At matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin, isa lang ang gusto ko sa mga oras na to ng buhay ko. Halos isang araw akong hindi nakayosi dahil nahihiya ako magyosi sa harap ng pamilya ko at eto lang ang oras ko.
Ang problema, naiwan ko ang pinamiling mga yosi sa Maynila at walang Marlboro na tinda sa mga sari-sari store dito.
"Tear, alam ko magriritwal ka na. Ibili mo naman ako ng icecream jan sa tindahan" banat ni Sierra.
"Baka lumabas ako pa sentro, sa 711, naiwan ko yosi ko"
"Parang may bagong tindahan doon sa may kanto, subukan mo kaya muna? May Marlboro siguro yan"
"Okay boss amo" banat ko.
"Go on, make haste" banat ni Sierra habang pabalik sa loob ng bahay with pag pitik ng hair in british accent
"Hala kala niya ang ganda niya" sabay labas naman ako pa punta sa bagong tindahan.
Malaki laki yung tindahan, hopefully, may Marlboro dito. Tinatamad narin ako mag motor pa pasentro, parang uulan pa.
"Pabili p---" napahinto ako sa biglang pagsigaw ng tindera.
"ODESSAAAAAA!!"
"Nakakagulat ka naman ma, andito lang ako sa loob" Sabi ng boses na ang lambing sa aking tenga, sabay sulyap akong mabilis sa may loob ng tindahan.
"Kunin mo yung mga sinampay, parang uulan ata."
Pilit inaabot ng mga mata ko ang babaeng nasa may likod ng tindahan, na tapya kong nakita sa may pintuan at buhok lang ang nasapo ng mga mata ko.
Yumuko ako sa butas ng tindahan at kunwaring nag mamasid masid ng mga tinda nila sa likod banda, pero nakatitig ang isang mata ko sa may loob ng bahay nila. Nasusulyap ko ang likod niya sa malayo, mahaba ang buhok, itim na itim, kumikinang na parang nakarebond.
At ang tangkad niya, ang haba ng binti, ang kinis, ang puti, at ang ganda ng hulma ng katawan niya habang nakatalikod na kumukuha ng sampay.
Putangina... Sabi ko sa sarili.
Hindi pwedeng lumipas tong araw na hindi ko siya makita.
"Pogi, may bibilhin ka na?"
"Ay, opo. Pabili po ng sigarilyo, may Marlboro po kayo?" Tanong ko
"Meron, ilan?"
"Isang kaha po"
"Ay, salamat nabenta din ang Marlboro ko dito" banat ng tindera
Nakapagsindi ako at hindi ko na tuluyang natanaw pa si Odessa hanggang sa halos sumindi pa ako ng pang apat na stick kakasulyap, naudlot lamang ng sinugod na ako ng kapatid ko.
"Pambihira ano dito ka na ba titira?!" Patawang iritable na banat ni Sierra dahil nakalimutan ko na ang icecream niya.
"Ako na! Naaabala pa kita" pilosopong banat ni Sierra
"Pabili po, icecream, yung cornetto"
"Nako, ang icecream ko lang dito yung dirty icecream tig 10PHP" sagot ng tindera.
"Pwede na po yan, yung mango flavor" sagot ni Sierra sabay abot bayad.
"Kayo ba yung may ari ng bahay jan sa unahan na tiga Maynila?" Tanong ng tindera.
"Opo, tanong ko lang din po kung bago lang kayo dito? Last year wala pa itong tindahan dito" banat ng tsismosa kong kapatid na mabuti.
"Oo tiga sentro kami dati, nabili namin tong bahay dito at inextend ang harap ginawang tindahan" sagot ng tindera.
Natapos na lamang ang kwentuhan nila hindi ko parin nasilayan si Odessa, hanggang sa tinawagan na kami nila mama at kakain na daw. Dali dali na kaming umuwi.
Maya maya lamang ay natapos narin si Odessa sa paghakot ng sinampay niya.
"Sino yung kausap mo, ma?" Tanong ni Odessa.
"Yung mga anak ng may ari nung bahay dun sa unahan natin" sagot ng tinderang na nanay ni Odessa.
Sumulyap si Odessa sa loob ng tindahan patungo sa bahay namin, at ako'y sumulyap din ng tingin sa tindahan bago isara ang gate. Ngunit hindi talaga kami pinagtagpo ng araw na iyon.
Lumipas ang araw at looking forward ako today dahil masisilayan ko na si Odessa.
Naririnig kong parang may nililigpit sila papa sa garahe. Ang plano ng pamilya ay magayos na ng maaga dahil dadaan pa kami ng mall para mamili ng mga pagkain bago pumunta kay nila tito Noah.
"Tear! Gisingin mo na yung kapatid mo at magayos narin kayo"
Hinahanda nila papa ang mga dadalhin para sa pupuntahan naming saluhan. Bago pa ako natulog kagabi, nagligpit na ako at inunahan ko na silang lahat sa mga gawain para sa agenda. Nakaligo narin ako pag gising at pormado na.
At ginising ko na ng walangya si Sierra.
"Anooooo ba yonnnn" tamad na sagot ni Sierra.
"Magayos na daw ng gamit paalis na kay nila tito"
Bumangon na parang may sunog si Sierra. Akala niya late na dahil pormado na ko. Haha gunggong.
Napagpasyahan ko ng pumunta sa tindahan at gawing good ang morning. Bukas na ang tindahan, as expected, dahil maaga ang takbo ng oras ng mga tiga barrio. Malakas ang kutob ko na si Odessa ang nagbukas nito.
Habang papalapit ako, siya ang kabig ng dibdib. Nakakaexcite. Iba ang karakas ng mga probinsyana, sariwang sariwa, walang bahid ng impluwensya ng mga geng geng sa Maynila.
Ngunit..
"Tao po"
"Ano yon, pogi?" Tanong ng nanay ni Odessa.
At wala akong makitang bakas ni Odessa.
Kalungkutan. Sayang ang gwapo.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Red String Theory
RomanceThis story follows Tear Egan and the band's backstage shenanigans turned soul searching. Through joy and misery, loyalty and betrayal, fate and destiny, whether or not its the right time and place. The epitome of our existence, woven and clad eterna...
Chapter 1
Começar do início
