Chapter 33 - OPlan: Get Him Back

Magsimula sa umpisa
                                    

O______________O

"K-kath?!" O_O anong....

"DJ! Gosh! Gising ka na! Wait lang!" Sabi naman niya at pumunta agad sa telephone malapit sa kama ko. Tinawag niya yung doctor at nurse. Siguro sinabihan sila na pag nagising na ako, tawagan lang sila.

Maya-maya lang dumating na sila. Napatingin ako kay Kath, busy syang nagtetext, Baka iniinform nya na ang barkada pati sina Mama.

Ang ganda pa rin niya. Walang kupas. Siya pa rin yung babaeng minahal ko at minamahal ko.

Bakit siya umuwi?

At bakit ngayon pang ganito na ang kalagayan ko?

Kath's POV


Omygod. Gising na si DJ! Sa sobrang excited ko tinext ko agad ang barkada pati na rin ang family ni DJ at family ko. Binilisan din naman nila agad ang pagpunta dito sa hospital. Habang chinicheck ng doctor si DJ, napansin kong nakatingin siya sakin. Pero nung tinignan ko na sya, umiwas siya bigla.

Parang may mali.

Hindi ba sya masayang andito na ako?

*booog*

Secretly Inlove ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon