Chapter 3(When we bumped... AGAIN?!)

7 0 0
                                        

-- Regine's POV

Tinawagan ako ni tita kim and sabi niya, itetreat niya daw ako sa favorite kong korean restaurant. Buti na lang hindi pa ako gaano nakakakain.

Namiss kong kumain sa SGHotpot. Parehas naming paborito ni tita na kumain jan. Lalo na yung mga hotpot, YUMMY! talaga at sobra kang mabubusog. And sulit bayad mo! Haha.

"Guys una na ko. May pupuntahan pa kami ng tita ko."

"Sige. Ingat ka. BYE!" sabi nila.

7:00 na. And nagmadali na kong pumunta. 

I arrived 8:00 pm. Wala pa si tita. Umupo na ko sa pinareserve niyang table and tumawag siya.

"Hello. Tita. Nasan ka na?"

"Nandyan ka na ba? Sorry hindi ako makakapunta biglang may emergency dito sa office. Nasayo naman yung credit card ko kaya gamitin mo na lang. Sorry talaga reg."

"Hay. Sige po"

Hmm. Bigla akong naiihi. Tumayo ako para pumuntang cr. And pagkatayo ko... "Ah!" May nabunggo ako.

"SIR TRISTAN??"

"Ikaw?? Ba't ba lagi tayong nagkakabungguan??" angal ni mr. asungot

"Oo ako nga"

"Teka, aalis ka na ba sa puwesto mo? tapos ka na ba?" tanong ni mr. asungot

"Hindi. Magsi-CR lang ako. Pero babalik rin ako sa puwestong toh. Walang makakaupo dito dahil may nakalagay na RESERVE."

-- Tristan's POV

"Ah!"

"SIR TRISTAN??"

Bakit ba lagi kaming nagkakabungguan?! Hindi pala lagi, 2 beses pa lang.

"Ikaw?? Ba't ba lagi tayong nagkakabungguan??"

"Oo ako nga"

"Teka, aalis ka na ba sa puwesto mo? tapos ka na ba?"

"Hindi. Magsi-CR lang ako. Pero babalik rin ako sa puwestong toh. Walang makakaupo dito dahil may nakalagay na RESERVE."

"Asar! Wala ng mapepuwestuhan!" Hay. Wala ng bakanteng lamesa. -_-

-- Regine's POV

"Asar! Wala ng mapepuwestuhan!" reklamo ni mr. asungot.

"May kasama ka ba?" tanong ko

"Wala. Mag-isa lang ako."

"Ah ganun ba. Edi jan ka na lang din sa table ko. Tutal, hindi naman makakarating yung kasama ko edi sige maupo ka na jan at umorder ka na. Hindi naman ako madamot"

"Ayos lang?"

"Oo naman. Mauna ka ng umorder."

"Hihintayin na lang kita para isahang order na lang."

"Sige. Ikaw bahala."

After kong magCR umorder na kami and habang naghinhintay..

"Sino yung kasama mo dapat na hindi makakarating? Boyfriend mo?"

"Ah. Hindi. Tita ko. Tsaka wala akong boyfriend."

Ayun. Dumating na din orders namin at kumain."

"Grabe..ang sarap talaga dito" sabi ko pagkatapos kong humigop ng sabaw. Paborito ko tong restaurant na toh.

"PANALO" At sunud-sunod na sumubo. Haha. Ang sarap talaga ng seafood hotpot nila eh.

"Madalas ka ba dito?" Tanong ni Tristan

"Minsan lang. Tagal ko na ngang hindi kumakain dito eh kaya namiss ko talaga.

Hayy. Natapos na rin kumain. Teka, nauna pa ko sa kanya??

"Grabe. Nauna ka pa talaga sakin ha."

"Eh mas marami naman yang inorder mo kesa sakin noh. Seafood Hotpot lang naman inorder ko eh ikaw may bokum bap na, may hotpot pa"

"Oo nga. Busog na busog tuloy ako. Haha"

Tapos na kami kumain and busog talaga kami.

"Di ba half korean ka? Taga saan ka sa korea?

"Taga Daejon kami."

"Ah." "Ako gusto ko talaga makarating ng korean kaya balak ko talaga pumunta dun this december kaya nagiipon talaga ako."

Oo gusto ko talaga makarating sa korea. That's top one on my bucketlist.

"Pero bakit gusto mo dun. Pwede namang sa America or Australia?"

"Nakarating na kasi ako dun nung 10yrs.old ako kaya gusto kong makapunta ulit. Nagandahan kasi ako dun."

Biglang tumawag tita ko

"Regine ba't di ka pa umuuwi? Nasan kana??"

"Pauwi na ko tita."

"Ah akala ko napano ka na. Sige umuwi ka na." (end of call)

"Ako na bahala sa bill."

"Ah hindi. Ako na magbabayad ng bill ko, hahatian kita."

"Wag na. WAITER"

"Yes sir?"

"Bill please"

Hay. Nagmatigas siya pero sige. bahala siya. Haha. Makakakain ulit ako dito bukas  tutal hindi ko nagamit credit card ni tita. Hahaha. Ayan at nagbayad na siya.

"Ihatid na lang kaya kita."

"Nako wag na."

"Gabi na eh. Sa panahon ngayon, hindi mo masasabi kung kelan merong susulpot na masasamang-loob. Kaya ihahatid na kita."

Napatigil ako sa kinatatayuan ko. At hinawakan niya braso ko at hinila. "Sabihin mo na lang sakin address mo pagkadating natin sa parking lot"

"Oh-kay" Gentleman rin pala sya..

Ayan. Nakarating na kami dito sa house namin.

"Salamat sa paghatid."

"Walang anuman. Sige una na ko."

"Sige ingat"

Pumasok na ko sa gate. Napasigaw ako dahil nagulat ako sa tita ko. "Ah! Ikaw lang pala." -_-

"Kaya pala ginabi ka ha. Sino ung naghatid sayo?"

"Si Sir Tristan. Yung si Mr. Asungot'

"Ah. So nagdate pala kayo nung enemy mo?"

"Hindi date yun! Nagkataon lang na wala na siyang maupuan sa resto eh hindi naman ako madamot kaya pinaupo ko narin sya dun.

Nagmatigas siya na siya na lang magbabayad ng bill namin kaya di ko nagamit credit card mo. Kaya titaa--"

"Oo. Alam ko na sasabihin mo. Pumasok ka na nga at matulog na tayo"

Mas maaga ako pumasok ngaun. At nagkasalubong kami ni Tristan.

"Pumunta ka sa office ko ngayon. May mga ipapagawa ako sayo."

"Ok Sir"

After kong ayusin gamit ko sa office, pumunta na ko sa office niya.

"Sir?"

"Kunin mo yung mga documents jan sa table na yan tsaka etong USB. You need to study that and that is VERY IMPORTANT. I-encode mo yung IIB. I-check mo email mo kasi may mga sinend akong mails."

"Ok sir"

Pumunta na ko sa department namin. BUSINESS NEGOTIATIONS ung nakalagay sa mga folder na toh.

"Andami naman ng dala mong folders and clearbooks Regine" sabi ni Sheena

"Oo nga eh." Dumeretso na ko sa table ko para trabahuhin lahat ng kailangang trabahuhin.

When They Accidentally MetWhere stories live. Discover now