First Reason

4.2K 90 11
                                    

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

" Although you don't love me anymore.... I'm happy that you LOVED me even ONCE. "

-Unknown 

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

"He doesn't deserve you.. So Please stop crying..."

May nakita na naman akong notes sa singit singit ng libro ko. Mahilig akong magsulat sa notebook then pupunitin ko at isisingit sa libro pero alam kong hindi sa akin tong isang 'to.

Pinunasan ko yung luha ko na tumutulo sa aking pisngi. Paano naman kaya niya nalaman na umiiyak ako? At sino ba talaga 'tong nagpapadala ng mga ganito? 

"Ano na naman yan Jin!" Kinuha sa akin ni Trish yung papel na hawak hawak ko then binasa niya. "He doesn't deserve you... So please stop crying." Tumingin siya sa akin then natawa.

"Hahahahahaha!"

"Ey Trish! Stop laughing!" sabi ko naman.

"Eh kasi yang mukha mo eh! Nakakatawa! Yung mascara mo oh! Tapos.. Hahahaha.... Why are you crying na naman ba?" Tanong niya sa akin habang binabalik yung papel.

Why am I crying??

Kasi nakita ko lang naman yung ex ko na kasama yung girlfriend niya ngayon. Masaya.. Holding hands... 

That should be ME, instead of that girl. Ang tagal-tagal na namin ni Gelo but since that girl came, nagbago na sa akin yung boyfriend ko. Akala ko nga eh siya na ang makakatuluyan ko forever eh.. But I'm wrong. People do change.

Alam ko na one and a half years na kaming break but I still love him. 100 percent. I will do anything for him to be happy kahit na i-let go ko pa siya for his happiness. At ayun nga, ginawa ko na.

"Alam mo kasi Jin, move on! Tama tong sinasabi nung letter sender SLASH Stalker mo oh!"

I know. May mga point. Pero bakit ako maniniwala diyan? Eh hindi ko nga alam kung sino 'yan eh. Nagpapadala na siya sa akin nang sulat kahit nung kami pa ni Gelo. Wala naman siyang masamang sinasabi. Actually napapangiti ako sa mga nilalaman nung mga notes na sinisingit niya sa libro ko at sa kung sa'n sa'n. Hindi ko alam kung paano niya yun nailalagay eh. Basta kapag binubuksan ko minsan ang libro ko, may makikita na lang akong notes. Puro inspirational messages ang nakasulat. But this time, iba na... alam na niya na umiiyak ako?

Hindi ko alam kung sino siya, kung lalaki o babae ba. Ang alam ko lang...

Wala nang makapag-hihilom ng sugat sa puso ko kahit ilang libong notes pa ang ilagay niyo diyan sa libro! Nasasaktan pa din ako kapag nakikita kong magkasama yung ex ko at yung girlfriend niya. Ang sakit sakit... Sobra... Hindi naman kasi malinaw kung bakit siya nakipag hiwalay sa akin eh.

10 Reasons Why [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu