Thirty-sixth

802 26 3
                                    

Sobrang hirap ng pakiramdam ko ngayon. Naguguluhan ako ng sobra sobra sa nararamdaman ko idagdag mo pa yung pagbigay ni Elmo kanina ng flowers saakin. What was that for? Thank you gift niya kasi natikman niya ako?

"O bakit malalim ang iniisip mo?" Maqui asked. Naku tulaley ka nanaman Julie Anne jusme.

"Ha...ha? Ahh ano kasi, di ko pa tapos yung FS ko kay Elmo ee. Iniisip ko kung paano ko gagawin yun since naiwan ko yung mga files sa office." I said. Jusme Julie Anne nagsinungaling ka nanaman. Okay narin yan, at least for good yung kasinungalingan mo.

"Yun ba talaga Julie? Naku kilalang kilala ka namin sa mga kilos mo, may iniisip kang mas malalim pa kaysa diyaan sa FS na yan." Niks said.

"Wala to promise. Tara labas tayo, masyado naman narin kasi tayong purga sa mga lutuing bahay. Fastfood tayo. What if Mcdo? Or Jollibee? Ahh alam ko na, sa Tusok-tusok nalang tayo." Pag aaya ko.

"Game! Basta libre mo kami Julie Anne ha? Kakaltukin ka namin pag di yan libre." Trish said.

"Hahaha oo na. Tara na!" I shouted. Tumango naman sila at lumabas na kami sa condo. Buti nalang at madali kong mapatay ang topic thanks to the food. Pagkain lang naman ang tukso ng mga to ee. Antay lang kayo guys, masasabi ko rin kung anong nararamdaman ko, kung bakit nagkakaganito ako but for now, let me fix this.

Nagpunta kami sa may gilid ng SM City Manila dahil maraming tusok-tusok doon at nakahilera talaga sila.

"O dali na guys, pili na!" I shouted and the three of them giggled. Hanlaaa first time ba nilang gawin to? Hahaha.

"Grabe ate, ang sarap ng calamares niyo! The best! Tapos yung liver niyo, ang lambot! Anong sikreto niyo dito ate?" Trish asked

"Wussht. Secret nga diba? Tong si Trisha talaga dakilang chikadora. Naku ate pabayaan niyo nalang po yan. Hahaha" Maqui said.

"Oo nga po ate ganyan lang talaga yan." Sabi ko naman sabay subo ng kinakain ko. Susubo na ulit ako ng isa nang may nagtakip sa mata ko.

"Oh shems! Sino to?" I asked. Ano ba naman yan, gusto ko pang magmoment sa kinakain ko ee. Masarap kaya.

"Hulaan mo." The familiar voiced said. Jusme paano ko naman huhulaan ee madaming ganyang boses ee.

"Sino nga kasi?" Pagkairita kong sabi. Di naman siya sumagot kaya hinaplos ko nalang yung kamay niya. Familiar yung kamay, malaki, malambot. Shet.

"Elmo?" I asked. "Hahaha Got it!" He shouted saka pa ako pinaharap sa kanya.

"Shemay ka! Anong ginagawa mo dito? Jusme di ka nababagay dito no?" I said. "grabe ka naman kung makapagtaboy saakin." He said sabay pout pa ng lips niya. Shemay Elmo wag mong gawin yan! Jusme ang gwapo mo pag nakaganyan ka ee! Ay joke erase!

"Pshh. Okay guys, this is Elmo. Remember him? Siya yung bumangga saakin, yung nantrip saakin sa CR, yung pinagtripan ko sa kulungan. Siya yun." I said. Tumingin naman si Elmo saakin ng masama sabay tawa nung tatlo.

"Ayy ikaw yun! Hi Elmoks!" Maqui greeted. "Hi! You are?" He asked. "Maqui." Saka pa inabot ang kamay.

"Hi Maqui!" Elmo greeted her again.

"Naku Elmo, totoong pangalan niyan Frencheska Mae oo promise!" Pagbubulgar naman ni Trisha.

"Shut-up Trish." Maqui said.

"Ahh, I'm Trisha Maganda!" Sabi naman ni Trisha. "Yuck" sabi naman ni Niko.

"Hi Trisha, I'm Elmo." Saka pa inabot yung kamay at nakipag shake-hands pa.

"Niko pare!" "Elmo." Saka pa sila nag shake-hands.

"So ano? Gusto mo ba to? Have you tried eating like this?" Maqui asked. Jusme kung alam mo lang Maqui, ang gusto lang nito pang sosyal.

"Nope I haven't tried kaya nga nung nakita ko si Julie naisipan kong i-try ee." He said. Aba aba at ako pa ngayon ang dinahilan.

"Pshh. Sige i-try mo na tapos ilibre mo narin kami." Trisha said. "Pshht! Nakakahiya ka Trisha!" Niko said sabay siko sa kanya. "Nope it's okay ano ba kayo? Julie's friends are my friends." Elmo said. Napalingon naman ako sa kanya sa sobrang gulat. Ano namang ibig sabihin nun? Mas magulo Elmo mas lalo mong ginugulo buhay ko. Di pa ako ready ee.

"Hmm. This is so good. Ano ba tong kinakain ko?" Elmo asked. Adik talaga to, basta basta kukuha.

"Liver yan! Atay!" Sabi ko. "What the..." He said. Aba aba subukan mong isuka yan at pepektusan kita! Nakakahiya oh?

"O bakit? First time? Ahh oo nga pala first time." I said saka pa siya inirapan. Nakita kong nilunok niya ng sapilitan yung liver na kinatuwa ko naman. Ayan kasi susulpot sulpot ka, magdusa ka sa Liver!

"Hmmm. Ano naman to? Tastes like squid." He said. "Calamares yan." I said. "This tastes good. I loved it." He said saka pa kumuha ng maraming calamares. "Hoy! Siguraduhin mong kaya mong ubusin yan ha?" I said. Tumingin naman siya saakin na puno ang bunganga tapos tumango. Shemay Elmo cute mo!

After eating, umuwi narin kami. Nag-offer si Elmo ng ride pero tinanggihan ko na. Ako na yung tumanggi dahil alam ko na kapag yung tatlong yun ang kinausap niya, jusme grab the opportunity agad saka malalaman niya na doon din kami nakatira sa Home Elite.

"Hoy anong meron sainyo ni Elmo?" Maqui asked. Andito na kami sa condo.

"Boss ko siya at Accountant niya ako?" I said. Ano pa bang sasabihin ko?

"Hindi ee. Julie iba ee." Niko said.

"paanong iba? What do you mean?" I asked. Confused ako masyado because of these three here.

"The way you look at him Julie. It's...it was different." Trish said. Ano bang pinag-iisip nitong mga to? Jusme nasobrahan ata sila sa pago-observe saakin.

"Ha? The way I look at him? What? Di no? Saka if you're thinking na gusto ko siya, it's a big no. Mas mahalaga pa yung pangarap ko kaysa sa kanya. Why would I waste my time diba? I'm working for my bank and I'm sure walang attachment na mangyayari kasi wala naman talaga." I said.

"Fine. Tulog na tayo." Aya ni Maqui. Pinatay na namin yung ilaw pero heto ako di parin makatulog.

Born For YouΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα