Chapter 22: Tangled

Start from the beginning
                                    

From: Vhong

"Nandito ako sa labas ng mansyon niyo. Harapin moko kundi papasok ako dyan."

Vice: Sino nagtext, mahal?

Karylle: Ah wala, may naiwan lang ako sa kotse..kukunin ko lang.

Vice: Sige sige, bilisan mo ah.

Nagmamadaling lumabas si K ng bahay para harapin si Vhong. 

Karylle: Pano mo nalamang dito kami nakatira?

Vhong: Ginawan ko ng paraan.

Karylle: Naghahanap ka ba talaga ng gulo? Tigilan mo nako!

Vhong: Karylle, nababaliw nako sa kakaisip ko sayo..

Karylle: Umalis ka na, Vhong. Baka makita ka ni Vice..umalis ka na please.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng gate.

Vice: Karylle.

Nagulat si Vice ng makita nya si Vhong, nilapitan nya ang dalawa. Nagtitigan sila ni Vhong ng ilang segundo.

Vhong: Pare, kumusta ka na? *bro hug*

Vice: Bakit ka nandito? Anong nangyayari?

Vhong: Wala kang kaalam-alam noh?

Vice: Wala. May dapat ba kong malaman?

Vhong: Matagal na kaming nag-uusap netong si Karylle eh. Gusto nya na magkaayos na tayo.

Vice: Talaga?

Vhong: Oo. Alam mo..sige, aaminin ko..mahirap talagang kalimutan yung mga nangyari pero tama naman etong asawa mo eh. Kung Diyos nga nakakapagpatawad eh, ako pa kaya. *smiles*

Vice: Totoo ba yan?

Vhong: Oo.. So, friends? *extends his hand*

Vice: *smiles* Halika nga dito, bro. *hugs*

Pero deep inside sa utak ni Vice..parang may mali. Alam nyang may di tama sa mga nangyayari. Tiningnan nya si Karylle na maluha-luha na.

Vice: Mahal? Okay ka lang?

Karylle: Masaya lang ako na nagkaayos na kayo..

----------

Kinagabihan..

Sa balcony ng mansion nila Vice..

Karylle: Vice?

Vice: *hithit ng cigar*

Karylle: Akala ko ba nagquit ka na?

Vice: *ignores K's question* Alam mo, di ako makapaniwala na okay na kami ni Vhong. Kayo ba ni Anne? Nag-usap na din ba kayo?

Karylle: Hindi pa eh..

Vice: Ah ganun ba? One step at a time..

Karylle: Yes..

Vice: Meron lang akong hindi maintindihan.. *mahina nyang sabi*

Karylle: Vice?

Vice: Ha?

Karylle: May sinasabi ka ba?

Vice: Ah wala.. Karylle..

Karylle: Hm?

Vice: *titig sa mata* Mahal na mahal kita..

Nginitian lamang sya ni Karylle. Parehong bakas sa kanilang mga mata ang lungkot..

Karylle: Di ka pa ba matutulog?

Vice: Mauna ka na, susunod na din ako maya-maya.

Karylle: Okay sige. Wag kang masyadong magpuyat ah. *kisses Vice's cheek*

----------

Maagang nagising si Vice.. alas singko pa lang ng umaga pero pagmulat nya ay gising na din si Karylle at nakabihis panglakad, nakaupo sya sa gilid ng kama.

Vice: Aalis ka na naman? San ka na naman ba pupunta?

Karylle: Kailangan ako ng maaga sa resto. May kailangan lang kaming gawin at may kelangan akong tapusin..

Umalis na si Karylle.

----------

Sa labas ng resto ay nag-aantay si Vhong. Maya-maya pa'y dumating na si Karylle. 

Paglapit nya kay Vhong ay hahalikan sana sya neto ngunit agad syang umiwas at tinulak ng mahina si Vhong palayo.

Karylle: Ano bang ginagawa mo?? Baka may makakita satin. Sa loob tayo mag-usap. *irita face*

Pagkabukas ni K ng pinto ay dumiretso sila sa loob ng kitchen.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may nanunuod sa kanila. Si Anne..sinundan nya si Vhong para tuklasin kung ano bang itinatago neto sa kanya. Lumapit sya at umupo sa may bandang gilid ng resto at doon bumuhos ang kanyang mga luha. Wala syang lakas ng loob para pumasok sa loob at alamin ang ginagawa ng kanyang asawa at ng dati nyang matalik na kaibigan.

Ilang segundo pa ay may paparating na isa pang tao, lalaki. Walang iba kundi si Vice. Tutok na tutok ang mga nanlilisik nyang mata papunta sa entrance ng resto, may dala syang baril. 

To be continued........................................................................

--> A/N: Ang cute lang ng mga reactions niyo, dear readers! Pakurot nga sa singit mwahahaha! >=) <--

The L World: Love, Lust, LiesWhere stories live. Discover now