“Ahm… may kasama ka ba?” tanong niya sa’kin.

“Si Mich.”

“Pwede ba kitang mahiram sandali? Sandali lang” naawa ako sa kanya kaya sumama na rin ako. Nagtext ulit ako kay Mich na kumain nalang siyang mag-isa at wag na kong hintayin.

Nakarating kami sa park.

“Anong nangyari sa uniform mo?” ohh. Napatingin ulit ako sa uniform ko, natatakpan siya ng jacket na binigay sa’kin ni Icki bago kami naghiwalay.

“Natapunan lang kanina.”

“Claide…” humarap siya sa’kin bago hawakan ang kamay ko “Alam kong wala na kong pag-asa sa’yo. Alam kong naging gago ako sa’yo pero ngayon tanggap ko na…”

“Ha?”

“Mahal mo pa ba ako?”

“Bakit tinatanong mo sa’kin yan—”

“Gusto kong malaman, Claide…”

“I… I loved you, Anthony. It will never change”

“Not anymore…” ngumiti siya sa’kin pero alam kong hindi tunay yon, malungkot siya “Ganon ba kita nasaktan dahil kay Joyce?”

“Mas nasaktan ako nong nalaman ko ang totoo. Nung nalaman kong kaya mo lang ako ako nilalalapitan dahil mayaman ang parents ko. Gusto kong tanungin sa’yo Anthony, totoo ba yon?”

“C-Claide…”

“Kung yun rin lang naman pala ang habol mo, sana magulang ko nalang ang niligawan mo, tutal sila naman ang mayaman diba?” hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Guto kong umiyak pero sinabi ko sa sarili ko na hindi na ko ulit iiyak dahil sa kanya “Para kay Joyce, lalapitan mo ko para malayo ang loob ko kay Icki. Bullsht! Napakawalang hiya niyong dalawa”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Well, sino pa bang makakapigil sa ganitong sitwasyon? Gusto ko siyang bugbugin, sampalin, sabunutan at saktan ng sobra pero sarili ko na rin ang pinababa ko. Hindi ko dapat nilelevel ang sarili ko sa tulad nila, pinalaki kami ni Cleede na lumaban ng tama. Hindi ko sisirain yon.

“Claide…” hinawakan niya ang kamay ko. “P-pano—”

“Pano ko nalaman? Simple lang, ang tanga niyo kasing dalawa”

“Claide, it is not what you think…”

From A DistanceWhere stories live. Discover now