Chapter 5: Marshmallow

1.1K 47 0
                                        

Chapter 5: Marshmallow

**

"Class Dismiss"Anunsyo ng Teacher namin sa Math.

Inayos ko na ang gamit ko ng tawagin ako ni Sissy.

Sweet no? May endearment na kami. Actually sya nakaisip nun, kasi daw Were Bestfriend.

"Sissy! Bilisan mo jan! Punta tayo sa Marshmallow Parlor jan sa Tapat ng School!"

"Ha? San naman yun?"Tanong ko.

"Jan nga sa Tapat ng School! Basta Bilisan mo! May Bago silang Menu eh"nagmamadaling aniya.

Nilagay ko ng lahat ng gamit ko sa bag ko at sumunod sa kanya palabas.

"Sissy Kumusta yung sugat mo?"Tanong nya at Tinignan ang Nakabendang sugat ko.

"Okay na, medyo mahapdi padin pero okay na naman"Sagot ko.

"Pag nakita ko ulit yung Babaeng yun! Kakalbuhin ko talaga yun! At kakalmutin!"nanggigigil na sabi nya.

"Ano ka ba? Masama kaya ang Pumatol sa iba, tsaka bilang Prinse ay este Tao dapat matuto tayong Magpatawad"Nakangiting parangal ko.

"Awww So Sweet, kaya gusto kita as My Bff eh!"

"Bff?"

"Bestfriend Forever!!"Aniya at Hinawakan ang kaliwang kamay ko.

Naglakad na kami palabas ng School.

"Kailangan lang nating Tumawid, Ayun na yung Marshmallow Parlor oh!"Turo nya sa Isang Mukhang Restaurant sa ganda.

Maliit lang sya kung titignan , ewan ko lang sa Loob.

Pumasok na kami sa Loob ng Marshmalow Parlor at grabe sa haba ang pila pala!

"Haba ng Pila!!"Ani Sissy.

"Oo nga eh, bukas nalang kaya tayo bumili?"Sabi ko.

"No! Hanggang ngayon lang kasi Yung bago sa Menu nila"Paghuhurumintado niya.

"Ganto nalang, ako na ang pipila at Bibili, maghanap ka nalang ng Mauupuan"Nakangiting sabi nya "And This Is My Treat kasi you is my Sissy na"Dagdag nya.

Hindi nalang ako Tumutol pa at tumango nalang sa kanya.

Naghanap na ko ng mauupuan kaso mukhang wala na.

Halos maikot ko na nga ang Buong shop pero Wala talaga.

"Cute Angel"

Teka? Ako ba yung tinatawag?

Naalala ko tuloy si Steven! Waah ang Anghel nyang Mukha.

"Ay mukhang Anghel"Gulat na sabi ko at napahawak pa sa Puso.

Grabe! Nagulat ako dun! Sino ba namang Hindi magugulat kung nagpapantansya ka tapos may hahawak sayo bigla diba?

"I know Im Like An Angel, Hahaha. Cute Angel talaga oh"Tinig ni.

"Steven"Gulat na sabi ko.

"Hahaha, Spacing Out ka na naman Palagi Cute Angel"

"Ahheheheheh"

"Mukhang naghahanap ka ng mauupuan? Dun ka nalang sa Table namin?"Aya nya.

"May kasama kasi ako eh"

"Sino?"

"Si"

"Sissy!? Nakahanap ka na ba ng Table natin?"Mula na sa likod ko ay narinig ko ang tinig ni Sissy.

PRINCESS IN DISGUISE (IS NOW ON GOING!)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu