"Ano na namang ginagawa mo rito?" Binalingan ko siya pero tuloy-tuloy siya sa ginagawang pagkuha ng orders. Umalis ang karamihan sa mga oorder, marahil takot masupalpal ni Florenz.

"Just work, Ashi. I'm not helping you. I'm helping the cafeteria." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

Wala akong nagawa kundi magpatuloy rin sa pagttrabaho. Matapos ng dalawang oras, dumating si Faye. Nakanganga na naman siya kay Florenz.

"Oh, bakit umalis ka rin? Akala ko ba gusto mong tulungan ang cafeteria." Nakataas kilay tanong ko sa kanya nang mapansing nakasunod siya sa akin.

"Silly! Ofcourse, we have the same class!" Inunahan niya na ako sa paglalakad.

Habang papunta kami sa classroom, nakita naming pinagkakaguluhan ang Announcement Screen ng university. Naunang maglakad si Florenz nang bigla itong pagkaguluhan ng nga estudyante.

"Congrats, Florenz! Top 1 kana!" Iyon lang ang naintindihan ko sa sigaw nila.

Naglakad ako patungo sa Announcement Screen. Naghawasan naman sila nang makita ako. Doon, nabasa ko. Lumagpak ako sa ikalimang puwesto.

"Hah! Ano ka ngayon, De Asis! Kawawa ka naman, mawawalan ka na ng scholarship! Bye-bye!" Hindi ko kilala ang nagsalita. Nakatingin lang ako sa screen.

"Ashi..." Nagising ako sa realidad dahil sa boses na 'yon. Hinarap ko si Florenz. Wala sa mga mata niya ang ini-expect kong happiness at contentment. Diba, ito naman ang gusto niya?

I smiled kahit nangingilid na ang mga luha ko. "Congrats." I said at tinalikuran siya. Sila.

Mabilis ang paglalakad ko nang hindi kalayuan mula sa akin ay nakatayo si Camia. She's smiling na tila masaya na bumagsak ako. Lalagpasan ko sana siya nang pigilan niya ako sa braso. Masakit ang pagkakahawak niya pero mas masakit pa rin ang nararamdaman ko.

"Let go of me, Camia. Nasasaktan ako." My voice is shaking.

"Hah! Now, we're even Ashi. Ngayon, alam mo na ang pakiramdam na maagawan." Nilingon ko siya. She's grinning. Nalaglag ang luha ko pero mabilis ko 'yon pinunasan.

"Tell me, Camia... A-ano.. Ano ba talaga ang punto mo rito? Bakit naging ganito ka sa akin?" Napaiyak na ako ng tuluyan. "Ano'ng kasalanan ko sa'yo, Camia? Please. P-please, sabihin mo na!"

Mas humigpit ang pagkakahawak niya. Nanggigigil. "You stole him, Ashi. You stole my precious Florenz from me!"

Tumigil ako sa pag-iyak.

Nagpatuloy siya. "I love him since then. Matagal na. Mas matagal pa sa kung kailan mo siya nakilala! Hanggang ngayon, Ashi! But you! You stole him from me. I've learned to be contented na tignan siya sa malayo. Mahalin siya ng lihim pero ikaw. Napansin ka niya agad. NO WAY! I FELT BETRAYED BY MY BESTFRIEND! YOU'RE A TRAITOR!" May mga luha na ring naglandas sa kanyang mga pisngi.

"C-camia... Wala kaming relasyon ni Florenz. He doesn't like me. Naaawa lang siya sa akin." Sinubukan ko siyang hawakan pero nasasaktan ako sa mahigpit niyang hawak sa akin.

"Shut up, Ashi! Just freakin' shut up! H'wag mo na akong paikutin! Alam ko. Ramdam ko. Hindi ako tanga o manhid para hindi malamang gusto mo rin siya!" Naglakad siya at kinaladkad ako.

"C-camia, s-saan mo ako dadalhin?"

"Sa pulis. Doon nababagay ang mga tulad mong gold digger, manggagamit at magnanakaw ng pera! You didn't pay your debt yet!" She said angrily.

Nagwala ako para makawala sa pagkakahawak niya but she's too strong. Tumigil lang siya sa pagkaladkad sa akin dahil sa galit na sigaw ni Florenz na naroon pala.

"Let her go, Hernandez!" Pabagsak namang binitawan ako ni Camia.

"See, Ashi. Ganyan ba ang sinasabi mo." She said to me.

Nilingon ko si Florenz. "Please, Florenz. H'wag ka ng makialam dito!"

Hindi siya nakinig sa akin. Lumapit pa siya sa amin. Sa akin. Tinago niya ako sa kanyang likuran.

"Hah! Ganyan mo ba kagusto si Ashi, Florenz?" Camia smirked at napacrossed arm. "I can't believe myself. Nagkagusto ako sa lalaking may sira ang mga mata!"

Ganito na lang ba ako? Ang paulit ulit na masaktan sa mga salita ni Camia?

"She's just a simple girl for Pete's sake, Florenz. Walang substance. Walang special. MAHIRAP LANG. MALAYONG MALAYO KAYO."

Napapikit ako. Dumaloy ang mga maiinit na luha sa pisngi ko. Gusto ko na lang maging bingi sa mga oras na iyon.

"Mahirap siya, yes. She's simple, yes. But yet, she's beautiful in her own way. Maganda inside and out. And she's special to me. And those few people who are special to me, I will never let anyone hurt them."

Again, naglabas ng wallet si Florenz. There, may papel siyang sinulatan at saka tinapon kay Camia. "I hope that's enough para mabayaran ang lahat ng sinusumbat mo kay Ashi."

Hindi nakasagot si Camia. Nakatingin lang siya sa tseke na tinapon ni Florenz. "And you, when will you pay for all the kindness? For the friendship na pinahalagahan ni Ashi? You can't pay it. Not even your worthless life, Hernandez! And bear this on your fvcking small brain, woman. I WILL NEVER LIKE YOU! NOT IN THIS LIFETIME OR EVEN ANOTHER!" Ani Florenz bago ako walang babalang hinila paalis roon.

Dinala niya ako sa clinic. "Ano na namang nangyari kay De Asis?" Tanong ng nurse na minsan ng gumamot sa akin.

"Na..nasugatan at na...nakabunggo lang po, Nurse." I said at tinaas ang braso kong may sugat at pasa.

Tinignan ko si Florenz. Nakasimangot lang siya.

"Next time, you take care of yourself, De Asis. Sobra ka pa naman inaalagan nitong si Fontaleon." Namula ako. Argh!

Nakangising tinignan ako ng nurse habang ginagamot. "Umiyak ka ba?"

Mas nagbaba ang tingin ko para itago ang mukha. "Hindi po. Eyebag lang po 'to. Katatapos lang ng exam."

Mukhang naniwala naman ang nurse. Matapos akong gamutin, nagpilit si Florenz na magpahinga muna ako roon. Iniwan na kami ng nurse.

Nakahiga lang ako sa clinic bed habang nakaupo siya sa single sofa at tahimik lang.

Bumangon ako at tinignan siya.

"Sleep, Ashi. Hindi tayo papasok. I already ask someone to make an excuse letter for us." Aniya.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon. Hindi mo dapat sinabihan ng masasakit na salita si Camia. At lalong hindi dapat na bayaran mo ang utang ko sa kanya."

Malamig niya akong tinignan. "Hindi ko ginawa 'yon para sa'yo. I did it for myself. You heard what I said, I will never allow someone hurting people who's special to me."

And I lost my words. Ibig sabihin, special ako sa kanya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unluckily Inlove With A HeartbreakerWhere stories live. Discover now