[ONE SHOT] Athena.

Zacznij od początku
                                    

"Bakit? Ano 'yun?" Pagtataray ko. Mahirap na, baka masamang tao 'to. Kawawa naman ako kung pagnanakawan ako. 

"Ah, wala lang." Pumasok sya sa room. Ayy, kapal lang kuya? Room mo 'to ganun? Hindi kita kaklase nuh. Tss.

"Hi na lang." sabi ko at kumaway. Hindi ako malandi at hindi ko sya gusto 'no. Sadyang naga-gwapuhan lang ako.

"Hello na lang din." umupo sya sa tabi ko. Nakakainis naman 'to. Hindi ba 'to aalis? Ang paepal. Tss. "Ah, Miss, ano nga palang ginagawa mo dito?"

Ayy tengengets se Keye. Bulag ata e.

"Kumakain, hindi ba halata?" Alam kong may binabagayan ang katarayan, oh eh so whuuut naman?

"Ah, dito sa room namin?" Susubo na sana ako pero napatigil ako. 

Room namin? Nila?

Ibinaba ko ang kutsara ko at tumingin sa kanya. "Excuse me, pero room NYO?" Tumango sya at sumubo ulit. Napatingin ako sa board. May nakasulat sa taas, kaya syempre binasa ko.

 IV-*insert section here*

Holy cheese. 

Agad kong niligpit ang kinakain ko at tumakbo. Cheese, cheese! Bakit ako pumasok dun? Anshonga-shonga ko naman! 

"MISS!" Napatigil ako nung nasa tapat na ako ng pinto. Bakit nya ko tinawag? "Wae, wae, wae? AASHAGFHKSHKJ!" LOOOOL, Countryside Life lang peg. Hohoho. 

"Bakit?" tanong ko, naka-on pa rin ang 'mataray-bels tone'. Nag-smirk lang sya, at sinabing, "Hindi ka naman halimaw, diba?"

Nag-init ang dugo ko sa sinabi nya. LITSI! HALIMAW? 'Pag ako gumanda, hu u ka na lang sa'kin! 

Huminga ako ng malalim para ma-kontrol ang galit ko at ngumiti ng mahinahon--pero pilit. "Mister, kung wala kang magawang matino sa buhay, please, 'wag mo naman sana ako saktan, okay?" Andrama ko. Punong-puno na kasi ako, nakakalitsi na.

"Ahhhh k." Litsi talaga! Ayoko ng mabuhay sa mundo. 

Umalis na lang ako dun at kumain sa room NAMIN. Okeeeh, 5 minutes na lang. Nag-tinapay na lang ako, baka maabutan nila ako. 

Ayun, luckily naman hindi nila akong naabutan na kumakain. Pero naabutan ko silang binabato ako ng kung anu-ano. Litsi. 

***

"Ayy, panget!"

"Umiiigaash. Feeling maganda si Ate." 

[ONE SHOT] Athena.Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz