THE START

25 1 0
                                    

" Makikilala mo na ngayon ang tunay mong pamilya hija." tumingin ako kay manong Serge siya ang sumundo sa akin papunta sa tunay kong pamilya. "Hindi madali ang bago mong buhay. Tatanggapin ka nga ng mga magulang mo pero ang tanong kaya mo ba ang pagbabago sa buhay mo?"

Yan di naman ang nasa isip ko. Tama siya tanggap ako nang papa ko ewan ko lang kung tanggap din ba ako ng tunay kong ina. Buong byahe nasa labas lang ako nakatingin.

"Alam kong nahihirapan ka ngayon hija pero sa nakikita ko ngayon sayo mukhang makakaya mo. Ikaw lng ang kilala kong tao na sa edad na 19 marami nang napagdaanan." umiling ako sa sinabi niya. Di naman kasi ibig sabihin na pag madami ka nang karanasan sa buhay eh makakaya mo ang lahat. May pagkakataon parin na gusto mo nang sumuko.

Kaya sa buhay ko ngayon na alam kong madami pang mga pangyayari at pagsubok sa buhay ko na magbabago, di ko na alam kong makakaya ko pa ba. Di ko na nga halos kilala kung sino ba talaga ako. Kung anu ang totoo kong pangalan.

Biglaan kasi lahat nang mga ito. " Malapit na tayo" paalam niya sa akin. Pagkasabi niya na malapit na kami bigla nalang akong kinabahan. Parang gustong lumabas nang puso ko sa kaba. " wag kang matakot. " tumango ako, at di na nagpahalatak na halos gusto ko nang bumalik nalang.

" Let's go" Bumaba siya at binuksan ang pintuan. Ang laki nang bahay halatang mayaman ang nakatira. Nang lumakad na siya di niya alam na di ako nakasunod ayoko kasing humakbang natatakot ako baka ano ang mangyayari sa kin sa loob nang malaking bahay na ito.

Tumingin siya sa akin na nagtataka. Ang layo niya na kasi at ako ay nasa pintuan parin nang sasakyan." Naghihintay na sila sayo hija." yumuko at umiling ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, tumingala naman ako sakanya"sasamahan niyo po ako sa loob?" Tanong ko, ayokong pumasok sa loob na ako lang. Wala akong kakilala doon kahit sino sa kanila. " hindi kita masasahan sa loob hija." umiling iling akong nakatingin sa kanya.

" Po? Samahan niyo po ako kahit sa loob lang. Nahihiya po ako."

"Anu ka ba hija di ka dapat mahiya, kasi sila ang bago mong pamilya, sanayin mo na ngayon palang na iba na ang makakasama mo."

"Nahihiya nga ako kasi di ko sila kilala. Di ko alam kong anu ang dapat kong gawin? Kung titingin ba ako sa kanila o ngingiti na parang close kami." natawa pa talaga siya sa sinabi ko.

"Halika na." hinila niya ako at binuksan ang pintuan bago niya ako tinulak papasok sabay sarado ng pinto. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa gulat. Nang unti-unti ko nang binuksan pinikit ko uli pano ba kasi ang dami nila at halos nakatingin pa sa akin.

Minulat ko nang paunti unti ang mga mata ko. At sa pag,mulat ko nakita ko ang matandang lalaki sa harapan ko kaya napayuko ako. Hinawakan niya ako sa pisngi sabay yakap.

Sumakit bigla ang lalamunan ko. Gusto kong umiyak, ewan ko kung bakit ang sarap lang kasi sa feeling na parang yakap ko uli si papa ang nagpalaki sa akin. Kumalas siya nang yakap at tiningnan akong muli.

Wow! Kamag anak ko ba talaga sila? Bakit ang layo-layo nang mga pagmumukha namin. Masyado silang maganda at gwapo. Baka nagkamali lang sila na ako ang nawawala nilang anak.

Nakatingin lahat sila sa akin na parang isa akong subject for experiment. Ngumiti sa akin ang dalawang lalaki na nakaupo sa sofa at ang dalawang babae naman nakangiti rin maliban sa isang matandang babae na nakaupo sa tabi nang batang lalaki.

Inakay ako nang matandang lalaki at pinaupo sa isang upuan.
"Are you scared?" tanong niya, tumango ako. Natatakot talaga ako lalo na sa tingin nang matandang babae. " Don't be. " Huminga siya nang malalim bago nagsalita muli." It's been a long day for you, but we want to settle this now." tumango ako at tiningnan siya nang diretso.

LOVE CAN CHANGEWhere stories live. Discover now