"Awww ang baby ko.." He hugged me again as I nuzzle my face on his neck. "Wag mo iisipin na palamunin ka lang okay? Kaya nga ako nagsisikap magtrabaho para sa inyo ng mga anak natin eh. Para sa future natin. Kaya wag mo isipin na ang mga gano'ng bagay ha?"

"Pero kasi.. ikaw napapagod araw-araw para kumayod. Samantalang ako, nasa bahay lang. Hindi na nga ako nakakapaglinis ng bahay dahil ang laki ko na tapos.." I sobbed.

"Ssshh." He caressed my back. "Makita ko lang na masaya kayo ni Iya, nawawala na yung pagod ko. Kapag inaasikaso mo ko after ng nakakapagod kong meeting, nalilimutan ko na galing pala ako ng trabaho. Alam mo kung bakit?"

"Hmmmm bakit?" I yawned. Inaantok na naman ako. Nakakainis.

He chuckled, "Inaantok na ang baby."

Hinampas ko naman yung likod niya, nangaasar pa kasi. Alam naman niya na antukin ang mga buntis, "Bakit nga kasi?"

Kahit nakapikit na ko at nakasandal sa dibdib niya, naramdaman ko na nakangiti sa ngayon. "Because you're my game changer, Miks. I love you. Rest now, babe. Kailangan niyo yan. May baby shower pa tayong aasikasuhin bukas."

I smiled at what he said. He really never failed to make me smile. Ang galing-galing lang niya pakiligin ako everyday.

I nodded at him as he kissed my forehead.

-

-

-

-

"Ma! Bakit ba ayaw mo na pakielaman ko yung baby shower ko? Amin naman yan ni baby eh. Please naman, Ma. Hayaan mo na ko tumulong." I pleaded. Mamaya na kasi yung baby shower. Sa resort namin sa Bulacan gaganapin. Doon napili nina Mama para daw tipid na lang saka malaki naman kasi yung function hall namin. Kakapagawa lang. Actually, nandito na kami sa Bulacan kasama ang Ravena family. Dahil tutulong din daw sila. Busy nga sina Tita Mozzy eh.

"Anak.. okay na. Konting ayos na lang. Kaya hindi na namin kailangan ng tulong mo. Mas mabuti kung magpahinga ka na lang sa kwarto mo. Namiss mo yun 'di ba? Pinalinis ko na yun kagabi pa kaya okay ka ng matulog doon."

"Ehhh Mama naman! Kahit sa cake na lang ako. May alam akong--"

"Mika, wag ng makulit. Nakaorder na kami ni Mozzy ng cake. Dalawa yun. Yung isa para sa inyo lang ni Kiefer at Iya. Yung isa naman na three layers, para sa mga guest. Okay na ba?"

"But Mama.." I pouted.

Magsasalita pa sana si Mama nang may yumakap sa akin sa mula sa gilid ko, "Iha, wag ka ng makulit. Kami na ng Mama mo ang bahala. Ayaw lang namin na mapagod ka." Tita Mozzy explained. Wala na akong nagawa kasi si Tita na mismo ang nakiusap sa akin. Hay nako. Umakyat na lang ako ng kwarto.

Nasaan na ba kasi si Kiefer?! Wala tuloy akong kakampi sa mga makukulit na parents namin. Si Iya kasi nakikipaglaro sa mga pinsan at Tito niya eh. Loner na naman ako nito. I sighed.

*knock* *knock*

"Pasok." Bumukas ang pinto at niluwa nito si Kiefer.

"Oh, Ma, bakit nandito ka? Saka nakasimangot ka na naman. Diba sabi ko sayo wag kang sumisimangot. Papangit si baby nyan!" He said and sat down beside me.

I rolled my eyes at him, "Ano naman ang gagawin ko sa baba aber? Eh ayaw nga akong patulungin nina Mama at Tita!" I yelled. Napatakip na lang siya sa tenga niya.

"Chill. Ayaw lang naman nila na mapagod ka eh. Kung gusto mo i-entertain mo na lang yung mga guest na maagang dumating."

"Edi gano'n din yun. Mapapagod din ako. Bakit ba ayaw nila na tulungan ko sila na maghanda for my baby shower?" I pouted.

There Will Never Be An Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now