Chapter 1

14.3K 259 0
                                    


Katarina's POV

Masyadong maraming tao ngayon sa bar na pinuntahan ko, at sa sobrang dami ay halos nakatayo na ang iba at wala nang maupuan. At ang iba naman ay nasa dance floor na lang na may hawak na mga beer habang sila ay sumasayaw.

Simula nang maka-graduate ako ng college ay mag-isa na lang akong nagpupunta sa mga bar, dahil ang mga kaibigan ko na kasama ko dati ay mga nagtatrabaho na at wala nang oras para sa mga ganitong bagay.

Sa mga kaibigan ko ay ako lang ang mayaman, kaya noong college pa kami ay halos ako ang nanlilibre sa kanila makasama lang sila sa trip kong gawin. Well, at least, even if they're busy now I can still count on them when I needed them. Pero hindi na sila kagaya ng dati na mahilig mag-bar para magpakalasing din, dahil kailangan na daw nilang magseryoso sa mga buhay nila.

But me? Wala namang kaseryo-seryoso sa buhay ko, so why bother?

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko pa kailangan silang ilibre makasama lang sila? Because they're not rich. Pumasok ako sa isang university na private nga pero average people lang din ang mga pumapasok. My parents thought I was studying at a well known university that only rich people can afford, but I didn't enroll myself in that place. I'm not comfortable hanging out with rich kids like me that only money can make them happy.

I am not happy with my life, kaya high school pa lang ako ay nag-start na akong hindi sundin ang parents ko. Ask me if they know what I'm doing? No, they didn't know because they never bother.

"Hi, miss. You alone? You can join us if you want?" Dire-diretsong tanong sa akin ng isang lalaki nang mapadaan ako sa table nila.

Apat silang lahat sa isang table. Two girls and two guys.

Every night nagpupunta ako sa bar ng mag-isa lang. Okay lang naman sa akin iyon dahil magpapakalasing lang naman ako at uuwi na, pero kapag may nagyaya sa akin na saluhan sila ay pumapayag ako. Gaya na lang ngayon.

"Sure!" Sabi ko kaagad at umupo na sa bakanteng upuan.

"I'm Red." Pakilala sa akin ng lalaking nagyaya sa aking saluhan sila na may suot na hikaw sa tenga. Mukhang gangster ang itsura niya at pati na ng kasama nilang isa pang lalaki.

"I'm Ka-----" sabi ko pero napahinto rin ako nang batukan si Red ng babaeng katabi niya.

"Ouch! Bakit ba?" Angil niya dito.

"Your name! Tell her your name!" Sigaw ng babae para marinig siya sa lakas ng ingay sa loob ng bar.

"Oh, right! Hahahaha I mean, I'm Jagger and red is my favorite color." Pagtatama niya bigla.

Mukha ngang red ang favorite color niya dahil red ang suot niyang jacket na nakasukbit pa ang hoodie sa ulo niya. Ang init na kaya dahil sa dami ng tao dito. Seems like he doesnt care with the heat.

"Ah, okay. I'm Katarina." I told them at isa isa na silang nagpakilala sa akin.

"Trixie here. Jagger's girlfriend." Sabi ng babaeng bumatok kanina kay Jagger. Kaya pala ang lakas ng loob niyang batukan si Jagger dahil girlfriend pala siya.

She's pretty and small. She's like five feet tall compared to my five and six feet height. She's also wearing a jacket but the color is brown na bukas sa unahan at kita ang white tube top na suot niya na hindi umabot sa waistline niya, and a brown tight jeans.

Oh, well. They really dont care about the heat.

"Hi, ako naman si Clover at itong katabi ko ay si Cyrus, boyfriend ko." Pakilala naman sa akin ng babaeng katabi ni Trixie at ang nasa kaliwa nga niya ay ang boyfriend niya.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon