Chapter 11: Stay

20.4K 291 16
                                        


Krisha’s POV

Nagimpake na ko nung gabing yon. Iniiyakan ako ni Manang, sabi ko naman na dadalawin ko sya. Hahanap lang ng trabaho para kay baby. Tanggap ko na ngayon. Aalagaan ko sya.  

Lumabas ako at pumunta sa may pool area. Gusto ko lang magisip isip, paano naman ako makakapagisip kung iniiyakan ako ni Manang?

“Aalis ka?” biglang may nagtanung sa likuran ko

“Bakit? May pakealam ka pa ba don?” tanung ko

“Paano yang bata?” tanung nya

“Bubuhayin ko. Hindi naman malalaman ng nanay mo.” Sagot ko

“Hindi yun yung iniisip ko.” Sabi nya

Tumabi sya sakin at tinignan sya.

“Ano?” sabi ko at tumingin sa pool

“Sinong kikilalanin nyang ama kapag malaki na sya?” tanung nya

Edi hahanap ako.

“Maghahanap ako. Hindi lang naman ikaw ang lalaki sa mundo. Wag ka ng makonsensya ngayon kasi huli na ang lahat. I made my decision. You’re out of our lives.” Sabi ko pat tumayo

Aalis ma sana ako kaso hinawakan nya yung kamay ko.

“I really don’t need you and that baby in my life. I have money.” Sabi nya at tumayo at naglakad

Whoooooooooooaaahhh. Hindi ako makapaniwalang sinabi nya yun. Akala ko magmamakaawa syang wag akong umalis o kaya magsorry sya. Am I that assuming na? Pucha.

“Hinding hindi na ako magpapakita sa’yo pwera na lang kung may kukunin ako sa’yo. Ang yabang mo! Walangya ka!” sigaw ko sa kanya

Ang sama nya. Bwisit sya.

Pumasok na ako sa loob at natulog. Hindi na ako umiiyak no. Strong kaya ‘to. Ayokong mastress si baby.  Baka pumangit sya at magaya kay Dave.

Nakatulog din naman ako agad nung nakahiga ako. Buti na lang wala si Ma’am kagabi nung minura ko sya. Hindi rin sya uuwi nyan e. Hindi ako makakapagpaalam sa kanya.



Dave’s POV

Minura nanaman ako ng babaeng yun. Nakailan na sya sakin. Bakit? Hindi ko naman talaga sila kelangan ng anak nya. Ng anak pala namin.

At malay ko pa kung akin talaga yun? Ako lang ba ang nakikipagsex sa kanya?

Hindi naman sa walang kwentang lalaki pero syempre naninigurado lang na akin yun. Pwede naman syang magstay dito kaso nga lang makikita ni mommy yung tyan nya kapag lumaki na. Pag lumaki papatest yung blood.

Nakatulog na ako habang nagiisip. Bahala na bukas. Kaming dalawa na lang ni Manang yung nandito.

*KINABUKASAN*

Maaga akong nagising tapos nakita ko na si Krisha sa may kusina na nagluluto.

“Bakit nandito ka pa?” tanung ko

“Ay palaka!” gulat na sabi nya at nahagis yung hawak nyang sandok

Pinulot nya yung sandok at humarap sakin.

“Pinagluto ko lang ng makakain si Manang. Kung gusto mo kumain. Kumain ka lang.” sabi nya at inayos na yung mga pagkain sa mesa

Pumunta sya sa may pool area at nilinis muna yung pool.

Maid For HimWhere stories live. Discover now