"HOY! NGANGA?!" biro ng kapatid ko. Turn ko na kasi para magabot ng mga bilihin sa pila.

"Kalma" sabi ko ng bigla akong nagising sa katotohanan.

"Mainet ba? Pula mo loko"

"Tisoy eh" banat kong kunwari chill lang.

Nagbayad at kinarga na namin ang mga pinamili. Hindi na kami nagaksaya ng oras at tumungo na kami sa bahay ng tito ko. Lumipas ang ilang minuto, narating na namin ang lugar nila. Hindi naman kalayuan ito. Nasa kabilang side lang sila ng bayan. Kumbaga nasa east side kami sila nasa west side tas nasa gitna ang bayan.

Pumarada na kami at sinalubong agad kami ng aming mahiwagang mga kapamilyang Egan. At syempre mano muna bago ang lahat. Sabay banat ang mga magkakapamilya.

"LETS DO THIS!!" Sigaw ng tito kong si Noah.

"YEAH!!" Palabang sigaw ng tatay.

"Ate Sierra!!" bati ng pinsan kong si Koni.

"Whaaat!! Ang laki mo na!!" bati ng kapatid ko.

"Kuya ter! Kanta ka!!" request na bawal tumanggi ng pinsan ko.

"Magpapahuli ba ako jan? Ako bibinyag jan!" sabi ko kay Koni

"Asan pala si Nash?" tanong ko kay Koni.

"Pinuntahan lang mga barkada nya, miss ka na rin ng mga yon"

"Ilang taon narin nakalipas. Sige, punta muna ko sa tindahan. Andun parin ba sila nanay?"

"Oo dun parin sila, walang nabago"

"Sige sindi muna ako, baka makasalubong ko narin sila Nash"

"Hayaan mo na yan si ter malaki na yan, marami kang utang saking kwento!" sabi ni Sierra sabay hila kay Koni sa may loob bahay.

Nasa may kabilang bahay lang ang tindahan, parang dati lang candy cigarrette lang binibili ko, ngaun sumisindi na ako. Anu kaya sasabihin ni nanay? Halos isang dekada na ang lumipas.

"Pasindi po"

"Ter?! Aba alangya nag yoyosi ka na ha!" bati sakin ni Nanay.

"Buti naman naaalala nyo pa ako, Nay"

"Kamusta na yung pangarap mo? Natupad ba?"

"Opo, nay."

Sabi ko habang nakangiti kay nanay. Si nanay ang una kong audience sa pagiging musikero ko. Dito ako sa mismong spot na ito nakaupo, dala ang guitara ko at tumugtog. Siya rin ang naging witness ko sa pag deklara ko na balang araw eh magtatayo ako ng banda ko.

"Ano pangalan ng banda mo?"

"Karmic po. Abangan nyo kami sa radio, nay! Pangako ko ulet yan"

"Siguraduhin mong aabutan pa yan ng idad ko ha!" biro ni nanay.

"Nako, sige ha maiwan muna kita jan. Magluluto pa ako" sabay paalam bigla.

"Sige, nay. Dalhan ka nalang namin jan ng pagkain" sabi ko.

"Nako nag abala ka pa, ter. Maraming salamat!" pangiting alis ni nanay.

At saktong pag tapos kong makaubos ng dalawang stick, dumating na ang mga unggoy.

"TER!!" Sigaw ng pinsan kong si Nash.

"NASH!!" Pabawi kong sigaw. Sabay taas kamay para umapir saken si Nash.

"Oy Owen! Boni! musta mga re!" Bati ko sa kababata namin dito sa probinsya.

"Eto pogi parin!" Sabi ni Owen.

"Eto rin lalong pumogi" Sabi ni Boni.

"Ganon? Sila lang talaga napansin mo, Ter?" Banat ni loree

"L-Loree?! Whoaa. Grabe pinagbago mo"

Sabi ko habang nanlalake ang mga mata. Childhood loveteam ko si Loree dati nung nagstay kami dito nung totoy pa ako. Natural na maganda si Loree. Bata palang kami, talagang inborn na sa kanya ang pagiging sexy. Malaki ang balakang, maliit ang bewang. Mapupusok na mga labi at matatalim na titig. Para siyang model.

Hindi na ako nabigla masyado, papunta palang kami dito ilang beses ko na pinagpantasyahan si Loree. Halos sumama pa samin si Luca para lang makilala si Loree nung pinakita ko picture nya sa facebook.

"Sus. Para namang kala mo hindi mo ako nakikita. Nag uupdate naman ako lagi sa facebook"

Oo nga, pero ibang iba parin talaga pag harap harapan mo ng makita yung tao. Damn. Shet! Yun nalang talaga masasabi ko. Ganto mga tipo ni Luca, Filipina natural beauty na makurba.

Teka.. si Luca lang nga ba?

Red String TheoryWhere stories live. Discover now