Chapter 29 - After 5 years...

1.8K 33 5
                                    

Gaya po ng title ng update na to. After 5 years din nakapag-update na ako HAHAHA -___- feeling college ako. Kasi naman 4th yr na ako at hinahanda na kami sa super private school namin kung pano magiging buhay namin pag college kaya eto pinapatay na nila kami sa dami ng homeworks. Pero dahil mahal ko kayo, mag-uupdate ako ngayon kahit sabaw sana maintindihan nyo ako kasi sabog na sabog na utak ko June pa lang :3 xoxo ♥

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 29

*After 5 years*

Kath's POV

5 years na simula nung iniwan ko sila. Nung pinili kong umalis at pumunta dito sa US para maayos na ang lahat ng gulo.

At 5 years na din ang lumipas simula nung iniwan ko siya...

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa desisyong pinili ko. Pero hindi ako nagsisisi dahil ito din ang tanging paraan para malayo sila sa kapahamakan. Mahal ko pa din siya. Siya lang wala nang iba. Maraming nanliligaw sakin dito. Amerikano, Koreano at may Pilipino din. Pero kahit ni isa sakanila, wala pa rin makakapalit sa pwesto ni DJ sa puso ko. Siya pa rin talaga.

At may good news ako. Naayos ko na ang lahat. Paano? Tinanong ko lang kung ano ang gusto ng mga nakalaban ko. And I'm happy to say na walang nagsabing buhay ko ang gusto nila. Lahat sila ang hiningi lang ay mga sasakyan. Pero take note, MAMAHALING SASAKYAN. -_____- Akala ko nga mamumulubi na kami eh. Pero buti na lang at hindi naman umabot sa ganung punto.

Anong balita samin ni DJ? Wala -.- sa 5 years na un, never kaming nag-usap. Pero syempre hindi naman ako papahuli sa balita no. Nakikibalita pa rin ako sa barkada tungkol sakanya. At ayun nga, sikat na sikat na sya. Ang dami nyang fans. Pero may mga haters din sya na gustong gusto kong sapakin -____-

At alam nyo ba? Ang mokong nakadalawang album na. Bentang benta ang mga kanta nya. Pati yung mga kinanta nya sakin noon nasama sa 2nd album nya na nagplatinum pa agad-agad. Pano ko nalaman? Syempre bumili ako sa internet ng album nya no. Yung with matching autograph pa niya. O diba bongga? XD Talagang nakipag-agawan pa ako para dun. Hinding hindi nawawala yung dalawang album niya sa bag ko kahit san man ako magpunta. Pag nasa kotse ako yun ang lagi kong pinapakinggan. Pati nga sa iPhone, iPod, iPad ko puro kanta nya ang laman. Wala eh. Die hard fan na nya ako.

Sa barkada naman, ayun bongga na silang lahat. Halos lahat kasi sila nakuha na ni DJ para mag-artista. Kainggit nga eh kasi maski si JD artista na din. Nako, poging pogi na yung batang yun. Binata na. Lagi ko ngang nakakausap sa Skype yun ng patago eh. Miss na miss na daw niya ako. Mukhang okay naman na daw ang kuya DJ nya kasi napapasaya sya ng mga fans nya. At natutuwa dn ako kasi tinupad nya yung pangako nyang magiging masaya siya kahit wala na ako.

Si Chase? Laging may kaskype -___- at hindi ko alam kung sino. Ayaw sabihin eh. Madaya :/ pag dumating na lang daw ang tamang panahon -_____- sapak siguro ang gusto. Haha. Pero okay lang yun. Masaya ako kasi masaya na din siya.

[Excuse me?! You're idling again!] Sigaw nung kausap ko sa skype.

[Wala eh. May namimiss eh.] Sabi nung isa pa.

[Ayaw pa kasi umuwi eh.] Singit pa ng isa.

[Pakipot ang peg.] Sabi dn ng isa.

"Mga walangya kayo! Leshe! Nang-asar nanaman kayo eh!" Sigaw ko sakanila. Sino ba mga to? Sino pa nga ba diba -____- edi ang barkada kong napaka-echusero't echusera. Yung unang nagsalita kanina si Julia, tas si Enrique, sumunod si Aria tapos yung last si Kats.

Secretly Inlove ♥ [KathNiel]Där berättelser lever. Upptäck nu