"Tss! Bahala ka!" sigaw ko tsaka naghanap na ng mauupuan. "So, ano ba talaga ang real name mo?" tanong niya ulit
Akmang magsasalita ako 'nung may dalawang babaeng bumati sakin. "Hello Ace!" sabay nilang bati at agad naman akong nag'smile sa kanila, then napansin ko na pagkatapos kung mag'smile ay lumanding 'yung mga mata nila kay lalaking bwesit na feeling close sakin
Pagkatapos 'nun ay umalis na sila at umupo sa likuran ko
Sino kaya 'yung kasama ni Ace?
Oo nga. Sheeemz! Ang gwapo niya bes
Oo nga. New student kaya siya dito sa Northvale?
Hmm~ siguro
Iyon 'yung narinig kong kilig na kilig na conversation ng dalawang babae sa likod ko. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng galit dahilan para mawalan ako ng gana sa pagkain
Agad akong tumayo at naglakad ng diretso, narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon
Kai's POV
"Ace! Ace!" paulit'ulit kong sigaw sa kanya pero hindi niya talaga ako pinansin. Tss~ siguro nainis na siya sakin kaya umalis na
Anyway, ako nga pala si Kaizer Louis Silvestre but they usually call me Kai. College na sana ako ngayon kaso natigil ako sa pag'aaral when I was in Elementary due to financial problems. Na bankrupt kasi ang company namin at na'depress si Dad dahil dun pero after a year, nakarecover din kami because of my Aunt
I transfered here in Northvale dahil sa kagustuhan ng parents ko. Medyo malayo rin kasi 'yung dati kong paaralan sa bahay namin
"Hey!" malanding bati sakin 'nung babae na kanina ay bumati rin kay Ace
Ngumiti lang ako sa kanya pero laking gulat ko ng tumabi silang dalawa sakin. "Dito ka naba sa Northvale mag'aaral?" tanong nung isang babae at tumango lang ako sa kanya
"So, what's your name?"
"Kai" I answered
"Hello Kai! I'm Sasha and this is my bestfriend Katrina. Nice to meet you" she said
"Same" maikli kong sagot sa kanila
"Alam mo you-"
"Ahm~ can I ask you something?" I asked then she smiled. "Do you know Ace?" I asked
"Ofcourse. He's- I mean she's popular here in our school. Maraming babae rin ang nagkakagusto sa kanya kahit na tomboy siya" she answered. Ah kaya pala
"I thought your friends. Hindi pala?" tanong naman 'nung girl na nagngangalang Katrina
"Bes, we all know na walang kaibigan na lalaki si Ace because they all hate her" saad naman ni Sasha
"Ah, hindi pa talaga kami friends pero dun rin naman ang punta namin" I said and smiled at them. "Ano nga pala ang real name niya?"
"Lacey Olivia Fierro"Ace POV
Pagkatapos ng klase ay nagpasya muna kaming mamasyal ni Alexa sa mall at doon na rin kumain ng dinner. Wala rin kasi akong ganang kumain ng dinner sa bahay kasi for sure si Kuya Larry at Daddy ang makakasabay ko. Late kasing uuwi si Kuya Lance ngayon."Alexa, nandyan na 'yung driver mo. Goodbye" I said and gave her a smile
"Goodbye boo! I enjoyed this night" sabi niya at pumasok na siya sa sasakyan nila
Maya'maya ay dumating na rin si Manong Ervin at laking gulat ko na nandun si Kuya Larry"What are you doing here?" tanong ko 'nung makapasok na ako sa sasakyan
Ngumisi muna siya at agad nagsalita. "Bakit? Hindi ba pwede. This car isn't yours, wag kang feeling" saad niya
Hindi nalang ako nagsalita dahil alam kong mag'aaway lang kami
"I saw you and Alexa together" he said then he looked at me. "Maghiwalay na kaayo kasi wala rin namang patutungohan ang-"
"Walang kami" I cut him off and shot him a glare
"So, ano kayo? Friends with Benefits?" He queried
"Kuya ano bah-"
"Kadiri ka Lacey, pumapatol ka ng kapwa mo babae. Tss! Nakakahiya ka talaga!" sigaw niya sakin. "You're a shame" dagdag niya, ramdam ko ang matinding kirot sa puso ko dahil sa sinabi ni Kuya pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak
Pagkarating namin sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Pagkatapos ay naghilamos ako at nagbihis. Medyo nabawasan na rin 'yung naramdaman kung hinanakit kanina
Nag'facebook muna ako at laking gulat ko 'nung makita ko ang pangalan niya
Kai Silvestre sent you a friend request
MYGHAAAAD! Hanggang kailan niya ba talaga ako tatantanan. Jusko!Agad kong pinindot 'yung IGNORE at pinagpatuloy ko nalang 'yung pagbabasa sa mga notifications ko
Maya'maya namay lumitaw na naman ang pangalan niya sa Chatbox ko
Kai Silvestre: Uyy! Accept mo na friend request ko :)
Ace Fierro: Ayokong makipag'friend sayo!!!
Kai Silvestre: Grabe ka naman. Huhuhu ㅠ.ㅠ
Ace Fierro: Kpag ba ina'accept ko titigil kna sa pangungulit sakin?
Kai Silvestre: Oo? :)
Agad kong tiningnan 'yung friend request ko at nandun nga ulit ang pangalan niya. I then click, ACCEPT
Kai Silvestre: Thank you Lacey ;D
WAIIITTTT! Lacey? Paano niya nalaman eh, Ace ang pangalan ko sa facebook
Ace Fierro: Lacey? How did you know my name?Kai Silvestre: Let's just say na, niresearch ko 'yun sa Google :p
Ace Fierro: Grabe! Ganun ka talaga ka interesado sa pangalan ko at niresearch mo pa?!
Kai Silvestre: Oo? Well, hindi lang naman sa pangalan mo. Actually, I want to know more about you Lacey Olivia Fierro :)
** TO BE CONTINUED **
Hello! Sorry kung lame 'yung update :3 Anyways, thank you pa rin sa pagbabasa :)
Vote at mag'Comment naman kayo para ma'inspire si Author :D
![](https://img.wattpad.com/cover/39635315-288-k771637.jpg)
YOU ARE READING
I Love You, Karibal (EXO)
FanfictionMeet Lacey/Ace Fierro, ang that's my TOMBOY ng Northvale High School, na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan at kinaiinggitan ng mga kalalakihan. Meet Kai Silvestre, ang captain ng Basketball team, leader ng sikat na Dance Group, matalino, gwapo at...
Chapter 2: Kai Silvestre
Start from the beginning