Chapter 1

38.8K 1K 13
                                    

First of all, ako si Xiarana Del Vega. Xia na lang please. 24 years old na ako at naghahanap pa lang ng trabaho. My dad wants me to handle the company pero hindi ko pa kaya, kaya si Ate Dera ang humahawak ngayon.



"Totoo ba yan, Xia?" Tanong ng kaibigan kong si Angela.

"Of course, Gelai! Mukha ba akong nagloloko?" Sabi ko at umirap.


"Yung mata mo talaga! Hmp! Anyway, ilang weeks ka doon?"

"A week or two? Hindi ako sure. Wala ngang sinabi sakin sila Mama kung bakit ko kailangang pumunta doon eh." Napatingin ako sa cellphone ko na kanina pa tumutunog.


"Hindi mo ba sasagutin yan? Kawawa naman, kanina pa tumatawag." Sabi ni Gelai pero hinayaan ko pa din hanggang sa tumunog na naman.


"Abnormal ka talaga eh. Sagutin mo na!" Sabi pa niya kaya kinunutan ko siya ng noo.


"I don't talk to strangers!" Sabi ko at hinayaan pero dahil mas abnormal pa sakin si Gelai ay siya ang sumagot.


"Hello?" Sabi ni Gelai pero hindi ko na pinansin. Sinipsip ko na lang ang Mocha Latte ko at muntik na akong mabilaukan ng impit na tumili si Gelai. Tinignan ko siya at mukhang kinikilig na nakatingin sakin at tinuturo iyong phone ko.


"Xia, gusto kang makausap! Xia ang gwapo ng boses!" Sabi niya at impit na tumili na naman. Hay.


"Sino to?" Walang ganang sabi ko.


"Hi, Xiarana!" Napatigil ako saglit dahil sa boses niya. Malalim. Lalaking lalaki ang boses niya pero naiirita pa din ako. Who told him to call me by my full name?



"Sino to?"


"Uhh, basta." Napairap ako at agad kong binaba ang tawag. Wala akong panahon para makipaglokohan. Tinanggal ko ang sim card ko at tinapon sa trash bin. Bibili na naman ako mamaya.


"Hoy! Bakit mo ginanun yung tao?! Tsaka sayang sim mo!" I sticked my tounge out at hindi pinansin.


Wala akong panahon sa mga taong tatawagan ako at hindi magpapakilala. Pa mysterious effect pa?!



...
( ੭ु' ・∀ ・') ु

Marked by the Vampire (FIN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon