Tapos umiyak na naman ako.

Di naman talaga nakita sa picture na magkadikit lips nilang dalawa.

Nakatalikod kasi si Joyce.

Pero kitang-kita  na hawak-hawak ni Mome yung magkabilang pisngi ni Joyce.

 

“Mikay, wag ka na umiyak please” Tapos pinunasan niya yung mga luha ko.

Napatingin ako sa kanya.

Bakit siya magmamakaawa na tumigil ako sa pagiyak?

Nasasaktan din ba siyang makita akong ganito?

Or ayaw niya lang may nakikitang umiiyak sa loob ng kotse niya?

“Tsk. Alam ko na magpapasaya sayo”

Bigla siyang nag-drive.

Nagulat nga ako eh.

Pano, nandito na kami sa tapat ng mga bahay namin tapos bigla pa kaming umalis.

 

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko sabay punas ng luha ko.

“Basta” Then he smiled at me.

Gino’s POV

Nagwo-worry ako.

Kanina pa siya tahimik.

Para nga akong walang kasama ngayon sa kotse.

May hindi nga nagpumilit na itanong kung saan kami pupunta.

Shet kasi yang boyfriend niya.

Swerte swerte na nga ni Jerome na nakuha niya sa mikay tapos ano?

Sasaktan niya lang?

Sarap upakan.

Tsaka nakakainis siya.

Wrong timing.

Paano ko ngayon sasabihin kay Mikay na ako yung ka-chat niya?

Eh kitang ang lungkot lungkot niya.

Dadagdag pa ko?

Bwisit!

“Mikay, gutom ka?” Tanong ko.

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon