Tatayo na sana si Kuya no’n para kunin sa bag niya ‘yung telpono, kaso tumabi sa kabilang side niya ‘yung witch at kinausap siya kaya nakalimutan ako. Tss.

Edi napatingin nalang ako dun sa mga iba nilang kasama. May kuyang nakangiti sa’kin kaya nginitian ko rin. Tapos napansin kong may iPhone siya, hehehe. “Ay! Kuya, hello,” bati kong nakangiti nang mas malapad. “May Angry Birds ka diyan sa iPhone mo?” tanong ko. Lagi ko kasing nilalaro ‘yon sa iPhone ni Chan-Chan eh, hehe.

“Di ako nausuhan ng Angry Birds eh. Meron ako ‘yung Mayhem! Astig ‘yon! Parang Counter. Papatayin mo ‘yung Mafia!” parang eksaytment din niyang sagot sa’kin tapos kinalikot niya ‘yung cellphone niya.

At dahil na-curious naman ako, hiniram ko na ‘yung phone niya, hehe. Buti nga pumayag siya eh kasi nga naman, magre-review sila kaya di rin niya magagamit. “Ako nga pala si Charlie,” pakilala ko nung ipapasa na niya sa’kin ‘yung telepono.

“Brian,” balik naman niya, pero hinawi ni Kuya Marcus ‘yung kamay ni Kuya Brian at siya na lang ‘yung nag-abot sa’kin nung iPhone.

Edi ‘yon, habang naririnig ko silang parang mga alien na nag-uusap-usap, pumapatay ako ng Mafia, hehe. Ang astig talaga nun! Pina-download ko pa nga sa iPhone ni Chan-Chan eh, wuhahaha.

Akala ko matagal pa sila nun, pero nakalimutan ko, matatalino nga pala sila kaya maagang natapos ‘yung group study nila. Kaya kinailangan ko na ring ibalik ‘yung cellphone ni Kuya Brian na malapit na ma-drain ang battery, ehehe.

Pa’no kaya nakakayanan ng mga utak nila ‘yung ganun karaming rerebyuhin tapos sandali lang, tapos na nilang aralin? Ako nga, buong araw, pahirapan pa kasama nila Louie eh. Buti nga nag-section three pa ko nung taon na ‘yon. Katakot ko lang dun sa dalawa kong besprens kung di pa tumaas ang grades ko!

“Ehhh.. sayang naman. Di ko natapos,” nanghihinayang kong sabi nung binalik ko na ‘yung iPhone habang nasa kwarto si Kuya Marcus dahil may hinahanap yatang libro. “Astig ‘tong game mo kuya,” puri ko pa at nag-offer ako ng bro-fist.

 

Pero di yata marunong mag-brofist si Kuya Brian dahil sinalo ng palad niya ‘yung kamao ko. “Pwede ko bang makuha ‘yung number mo?”

“Sige ba! Padalhan mo ko ng jokes ah, hehe,” sabi ko naman. Wala na rin kasi akong masyadong ka-text nung panahon na ‘yon kaya binigay ko na rin ‘yung number ko. Mukha namang mabait si Kuya Brian eh. Pa-thank you ko na rin dahil pinahiram niya sa’kin ‘yung iPhone niya, ehehe.

“M-may boyfriend ka na ba? Eighteen ka na ba?” sunud-sunod niyang tanong.

‘Di ko pa siya naintindihan noon. Achuli, ‘yung pangalawang tanong lang niya ang nasalo ng utak kong mapurol. “Di ah! Fifteen pa lang ako ‘no! Mukha ba akong gurang?! Suntukin kita eh.”

Nagkamot naman siya ng ulo. “H-hindi ah. Kaya ko nga natanong kasi ano--wala sa itsura mo, parang si Marcus lang. Pag eighteen ka na, pwede ka nang ligawan?”

   

Natawa ako sa tanong niya dahil unang beses na may nagtanong sa’kin non. “Ako? Liligawan? Baka ako daw ang manligaw eh, mehehehe. Gusto mo turuan kita?” biro ko pa sa kanya.

   

Tapos pinisil niya ‘yung pisngi ko. “Ang cute mo talaga.”

   

Ngumiting-bungisngis lang ako sa kanya. Sempre, walang panget sa lahi namin noh!

   

Biglang pumagitna naman si Kuya Marcus at inakbayan Kuya Brian na halos pasakal. “Ihahatid ko na kayo sa kanto,” pag-anunsiyo ni Kuya habang halos itulak palabas ng bahay si Kuya Brian.

“Bye, Charlie! Text kita ah!” pahabol pa nung kaibigan ni Kuya nang nakalingon sa’kin.

“Ba-bye Kuya Brian! Next time, palaro ulit sa phone mo!!!” sigaw ko rin sa kanya bago siya tuluyang itinulak palabas ng gate ni Kuya Marcus.

   

Kumakaway pa ako nun habang nasa terrace nung nagsalita si Ate Nica dahil nagpaiwan siya. May pag-uusapan pa raw sila ni Kuya ko eh. “Lesbian ka noh?”

   

Edi sempre, nagulat ako. “Haaa?! Di ah!” Hindi naman ako tomboy ah, bakit niya nasabi ‘yon?

   

Tapos inismiran niya pa talaga ako bago sinabing may gusto daw sa’kin si Kuya Brian. Nanlaki na naman ‘yung mga mata ko dun. Eh kasi diba, ka-age sila ni Kuya Marcus, edi ibig sabihin, walong taon ang agwat namin! Boplaks talaga ‘yung babaeng ‘yun.

   

Nagkasagutan pa kami non! Saka niya ako pinagbantaan na isusumbong ako kay Mark. Edi nabara ko ulit siya. Bakit kasi Mark ang tinatawag niya kay Kuya Marcus eh may kapatid kaming ‘Mark’ din ang pangalan?! Nakakagulo kaya ‘yung tawag niya sa kuya ko!

   

Eto ang matindi. Nung parating na si Kuya Marcus, kinagat ni witch ‘yung sarili niyang braso saka sumigaw at ako ang pinagbintangan!

  

Ang masaklap pa, kinampihan siya ni Kuya! Tapos gusto niyang ako pa ‘yung mag-sorry. Eh bakit ako magso-sorry, wala naman akong ginawang masama?! Tsaka bakit ko naman kakagatin si Ate Nica eh hindi naman siya pagkain? Tsaka, tsaka kahit naging pagkain pa siya, hinding-hindi ko talaga siya kakainin dahil sigurado akong panget ang lasa niya! Simpanget ng ugali niya!

   

Sa sobrang asar ko, iniwan ko talaga sila. Sempre hindi ako masundan ni Kuya Marcus dahil wala ngang tao sa bahay kung pati siya aalis.

   

Pero grabe yon. Ang sama talaga ng loob ko kay Kuya Marcus non. Kasi mas pinaniwalaan niya si witch kesa sa’kin. Naiinis pa rin ako kapag naaalala ko.

   

Eh? Sa’n ako nagpahupa ng sama ng loob?

   

Nilibre ako ni Kuya Brian sa Timezone, hehehe. Siya na rin ang naghatid sa’kin pauwi kaya naimbitahan siya nila Papa na magmerienda.

   

Kaso, wala na si Kuya Marcus non, hinatid daw pauwi si witch. Tss.

------

A/N: 

Achuli = Actually

Pasensiya.. may sariling vocabulary/dictionary si Charlie v(_ _||)>

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now