sinalubong sya ng prinsesa ng magilw na ngiti.

Labis syang nakokonsensya.

Inilabas nya ang punyal nya at mabilis na itinarak nya ito sa puso ng kaawa-awang prinsesa.

Tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang mahulog.

Sinalo nya ang prinsesa ng yakap bago ito tuluyang matumba sa lupa.

Agad na umuwi si Baron Lance at inihayag ang tagumpay sa Prinsesang si Rianne.

Dahil sa kagalakan, inaya ni Prinsesa Rianne na saluhan sya ni Baron Lance sa pag-inom ng tsaa.

Samantala, pinuntahan ni Prinsipe Kenji ang sinabi sa kanya ng utusan kung saan pupunta si Prinsesa Mikaela.

Pagdating nya roon, nakita nyang walang buhay na nakasandal sa balon ang prinsesa na may umaagos pang dugo sa dibdib nito.

Niyakap nya ito ng mahigpit at nanangis sya.

Wala ng sumasagi sa isip nya kundi paghihiganti. Pinaghinalaan nya ang prinsesa ng kahariang Kitrinos ang may gawa noon.

Agad syang nag-utos na ihanda ang kanyang hukbo na pinamumunuan ng pinagkakatiwalaan nyang Knight na si Medea.

Si Knight Medea ay may magandang pangangatawan, may buhok na kulay pula na maikli lamang at talagang bihasa sya sa pakikidigma.

Kinabukasan ay inihanda na ni Prinsipe Kenji ang hukbo at sumugod sa kahariang Kitrinos.

Sa kabilang banda, napag-alaman ni Baron Lance ang pagsalakay ng mga taga-Galazoprasina sa kaharian nila.

Agad-agad syang pumunta sa kanyang silid.

Inilugay nya ang kanyang buhok at binawasan ito ng katulad ng sa Prinsesang Rianne.

Isinuot din nya ang magarang damit ng prinsesa.

Pagpasok nya sa silid ni Prinsesa Rianne ay nagulat ito sa kanyang ayos.

Hinatak nya ito papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"Sana sa huling pagkakataon masilayan ko ang magagandang ngiti mo aking prinsesa. Hindi ba't ipinangako kong poprotektahan kita kahit ano pang mangyari? Nandirito lang ako lagi sa tabi mo."

Hindi napigilang tumulo ng mga luha ng Prinsesa, agad nyang isinuot ang damit ni Baron Lance at mabilis na nilisan ang palasyo.

Pagkaalis na pagkaalis ng Prinsesa, napasok na ng hukbo ni Knight Medea ang palasyo.

"Dinadakip kita sa salang pagpatay sa Prinsesa ng Galazoprasina at hinahatulan kita ng kamatayan."

Walang kaemo-emosyong sumama si Baron.

Na nasa balat-kayo ni Prinsesa Rianne.

Dinala sya sa gitna ng bayan at nakahanda na doon ang pangpugot ng ulo.

Ang mga tao sa bayan ay sumisigaw.

"Patayin ang Prinsesa!"

"Labis na ang kasamaan nyan kaya dapat syang paslangin!"

"Wala syang awa kaya huwag din bigyan ng habag!"

Iyon ang sinisigaw ng mga tao.

Inilagay na ang ulo ni Baron Lance na sa mata ng iba ay si Prinsesa Rianne.

Isang binata naman ang humahangos na pumunta sa harapan para makita ang bibitayin.

Nagulat si Baron Lance sa tumambad sa kanya.

Ang humahangos na binata ay ang Prinsesang nakadamit panlalaki.

Yumuko ito at nagpakawala ng napakatamis na ngiti.

Sa hudyat ng Knight na si Medea, ngumiti rin si Baron Lance kay Prinsesa Rianne.

Sa huling pagkakataon.

Ang ngiti'y kanina lang na nakapinta sa mukha ng prinsesa ay napalitan ng lungkot at mga luha.

Napatay ang Baron nya, na sya rin palang minamahal nya.

Sya ang pumatay rito.

Lubos ang pagsisisi na nararamdaman nya.

Walang tigil ang luha nya lalo't nakikita nya ang ulo ng Baron nya na nasa isang buslo na nakapikit.

Wala ng buhay.

Lumipas ang maraming taon, ang dating marangyang prinsesa ay nakatira na lang sa bukirin, sa isang maliit na kubo.

Namuhay syang mag-isa.

Walang nagmamahal.

Walang nagmamalasakit.

Makaraan din ang ilang buwan, namatay sya sa kalungkutan, pagsisisi at pag-iisa.

WAKAS

_____________________________________________________________________________

Kitrinos means Yellow in greek and Galazoprasina means blue green in greek also.

Lovelots from MsBlueOfMrPink03 :)

My Fair LadyWhere stories live. Discover now