Chapter 2
Dahil natapos na ang lahat ng proseso sa pag-iimbistiga sa crime scene. Oras na para ialis ang bangkay.
Isa si Jt sa mga maglalagay ng bangkay sa body bag kasa ang ilan pang mga pulis.
Ang unang pulis ay ang siyang umalalay sa ulo at si Jt at ang isa pa ay sa katawan at ang natiray sa mga paa ng bangkay.
Pagkaangat nila sa bangkay, laking gulat ni Ellie sa nakita.
"Puta!" sigaw ng pulis na may hawak sa ulo, dahil tuluyan na itong humiwalay sa leeg ng bangkay.
Ellie's POV
Sa wakas makikita ko na rin! Exciting. Minadali ko ang pagtatanong para makita ko kaagad kung ano ang nagyari. Naririnig ko kasi sa mga kasamhan ko, duguan at brutal ang pag-patay. Lalo tuloy akong na excite.
Kaso pagtaas ko inutuaan kaagad ako ni Jt. Bad trip talaga tong si sir minsan. Napapansin ko kasi na sinasadya niya na hindi ko makita ang bangkay. Alam niya kasi na gustong gusto ko maka-kita ng mga binaril, nasagasaan. Kaya nga paburito ko ang mga patayan na pilikula, tulad ng Saw.
Kasama pa yung tatlong pulis ini-alis namin yung bangkay sa pagkaka-upo nito sa bowl. Pero sa totoo hindi ko inexpect na ganon ka brutal ang pagpatay. Pero di lang pala yun ang ginawa. Dahil noong pagkaangat namin sa bangkay may nakita akong hindi ko kinaya.
Wala na si Junior n'ya. Kadiri nga. Tapo may nakatusok pang bote yata yun sa pwetan niya.
Dahil sa nakita ko, malamang hindi ako makakain mamaya. Lumabas na ko at iniwan ko na sila doon, sila na lang ang mag lalabas. Hindi ko na talaga kaya.
.....
Dalawang araw na ang nakalipas di pauli-ulit pa rin na bunabalik sa isipan ko ang nagyaring kremen sa isang village.
Lahat ng nakalap naming ibedensya kasama si Joice at ang boss naming si Jt. Maraming lumabas na sospek kabilang na ang kasosyo nito sa negosyo pati ang at isa sa mga kaibigan nito.
Naka assign sakin si Vergel na kasosyo ng biktima sa negosyo nila. Si Vegel rin ang huling kausap nito, gabi, bago mamatay si Ronald. Kaya inimbitahan ko siya sa prisinto para makapag paliwanag.
.....
Pagkatangap ni Vergel sa sulat agad na siyang pumunta sa police station.
Nadatnan niya roon si Ellie at pinaupo siya nito sa upuang nasa harap ng lamesang inuupuan niya.
"Kamusta, mabuti naman at sumagot ka sa paanyaya namin. Alam mo na siguro ang ginagawa mo rito," bungad ni Ellie kay Vergel.
"Mabuti naman po," maikling sabi sagot niya.
Inilabas ni Ellie ang mga papel at ilang larawan mula sa drower ng mesa at inilagay ito sa ibabaw nito.
"Sisimulan ko na ang pagtatanong."
Tumango lamang si Vergel.
"Si Ronald Bautista na kasosyo mo sa negosyo ay natagpuan patay noong isang linggo, at ikaw ang huling nakitang kasama at parang may pinagtatalunan kayo noong gabi bago siya patayin," sambit ni Ellie. "Maaari mo bang sabihin kung ano ang pinagtatalunan ninyo? dag-dag na tanong ni Ellie.
Yumuko si Vergel at nagsalita, "Nagtalo kami noong gabi dahil sa kita ng negosyo namin. Noong mga nakaraan linggo kasi humina ang kita namin. Ako kasi ang sinisisi niya kung bakit nawawalan ang kita ng tindahan."
"May katotohanan ba ang ibinibintang niya sayo?" marahang tanong ni Ellie.
Napadiretsyo ng upo si Vergel sa kaninang naka yuko dahil sa tanong ng pulis. "Wala po, wala pong katotohanan iyon!" malakas na pagtangi ni Vergel pero kita ang takot nito sa mga mata niya.
Muli siyang yumuko.
"Wala akong ginagawang masama , sinusunod ko ang utos niya tinuring ko siyang kapatid pero anong ginawa niya, pinapahiya niya ako sa mga empleyado namin," madiing sabi ni Vergel at sinuntok at ibabaw ng mesa.
"May alam ka bang gagaw sa kanya nito?" tanong muli ni Ellie.
"Wala, wala akong alam," pagtatangi ni Vergel.
Hindi naniniwala si Ellie sa mga sinasabi ng lalaki kaya't muli siyang nagtanong.
"May kinalaman ka ba dito?"
"Wala! Hindi ko alam!...wala!"
"Umamin ka na," pagpupumilit ni Ellie kay Vergel na noo'y nagtatakip na ng tenga.
Paulit-ulit na naririnig ni Vegrel ang nakakatakot na tanong ni Ellie sa kanya, kaya't naburyo ito at itinaob ang lamesang nasa harap niya.
"Wala akong kasalanan." Ibinato namn nito ang bangkong inuupuan niya.
Agad na pumasok ang mga pulis nasa labas ng kwarto at dinakip si Vergel.
Dahil nakitaan ng probale cause si Vergel at dahil sa pangugulo sa stasyon. Ikinulong muna siya sa isang maliit na kulungan sa loob ng stasyon.
YOU ARE READING
MONA
Mystery / ThrillerAno ang kaya mong gawin para sa taong pinaka-mamahal mo. Sundan ang kwento ng paghihiganti, pag-mamahal at pagpapatawad. "MONA"
