XXVII - All these things

360 6 2
                                    

XXVII - All these things.

Hyacinth's POV

Nakatingin pa rin sa'kin si Xander ngayon. Jusko. Pwde na ko mamatay! Pwedeng pwede na ko malunod ngayon sa mga mata niya, sa mga titig niya. Ewan ko ba, hanggang sa mga oras na ito hindi pa rin ako makapaniwala na mahal pala ko ng taong ito. Ang lalaking di ko aakalaing darating na lang ng bigla bigla sa buhay ko at mamahalin ko, ang lalaking ilang beses ako pinakilig ng hindi niya alam, ilang beses ko rin iniyakan, ilang beses na rin ako ng nasaktan dahil sa kanya. Ngayon, may idadagdag na ko sa listahan ko ng mga tama kong naging desisyon sa buhay ko. Yun yung ang hindi pagsuko sa pagmamahal ko sa kanya. Oo, mahal na mahal ko na talaga 'tong lalaking ito.

We’re now looking into each other’s eyes. Palapit ng palapit si Xander… our faces are now just an inch apart.. hanggang sa…

 Biglang pumreno ang bus.

Anyare?!

Badtrip! Badtrip naman oh! Ayun na eh. Malapit na mangyari yung pinakahihintay kong FIRST KISS! Gosh! Pero sabi nga nila, everything happens for a reason. Siguro kaya hindi natuloy ngayon kasi may better plan si God, siguro nakatadhana na mangyayari yung first kiss namin sa isang romantic scene katulad sa mga napapanuod ko. >/////< Gosh! ang saya talaga mag-imagine! :))))

Teka, ano nga bang nangyari??

“Gosh! Anyare!”

“May nabunggo daw.”

“What?!”

"OA makareact Babe, ha?"

BABE??

BABE

BABE

BABE

Nang magsink-in na sa utak ko, I acted like I am about to vomit.

"A-anong sabi mo? Teka, nasusuka ata ako!" 

"Bakit? Ayaw mo ba nung tawagan natin?"

"Duh! ang corny kaya!"

"Corny ka diyan? Sige nga, ikaw nga mag-isip!"

Napa-isip naman ako saglit dun. Teka, Ba't nga ba ayaw ko ng BABE? Well, kasi nga ang korni na nun, kumabaga gasgas na! Duh, ang dami dami ng gumagamit nun! >< Teka, isip-isip. Bebe kaya? Love? Honey? Sweetheart? Ts! Lalo lang ako nasusuka. Ang korni talaga! 

Matagal-tagal yata ako napaisip at di ko namalayan na tinititigan na naman ako nitong si Xander. 

“Ano ba. Huwag mo ko masyadong tingnan ng ganyan. Straight pa tumingin sa mata ko, eh.”

“Baka kasi mawala ka eh, masyado na atang malayo yun narating ng isip mo kakaisip kung anong magandang tawagan natin at isa pa, hindi ko kakayaning mawala ka sa paningin ko.”

hindi ko kakayaning mawala ka sa paningin ko.

hindi ko kakayaning mawala ka sa paningin ko.

MOVING CLOSER by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon