[ONE SHOT] Athena.

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na lang sila pinansin. Sus. Mga inggit lang 'yan kasi mas sikat pa ang 'beauty' ko kesa sa feslaks nila.

Well, sana nga.

"Oh my gosh watch out!

Ay tengengets.

Agad akong tumayo at pinagpag ang damit ko, kaso medyo napa-aray ako ng may maramdaman akong mahapdi sa may tuhod ko. Tinignan ko 'yun. Holeeh Cheese, anlaki ng sugat. Buti na lang gasgas lang, pero malaki e.

"Shit." Mahinang mura ko. Ang hapdi talaga.

Paika-ika akong naglakad habang pinagtatawanan ng mga 'magaganda' na unique ang beauty--mga mukhang paa. Well, nakakahiya naman sa akin.

May narinig akong tumatakbo sa may kanan ko kaya tumingin ako dun. May lalaking mukhang nagmamadali. Hala, baka mabunggo ako. Binilisan ko na lang ang lakad ko.

"Miss! Stop muna dyan!" Tumigil ako at lumingon. Ayy, ako ba 'yung hinahabol nya?

"Feeler." Rinig kong bulong ng isang babae. Tse. Atleast matalino.

Pero kahit nasabihan ako ng ganun, nanatili pa rin akong nakatayo. Ewan ko kung bakit, pero may parang nagtutulak sa'kin na 'wag akong umalis.

At sa tingin ko tama ang naging desisyon ko dahil sa tapat ko sya huminto.

"Miss, siguro peace offering na rin 'to." Hindi ko naintindihan 'yung sinabi nya. Peace offering?

"Anong peace offering?" tanong ko.

"Sa pag--ugh, wag nang intindihin 'yun. Basta." Tumayo sya sa may harap ko. Huh?

"Uhh... Mister--" Pinutol nya ako.

"Ako si Aron. Sige na, sakay na." Ngayon ko lang na-gets. Pasan pala 'yun? Ahh k.

Sasakay na sana ako sa likod nya. pero bigla syang humarap kaya ang lapit namin sa isa't-isa.

Ohmygaaashibels. Ang gwafuuu niya.

Pero agad akong lumayo sa kanya. Nakakailang. 

"Ah, sorry." Lumuhod sya tapos may kinuha sya sa bulsa nya. Ayy. Bandaid. Wow, ang bait naman pala nya.

"Sorry talaga." nilagay nya 'yung dalawang bandaid sa sugat ko tapos tumayo na uli sya sa harap. Ngeee, ang tangkad.

"Tumalon ka na lang kung hindi mo 'ko abot." As you say, Sir.

[ONE SHOT] Athena.Where stories live. Discover now