kalokohan
mga mura
kabalbalan
kasinungalingan
yan kung pano natin gamitin ang ating dila .
bilang taong nakakakila sa panginoon ang panget lang malaman na ganyan kung paano natin gamitin ang ating dila !
higit sa lahat madalas natin gamitin ang ating dila sa PANG LALAIT ng ating kapwa .
guys sa simpleng pang lalait natin nakakapag judge na tayo sa ibang tao kahit di natin namamalayan .
isipin nalang natin na kung tayo ang hinatulan gaya ng pag hatol natin sa kapwa natin ano nalang mararamdaman natin ? masakit diba ?
SANTIAGO 3:6-10
At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan
ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.
Sapagka't ang bawa't uri ng mga hayop at mga ibon, ng mga nagsisiusad at mga bagay sa dagat, ay pinaaamo, at napaaamo ng tao:
Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang masamang hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay.
Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios:
Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon.
****
malinaw na isinasaad sa teksto na mali ang paraan ng pag gamit natin ng ating dila dahil ang dila ay ginagamit lamang sa pag sasabi ng tama at higit sa lahat sa pag pupuri sa dakilang panginoon !
MASKI AKO NATAMAAN !
SEE YOU GUYS
YOU ARE READING
GOD'S LOVE
Non-Fictionmahal tayo ng panginoon bago pa tayo isilang sa mundong ito isa sa patunay nito ang pagkamatay nya sa krus . buong buhay nya inilalaan nya para sa ikabubuti natin . hindi pa huli ang lahat mag balik loob tayo sa kanya .
