Chapter 3

15 2 1
                                        

Chapter 3

Jt's POV

Napaka hirap lutasin ng panibagong kasong hawak ko at ng mga bata ko.

Wala masyadong ebidesya at iisa lang ang sospek namin, at hindi pa siya masasabing guilty dahil wala pa kaming matibay na ebidensya para madiin siya. Wala rin kaming makuhang cctv footage ng village dahil nasira ito.

Pero ano pa ang galing at talino ko diba?

Took took took

"Pasok."

Mabuti't nandito na siya. Pinapunta ko kasi ang pinaka magaling kong asset. Papasubay-bayan ko ang isa pa naming sospek. Wala kaming dahilan para ipatawag siya at tanungin, kaya't minabuti ko na lang na man-manan siya.

"Maupo ka Patrick," sabi ko sa kanya nang makapasok ito, sa upisina ko at pinaupo siya sa sofa set na nasa loob ng kwrto.

"Samat," maigsing sagot niya. "Ano bang assignment ko," may kompiyansa niyang sabi.

Lagi naman siyang may kompiyansa sa sarili, dahil noon pa man napaganda na ng performance niya. Halos lahat ng mga nahuling kriminal siya ang tumiktik.

"Eto." Iniabot ko ang isang larawan sa kanya. "Si Lorenzo David yan, kaibigan ng pinatay na si Ronald noong isang linggo. Ka batch niya rin ito na gumraduate sa pagiging sundalo."

Tumayo na si Patrick para simulan na. Kinuha na rin niya ang larawan at report ang kaso. Naroon na rin ang address ni Lorenzo.

.....

Nag punta si Patrick sa kinaroroonan ni Lorenzo. Noo'y nasa isang gym si Lorenzo. Kahit may katandaan na ito pumupunta pa ito sa gym. Naroon rin si Ellie par kausapin ng pormal si Lorenzo.

Alam ni Patrick na naroon si Ellie ganoon rin si Lorenzo. Alam rin niya na naroon si Ellie para tanongin siya ng ilang katanungan. Pero hindi niya alam na may asset sila.

Nagbubuhat si Patrick ng barbell. At naglakad si Ellie papunta sa kinaroroonan ni Lorenzo.

Sumenyas si Ellie kay Patrick gamit ang mga mata.

Sumagot naman si Patrick, habang patuloy pa rin sa pag-angat ng barbell.

Nakaupo sa isang bangko si Lorenzo sa isang sulok ng gym na may lamesang bilog sa harapan.

"Maupo ka," panimulang sabi ni Lorenzo.

"Salamat po," magalang na sagot ni Ellie. Dahil alam niyang dati itong sundalo.

"Kamusta ang itinatakbo ng kaso ng kaibigan ko?" tanong ni Lorenzo kay Ellie.

"Pasensya na ho kayo sir, prebado po kasi ang bagay na itinatanong ninyo, pero masasabi ko lang ay mabuti."

Wala nang sumunod na tanong si Lorenzo.

"Nakita ko po itong larawan na ito sa wallent ni Ronald ng matagpuan ang bangkay niya sa bahay niya noong isang linggo."

"Ah ito ba, naitabi pa pala niya to." Lumunok at huminga ng malalim si Lorenzo.

"Sexond year lang kami ng kunan itong larawan na ito. Ako itong nasa kanan ni Ronald at itong katabi ko naman." Itinuro niya ang katabi niya sa larawan," ay si Bobby at itong nasa kaliwa niya ay si Oliver.

"Sa palagay mo sino ang gagawa sa kaibigan mo ng ganon?"

"Hindi ko alam," mabilis na pagtangi nito.

Kringgggg..kringggg

May tumawag kay Ellie, si Joice pinababalik siya nito sa Crime sine.


MONAWhere stories live. Discover now