♥ABOUT NALYN♥
Trixie's POV
"TUULOOOONG!" Napa-bangon ako dahil sa isang malakas na sigaw na narinig ko. Pag dilat ng aking mga mata ay agad tumambad sa akin ang malawak na isla. Asan ako? Bakit ako nandito? Nananaginip na naman ba ako? Anong klaseng lugar ito?
"TULUNGAN NIYO AKOOO!!" Agad akong tumayo nung muli kong marinig yung pamilyar na boses na yun. Nag lakad ako para hanapin kong saan nanggagaling yung boses. Sobrang lawak nung isla at tanging mga puno't halaman na lang ang nakikita ko. Wala man lang ni isang bahay na naka-tayo dito at tanging buwan lang yung nag bibigay liwanag sa buong isla.
"BITAWAN MO AKO!! HAYOP KA!!" Galit at para ng umiiyak na sabi nung boses. Mas lalo ko pang nilakihan ang bawat hakbang ko kahit wala man lang akong sout na tsinelas. Napunta ako sa isang pinaka-madilim na parte ng isla kung saan natatakpan na ang liwanag ng buwan at may mga malalaking bato na ang naka-tayo.
"ILANG YEARS NA TAYO NALYN PERO HINDI MO MAN LANG MAIBIGAY SA AKIN ANG PAGKABABAE MO!! ANO BA!! MAHAL MO BA TALAGA AKO?!!" Galit na galit na sabi nung lalaki at nanlilisik pa ang mga mata nito habang may hawak itong matulis na kutsilyo. Mas lalo akong nagulat nung malaman kong si nalyn pala yung babae. May name tag itong naka-dikit sa damit niya at ewan ko kung bakit. Umiiyak na siya at nagmamakaawa pero mukhang wala ng natitirang kabaitan dun sa lalaki.
"HAYOP KA!!! PAGKABABAE KO LANG PALA YUNG HABOL MO SA AKIN!! HAYOP KA! P*TA KA!!" Puno ng galit na sabi ni nalyn dun sa boyfriend niya at bigla na lang siyang sinampal nung lalaki. Parang gusto kong sugudin yung walang hiyang lalaki na yan pero hindi ko magawa. Para akong naka-pako sa kinatatayuan ko habang naka-yukom na ang mga kamao ko. F*ck! Anong klase siyang lalaki? Para siyang sinapian ng demonyo! Walang hiya siya! G*go siya!.
"MANAHIMIK KA!!! GAGAWIN KO KUNG ANONG GUSTO KO KAYA PASENSYAHAN TAYO!!" Sabi nung lalaki at isasaksak na niya sana yung kutsilyo kay nalyn nung bigla akong sumigaw dahilan para hindi niya maituloy.
"WAAAAAGGG!" Sigaw ko at dahan-dahan itong humarap sa kinaroroonan ko dahilan para mamukhaan ko siya at mabasa yung naka-dikit sa kanyang damit na name tag. CARL TIMOTE.
Bigla na lang akong bumangon sa kinahihigaan ko ng pawis na pawis at sobrang hinihingal.
"Bakekang kanina ka pa namin ginigising pero hindi ka man lang namin magising. Ano bang nangyayari sayo? Nananaginip ka na naman ba?" Tanong ni nalyn na mukhang nag aalala habang nasa kabilang gilid ko naman si dominic.
"Carl Timote" yan ang agad kong sabi at kunot noong naka-tingin sa akin ang dalawa. Bigla akong tumayo sa higaan ko at pumunta dun sa drawer para kunin yung class picture na nakita ko kahapon sa kwarto nila mommy.
"Nalyn kilala mo si carl timote right? Kung hindi mo siya matandaan heto ang picture para maalala mo siya" sabay abot ko kay dominic yung picture at ipinakita ito kay nalyn. Bigla itong nagulat at parang may kung anong lumabas sa kanyang mga mata. Ewan ko kung ano yun pero para siyang luha pero kumikinang ito eh. Humagulhol ito ng iyak at unti-unti siyang napa-upo habang yakap-yakap nito ang sarili niya.
Gusto ko siyang yakapin ngayon pero hindi ko man lang magawa dahil hindi ko siya mahawakan man lang. Biglang lumapit si dominic kay nalyn at niyakap ito. Tumalikod ako dahil ayaw kong makita si nalyn na nagkakaganyan. Sobrang masayahin si nalyn simula nung makilala ko siya at never ko siyang nakitang nagka-ganyan. Hindi ko namalayan na meron na palang luha ang umagos sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan at lumapit sa kina-uupuan ni nalyn.
"Tama na bakekang. Pinapangako ko na hahanapin natin yang lalaking yan" pagpapakalma ko kay nalyn at tumingin naman ito sa akin.
"Alam ko kung saan nakatira yan at gusto ko muna ngayong puntahan natin yung pamilya ko" sabi nito kaya laking gulat ko. Naalala niya na yung nangyari sa kanya? So ibig sabihin isang bagay lang pala ang makita nila na pamilyar ay maaalala na nila ang lahat ng nangyari sa kanila. Ganun pala yun.
YOU ARE READING
Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (COMPLETED)✔
Horror#22 (01-05-19) Highest Rank In Horror: #26 (06-26-18) #32 (06-16-18) #43 (05-13-18) Status:COMPLETED✔ -Editing Process- Genre:Teen Fiction/Fantasy/Horror What if...
