Chapter 13: The Girl Behind

3.3K 59 26
                                    

Kadarating lamang ng ViceRylle sa hotel kung saan nagi-stay ang client ni Karylle.

-Chook Chuck Chenes Hotel-

Vice: Uh mahal, antayin na lang kita dito ah?

Karylle: Oh sige mahal. *smack kiss*

Lumabas na ng kotse si Karylle at pumasok sa nasabing hotel..

Karylle: Good afternoon!

Receptionist: Hello Ma'am, good afternoon!

Karylle: Mr. Jim Yu's room please.

Receptionist: May I know your name and your relation with him, Ma'am?

Karylle: Karylle Tatlonghari, I'm his business partner. He's expecting me.

Receptionist: Okay, wait a minute please.

Inabot ng receptionist ang telepono at nagdial..maya-maya pa'y may kausap na eto..

Receptionist: You may go now to his room, Ma'am. 7th floor, turn right once you get off the elevator.

Karylle: Okay..thank you!

Dumiretso ng elevator si K habang may hinahanap sa kanyang bag. 

Karylle: Ahh..nasan ba yun? Naiwan ko ata sa kotse.

Kinuha nya ang kanyang cellphone at nagspeed dial 1.

Vice: Yes mahal?

Karylle: Mahal, I left may USB flash drive ata dyan. Pakitingnan naman please.

Agad namang nakita ni Vice sa may floor yung USB flash drive ni K.

Vice: Found it. Nalaglag mo ata.

Karylle: Can you bring it here? Nandito ako sa may elevator.

Vice: Okay..be right there.

Dali-daling lumabas ng kotse si Vice at pumasok sa loob.. Pagdaan nya ng reception area ay napatingin sa kanya yung isang receptionist na kausap ni Karylle kani-kanina lamang.

Receptionist 1: Karen.

Receptionist 2: Bakit?

Receptionist 1: Di ba si Mr. Viceral yun? *nguso at tingin sa direksyon ni Vice*

Receptionist 2: Oo.

Receptionist 1: Di ba may naiwan sila nung girlfriend nya dun sa room nung last na nagcheck in sya dito?

Receptionist 2: Ai oo nga, teka tatawagan ko si Tony..sya nagtabi nun eh.

Receptionist 1: Sige bilisan mo.

Sa may elevator..

Vice: Eto na oh.

Karylle: Thank you so much, mahal!

Vice: Ano bang meron dyan?

Karylle: Ah mga important files na kelangan ireview ni Mr. Yu.

Vice: Matagal ka ba?

Karylle: Nah, kukunin ko lang yung documents saka iaabot etong USB sa kanya.

Vice: Oh okay..pano balik nako sa kotse ah? Wait na lang kita dun.

Karylle: Sige mahal..thanks. *kisses him on the cheek*

Pumasok na ng elevator si K habang si Vice naman ay nagCR muna bago bumalik sa kotse. After 5 mins ay palabas na si Vice.

Receptionist 1: Ayun na si Mr. Viceral. SIR! SIR VICERAL!

Tinawag nya ng may konting kalakasan si Vice ngunit di sya narinig neto. 

Receptionist 2: Eto na yung box.

Receptionist 1: Habulin mo dali.

Nagmamadali namang sinundan ni R2 si Vice palabas ng hotel. Samantala, kasalukuyang pababa na din ng elevator si Karylle.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si R2.

Receptionist 2: Hay nako, di ko na inabutan bigla na lang nawala.

Receptionist 1: Naku ano ba yan, ang hirap naman hagilapin nyang si Mr. Viceral.

Karylle: Excuse me. 

Receptionist 1: Yes, Ma'am?

Karylle: I heard you said Mr. Viceral?

Receptionist 1: Opo. Kilala niyo po ba sya?

Karylle: I do know him. Bakit? Anong kelangan niyo sa kanya?

Receptionist 1: May naiwan po kasi yung kasama nya nung nagcheck in sila dito few days ago.

Halata naman sa muka ni Karylle ang pagkagulat, nanlaki ang mga mata at biglang sumeryoso ang muka.

Karylle: Ka-kasama? Sila?

Receptionist 1: Yes, Ma'am. Girlfriend nya po ata.

Karylle: ...Girlfriend?

Receptionist 1: Ahmm muka lang po..

Napatingin naman si Karylle sa hawak na maliit na box ni R2.

Karylle: *kuha ng box, binuksan eto at agad na isinarado pagkakita ng laman* Alam ko kung kanino ito.. *mahina nyang sabi ngunit halata sa tono nya ang galit* I'll take this.

Bago pa man makasagot ang mga receptionist ay agad ng naglakad palabas si Karylle. Huminto sya sa may entrance..tiningnan ang hawak na box at binuksan etong muli.. Tuluyan ng pumatak ang kanina pa nyang nangingilid na luha..

Sa loob ng maliit na box ay nakalagay ang isang pares ng hikaw na gawa sa dyamante.

To be continued.......................................................

--> A/N: Siguro naman alam niyo na sino yung girl sa dinami-dami na ng clues na binigay ko haha. Para naman sa nakahula nung umpisa pa lamang, idededicate ko sayo ang susunod na chapter. =) <--

The L World: Love, Lust, LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon