#DiaryNiMrL
ENTRY # 20
Malungkot ba ang buhay mo? Bakit? Kasi wala ako? Boom!!!
Bwisit na Zeus 'yan! Akala ko kung ano 'yung itatanong sa akin kanina 'yun pala, magpipick-up line lang! Kahit kailan talaga iyong lalaking 'yon puro kalokohan!
Isa pa, kung makatitig sa maganda kong mukha ay kulang na lang malusaw ako sa harapan niya. Iyong tipo ng titig na parang kodigo sa test na tinititigan at kinakabisado ang bawat detalyeng naroon. Ganun siya tumitig, D. Actually nga, medyo nailang ako at hindi na nakapag-concentrate sa paggawa pa ng natitira pang mga dapat gawin sa research paper namin. Sobrang lapit pa niya sa akin, iyong tipong ako 'yung nakaupo sa edge ng kama habang siya naman ay sa mismong kama pero napakalapit niya sa akin. Basta ganun. Nakakailang at medyo... nakakakaba.
Ewan ko ba D kung ano ang dahilan at nasa isipan ni Zeus habang tinititigan ako. Ayokong magtanong sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Hayaan ko na lang ang sarili ko na magtaka dahil dun.
Anyway highway D, 'yun nga, hindi namin natapos ang research paper dahil sa mga pinaggagagawa niya. Bukas na lang namin tatapusin dahil next next day e pasahan na kaya kailangan na talagang matapos. Si Zeus kasi eh! Mukhang nasapian na naman this past few days. Hmp!
Sige na, gora na muna ko. Bye, D!
Lubos na nabwibwisit na naman kay Zeus, Liam
PS: Bakit ba pakiramdam ko, mas lalong gumagwapo si Zeus sa paningin ko nitong mga nakaraang araw? Nagpagwapo ba siya? O baka naman may problema na ang eyes ko? Naku! Need ko na yatang ipatingin ito dahil kung ano-ano na ang nakikita ko. Kaloka!
YOU ARE READING
[EDITED] Diary ni Mr. L - FIN
HumorDiary ni Mr. L All rights reserve, 2024 Copyright, 2024
![[EDITED] Diary ni Mr. L - FIN](https://img.wattpad.com/cover/50575734-64-k116963.jpg)