He tried to win her back before... hindi niya nagawa. Mas pinili ni Tanya si Salvador. Mas kaya kasing ibigay ni Salvador ang buhay na gusto nito na hindi pa niya kayang ibigay.

Pero ang masakit kasi sa lahat, 'yung pinaglaruan pa siya ni Tanya bago siya tinapon.

Pinaasa na babalik ito sakanya.

Then he found out Salvador was just out of the country... kaya may oras si Tanya sakanya.

Kaya pumapayag itong magniig sila. Iyon lang naman kasi ang bagay na nakahihigit si Hunter sa Salvador na iyon.

Mas magaling siya pagdating sa kama.

She fucking treated him like an option. Kapag kailangan, tsaka lang maaalala. Kapag wala lang si Salvador, tsaka siya papasok sa isip nito.

Ginago siya ni Tanya.

Pinaglaruan.

But despite those things, minahal niya si Tanya. He accepted that treatment. Para sakanya noon, makasama lang niya si Tanya, okay na sakanya. She was his everything.

He already planned their life together. Naplano na din niya ang itsura ng bahay nila noon... kung paano silang magiging isang masayang pamilya...

Pero naging isang malaking drawing lang ang lahat. Walang pinatunguhan ang relasyon niya at ni Tanya.

"You still love her?" tanong ni Thunder sa kapatid. He looked at him. Napansin din ni Hunter ang pasa sa mukha ni Thunder.

"No," sagot niya dito. Tinignan niya ang alak sa baso habang iniisip kung ano ba ang gagawin niya ngayon.

"It was so obvious, Hunter. You just saw her and you're back being an ass again..." sabi ni Thunder sakanya.

Hindi siya umimik. Kahit naman anong sabihin niya, hindi naman siya paniniwalaan ng mga ito.

"Tanya's married already. Hanggang ngayon ba, ayaw mo pa rin siyang tigilan?" tanong ni Thunder. Kilala ni Thunder si Tanya dahil na rin sa pagbabakasyon noon ng lalaki doon.

"Ano bang alam mo? Wala naman, diba?" tanong ni Hunter sa kapatid. Wala naman kasing kahit sino ang may alam ng nangyari sakanilang dalawa ni Tanya. Siya lang at ang babae.

Hindi sumagot si Thunder. That was quite true. Simula ng lumayo ang loob ni Hunter sakanya, wala na siyang halos alam sa kapatid maliban sa reklamo ng ama nila na sakit sa ulo si Hunter.

Alam ni Thunder na hindi. He was a good student. Hindi sila magkaklase nito pero alam niyang hindi nawawala sa top sa klase si Hunter. Pero nagiging tila balewala iyon sa Daddy nila.

"Hunter, pwede naman nating pag-usapan ang problema mo, eh," ani Thunder sa kapatid.

Natawa naman ng pagak si Hunter. Napailing siya bago muling uminom. "Hindi ko kailangan ng tulong mo," tumayo na siya at iniwan ang baso doon bago nagtungo sa kwarto at ibinagsak ang katawan sa kama.

Hindi niya sinubukan na tawagan ang dalaga. Ano bang paliwanag ang sasabihin niya? Hindi din naman siya pakikinggan nito.

Napalingon si Hunter sa cellphone niya nang magring ito.

Tany calling...

Napapailing na inilapag ni Hunter ang cellphone.

Si Tanya ang tumawag sakanya noong nakaraan. Kinuha nito ang number niya kay Salvador.

She asked him to meet her. Hindi pumayag si Hunter.

Pero masyado siyang kilala ni Tanya. Alam ni Tanya na hindi niya ito matitiis kaya namilit siya.

Hunter's Temptation Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz