Problema ba?

3 0 0
                                        

A|N: Ito na po yung 2nd chapter ko!!! ^^ medyo short lang siya.Salamat sa pagbabasa nitong storyang to!! Enjoy reading pooooo! 

Sorry for the typos

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Bye Nikki! Bye tito! Salamat po sa paghatid"

nakangiti kong sabi. Pagkatapos ng concert ay kumain muna kami ni Nikki. At ako pa ang pinagbayad sa mga pagkain kapalit raw sa paghatid niya sa akin. Hay naku.

Pumasok na ako sa gate.

"Nandito na pala sina mommy? ang aga yata" nasabi ko ng mahina nang makita ko ang sasakyan ni daddy.

Pagpasok ko pa lang sa pinto, nagtaka ako sa bumugad sa akin, sina mommy at daddy nakaupo sa sofa na parang namumutla, na hindi alam ang gagawin, at parang nag-aalala.

"Mommy, daddy anong nagyayari dito? Ba't ganyan ang mga mukha niyo? Asan si kuya?" Sunod sunod kong tanong

This is starting to freak me out!!

Baka si kuya! No! Anong nangyari sa kanya??. Ok alam ko masyado na akong O.A. Hayaan niyo na.

"Spit it already! Anong po ang nangyari? Asan si kuya?"

Nagtinginan lang sila sa isa't-isa na parang nagtutulakan kung sino ang magsasabi ng kung ano man ang sasabihin nila.

"Anak, kani---" naputol ang sinasabi ni mommy nang lumabas si kuya sa kwarto niya sa itaas. Wait--- si kuya!! Ay salamat! Akala kung ano na!

"Ba't ba kayo nahihirapang sabihin yan? E hindi naman namatay di ba? " Sabi ni kuya habang bumaba sa hagdan.

"Anong namatay??" Ay tanga.

"I mean SINONG HINDI namatay?" Pag ulit ko.

"Anak, kanina habang papunta kami sa hotel para sa meeting namin bukas, naka bunggo kami." Nalulungkot na sabi ni mommy.

"Ano!!?"

"Pero buhay pa naman di ba?" Tanong ko habang umuupo sa sofa.

"Oo buhay nga! Ang kulit eh!" Iritang sabat ni kuya.

"Jade I need you to go to 'toot hospital' tomorrow. Bisitahin mo yung nabunggo namin at ipagpaumanhin mo nalang kami ha anak" mahinahong sabi ni daddy

"Bakit ako? Eh Hindi naman ako ang nakabunggo dun. Kayo nalang daddy!" pagtutol ko.

"Anak! We're going to an important meeting tomorrow. We badly need those clients!" Pagpapaliwanag ni mommy.

"Pero ma--"

"No buts and ifs young lady!" Sigaw ni dad!

"Dad naman eh! Hindi naman 'but' and sinabi ko! Sabi ko 'pero'." Sabay taas ng dalwang kamay at nag form na parang quotation mark.

Nagpipigil naman ng tawa si mommy na tinatakpan ng kanyang kamay ang bibig niya para pigilang matawa. Si kuya naman NR. Si daddy, ayan masama nanaman ang tingin sa akin. Umaandar na naman pagka pilosopo ko, patay! Baka ma cut-off ang allowance ko! 

Oo May allowance ako kahit summer! May angal? At oo po, summer po ngayon, di ba summer naganap ang concert ni DJ? Anyways, back to reality.

"Si kuya nalang! Wala naman yang ginagawa rito sa bahay!" Sabay tingin ko kay kuya.

"Sorry but I'm not available tomorrow, may job interview ako." Sabi ni kuya na naka poker face. Kainis talaga!!

"That's final Jade!! Wala ng kokontra!" Sabi ni daddy

Tumayo nalang ako na naka busangot at padabog na umakyat sa hagdan. Agad akong pumasok  sa kwarto at sinara ang pinto sa likod ko.

Haay! Kainis naman yung taong yun! Bakit pa ba kasi nabundol! Eh tatanga tanga kasi! Nang iistorbo pa ng ibang tao!

Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog.

It Started Years AgoWhere stories live. Discover now