Chapter 2: Ally's Past

4 0 0
                                        

Ally’s POV

Agad namang pumatak ang luha ko ng makita ko ang family picture namin. Picture namin yun nung 7th birthday ko.

-Flashback-

“Ally! Smile :)” agad naman akong nag-smile dahil napaka-espesyal ang araw na ito para sa akin.

1..2..3.. Click!

“Happy birthday Ally!” sabay na sabi nina mama at papa. “Wait lang baby ko ha, kukunin lang namin ni papa mo ang iyong cake at ang regalo namin para sayo!” nandito kasi kami sa may garden. Pagtalikod nina mama at papa, bigla na lang na…

BANG! BANG! BANG!

After nun bigla nalang silang tumumba at yung mga namaril ay bigla na ding nawala. Tumakbo ako kina mama at papa pero may nakita akong dugo.

“Mama! Papa!” nanginginig kong sinabi. Hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa umiyak ako ng umiyak.

“Mama! Papa!”

“MAMA! PAPA!” Patuloy padin ako sa pag-iyak. Buti na lang at dumating si tita Leah at sinugod sila sa ospital.

***

“Kayo po ba ang kaanak ng mga pasyente?” tanong kaagad ng doctor na lumabas sa emergency room.

“Kaibigan lang po ako ng mga pasyente. Kumusta na po sila? Naligtas po ba sila?” natatarantang sagot ni tita Leah.

“Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na hindi nakaligtas ang mga pasyente. Madaming dugo ang nawala sa kanila. Ginawa na namin ang lahat ng makakaya pero hindi na nila kinaya.” Sabi ng doctor

Pagkatapos sabihin ng doctor ang mga katagang iyon, agad ng pumatak ang mga luhang kanina pang gustong makawala.

-End of Flashback-

Simula nun, si tita Leah na ang nag-alaga sa akin. Itinuring ko din siyang ina at dahil lumalaki na ako, pumunta siya sa Canada para magtrabaho.

Princess in TrainingWhere stories live. Discover now