"Idaan mo muna ito kay Kiezha bago ka pumunta sa school mo, hah Chantal. "- bilin sakin ni ate habang nag-aagahan kami.
"oo, ate. "- sabi ko at muling sumubo ng pagkain.
"Dalian mo na ang kilos mo, tanghali na nauna na sa'yo ang pamangkin mo sa eskwela,eh."-
"Sorry, ate, busy kasi ako kagabi. "
"Busy? Saan? Sa kababasa ng online fiction stories? "-
Akmang iinom ako sa baso pero napatigil ako at napatingin sa kanya.
"Ate, alam mo? "-
"Oo, gabi-gabi kaya akong sumisilip sa kuwarto nyo ni Chantal. At naabutan kita na nakaharap sa loptop mo. "-
Binilisan ko na ang pagkain ko at tumayo na. (alam mo na, para makaiwas sa sermon. )
Lately kasi nakakaramdam ako ng pananakit at pamamaga ng mata, kadalasan namumula. Parang sore eyes pero hindi naman. Sabi ng doktor, it was cause by too much exposure on radiation. Kaya simula nun pinagbawalan ako ni ate na gumamit ng cellphone o ng kahit anong gadgets.
"Worried lang kasi ako sa health mo,Chantal. Kaya sana alagaan mo ang sarili mo. Wala dito sila Mama at Papa para mag-asikaso sayo."-
"ate, okay lang naman ako at saka wala naman akong sakit. "-
YOU ARE READING
Her mysterious eyes
Teen FictionCoincidence ang dahilan ng pagkakaroon nila ng connection.
