the flashback.... ^_^

Magsimula sa umpisa
                                        

*ggrrrrrrggggg* Ano ba yan, nagwawala na tiyan ko.  Dapat pala nag break fast muna si ako.!!. Siguro naman pagdating ni Bebz madami syang foods na inihanda.  Ay!!!! Lakad lakad.. then may napansin akong isang box. para syang regalo, kasi nakagift rap sya eh,syempre regalo nga,, gift rap nga di ba???  dahan dahan kong nilapitan, syempre, baka bomba yun, eh di dead ako nyan, dead na dead kay bebz ko.  Ayyy.. gulo naman ng kokote ko sabat ng sabat.  Palapit ng palapit,  kinuha ko yung maliit na papel.. sorry tsismosa teh... may nakasulat dun., TO MY BEBZ: Happy 4th Monthsarry, i love you.. KIM!! 

Ang sweet naman nun, grabe sabay pa kami ng monthsarry, tek... teka.. KIM??? as in K-I-M.. Ako yun ah..  Wow naman, si Bebz oh, may paganito ganito pang nalalaman,  sigurado ako may surprise na naman sya sa akin.  Lalo naman akong naeexcite nito.  Dali dali kong binuksan yung regalo.  Tsaran!!! isang barbie doll oh.  Ang ganda naman niya, dapat may pangalan siya. 

Isip isip.. SARAH kaya, tutal idol ko si Sarah G.

sample.. sample...!!"How!! How could you say you love me when you...", Baliw naman oh.. idol lang po di ko sya kaboses...

ay,,, hindi.. ahmmm.. KIM CHIU kaya, atleast kapangalan ko di ba..?? Pero ang o.a naman kung bebe kim tapos ako mama kim?? parang de second lang kung ganun..

ayyy.. teka.. ahmmm.. dapat maganda ang name nya... ano kaya... ano????? inikot ikot ko na para bang iniimbestigahan ko ang barbie doll sa salang pagpatay... WAhhh!! kulit much..

then may napansin akong nakasulat sa may damit nya, MAU nakanaman, ang cute.. may pangalan naman na pala itong si Barbie doll ko eh.. Say>?? Mau/. Bebe Mau..

"Bebe Mau, nasan na ba ang daddy RD mo??"

Hayy... isang oras, dalwa, tatlo, apat na oras na ang mabilis na lumipas, 7 am ako nagpunta dito, ngayon ala una na ng hapon.  Bakit wala pa din si Bebz??  Masyado atang bonggang bonggang ang surprise nya sa akin ngayon, ang tagal eh.  Feeling ko pag isang oras at wala pa si RD, mag ko collapse na ako dito, paano, no breakfast na no lunch pa. .  Pero dahil sinabi ni RD na pumunta ako dito sa garden, sure ako na dadating din sya, kaya iintayin ko sya.  

Grabe nakakangawit sa binti ang magpa-ikot ikot dito, kaya si ako ay napalupagi na sa damuhan,.  Ang tagal ni Bebz. Di man lang siya nagtetxt, tapos naka off pa cp nya kaya di ko matawagan.  2 hours na naman ang lumipas, ang make up ko burado na, ang tyan ko sobrang nagwawala na, pero si RD??? biglang may pumatak na tubig...

"Umuulan?? Wow naman, rain, astig ka!! nakisabay ka pa sa araw ko, gusto mong maki celebrate sa akin??"

Sumilong ako dun sa puno, pero lalong lumakas ang ulan. 

"Yung scrap book"

Naiwan ko sa may upuan, kaya kahit sobrang lakas ng ulan, pinuntahan ko yun, ok lang kahit magkasakit ako, basta wag lang masira ang scrap book..  Sa pagtakbo ko, bigla akong nadulas,

"Awwwww... naka naman, putik na ang damit ko, pe... pero... yung scrap book"

Kaya kahit masakit ang balakang ko, kinuha ko yun, at bumalik ako sa puno dun ako sumilong,.  Itinago ko ang scrap book sa damit ko, at pilit na iniiwas ito sa ulan.  Mahalaga sa akin ang scrap book.  Si RD>?? ano na kayang nangyari sa kanya?? bakit wala pa siya??

Lalong lumakas ang ulan,.  Sobrang lakas,  napaupo ako sa silong ng puno, kasi pilit kong tinatakpan ang scrap book gamit ang damit ko, sobrang nababasa na ako ng ulan, ang lakas pa ng hangin.  Nakaramdam na ako ng di maipaliwanag na kaba at takot. Yung puso ko, ang bilis na ng pagtibok.  Yung luha sa mata ko di ko na mapigilan sa pagpatak,,  Umiiyak na ako, ang sikip na ng dibdib ko, parang ang bigat bigat na ng pakiramdam ko, bakit parang ang sakit sakit.  Di ko mapaliwanag pero, parang sobra akong nasasaktan ngayon.  Para akong batang iniwan ng mga kalarong nag-iisa.  

Nakaramdam na ako ng sobrang ginaw, pakiramdam ko nangangatal na ang katawan ko.  Si RD?? takot nga pala siya sa ulan, kaya iintayin kong tumila ang ulan, di ako aalis baka kapag nawala na ang ulan dumating siya.  Di bale ng panget na ako ngayon, muka na akong basang sisiw,. ok lang, basta di ako aalis hanggat di ko nakikita si RD.  Dadating siya.  LAlong bumigat ang pakiramdam ko, at ang pagdaloy ng luha sa mata ko di ko na talaga mapigilan.   Bakit ganito ang pakiramdam ko, sobrang takot, pag-aalala at parang may tumutusok sa dibdib ko.  Wala akong magawa kung hindi ang umiyak, umiyak ng umiyak.  Kahit sobrang lakas ng ulan sinubukan kong tingnan ang cellphone ko, baka sakaling nagtxt na si RD,. Ang daming msg.  pero ni isa wala man lang txt galing kay RD..  Lahat ng txt nila sa akin, congrats and happy 4th monthsarry.  PEro si RD?> 

"RD ano bang surpresa ang inihahanda mo?? di mo man lang makuhang magtxt?? sobrang preparation ba??  RD mahal na mahal kita eh.. "  Napabulong ko na lang sa sarili ko, habang giniginaw at umiiyak.

Di ko na namalayan ang pagtakbo ng oras, ang paligid, unti unti ng nababalutan ng dilim, ang hangin at ulan lalong lumalakas.  Si RD?? wala pa din.  Anong gagawin ko?? patuloy pa din ang pagdaloy ng luha galing sa aking mga mata.  Natatakot na ako.  Bakit ganito???  Sinubukan kong ipatong ang mukha kong nakaub-ob sa mga tuhod ko habang patuloy ang pag-iyak at pangangatal ng katawan ko. 

"Basha!!"

Si Popoy??

"Basha, anong ginagawa mo dito, nasaan si RD?"

Di ako makapagsalita, bigla ko na lang siyang niyakap na para bang hinang hina ang katawan ko.  Di ko na din marinig ang sinasabi ni Popoy, kasi wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak ng umiyak.

"Basha, wag ka ng umiyak, tara na umuwi na tayo"

"Popoy.. di ako aalis.."

"Basha?"

"Poy iintayin ko si RD dito,."

Iyak pa din ako ng iyak.  Hanggang sa...................

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon