“Tsk mga bata talaga oh. Upo ulit Kathryn, aayusan ka nanaman. Nako  alas sais na” nandito na pala si Mommy. Sabi ko sa inyo eh, lagot ako. Hahaha.

“Hi Titaaaaa! Ganda niyo, may pinagmanahan talaga si Kathryn. Woooh!” ang gulo nanaman nila -_- Hahahaha. Masanay na kayo XD

“Binobola niyo nanaman ako Kiray ha! Mag-ayos na din muna kayo bago lumabas ng room.” Mommy

Inabot din kami ng isang oras bago kami matapos ayusan, nagkagulo-gulo pa kasi kami eh. Hahahaha.

*DJ’s POV*

Nandito na kami ng mga boys sa rooftop ng hotel. Medyo malapit na kami matapos sa pagseset up ng surprise.

 Yung girls ang nagplano kung anong ayos ng rooftop tapos kami namang boys ang nagset-up.

Odiba? That’s what you call teamwork. Hahahaha dami kong alam XD

Mga 7:15 na kami natapos sa pag-aayos. Viola! Ang ganda na ng rooftop. Ako na lang mag-isa dito, bumaba na yung boys kasi eescortan pa daw nila si Kath sa grand entrance. Tss dapat ako yun eh! XD

Haaay Kath ko, malapit na. Konting hintay na lang.

*Seth’s POV*

Hi mga tao! May POV ako! Obvious naman diba? Hahaha.

Kanina pa tapos yung mga 18 chuchu ni Kath. Asar na asar nga siya kasi 17 lang daw roses niya. Hahaha.

Sayaw dito, speech jan, kwento doon. Ang dami naming ginagawa na barkada.

Tatawa din yung iba kahit walang nakakatawa. Nasa iisang table lang naman kami, kasama din naming si Kath dito.

Umalis muna siya sa trono niya sa stage. Hahaha. Nakijoin sa pakikipagharutan. Pero parang hindi naman talaga siya nakikijoin eh, tahimik lang siya, ngingiti lang kapag tumatawa kami. Malalim ang iniisip.

 Nako nako magpapakamatay talaga ako kapag may humadlang pa sa surprise naming mamaya. HAHAHAHAHAHAHA.

Maya-maya kinalabit na ako ni Lester, mukhang sisimulan na namin yung surprise. 9:30 na kasi, eh ang sabi ni Boss Daniel, dapat 9:00 sisimulan. Patay nanaman kami neto. Hahahaha.

Tinignan ko yung mga girls, sila Yen nakaupo lang tapos sila Miles, Julia at Kath nandun sa buffet table.

Ayun buti alam na din nila na magsstart na.

Umalis na kami ni Lester sa table at nagready na, kami na lang kasi ang natitira dito, yung iba nasa rooftop na.

“Ahhhhhhhhhhhhh!” sigaw ng mga guests.

Namatay kasi yung mga ilaw. Parte yan ng plano. At ang role namin dito ni Lester ay kidnapin si Kath at dalhin sa rooftop.

*Kath’s POV*

“Ahhhhhhhhhhhhh!” sigaw ng mga guests.

Hala. Anong nangyayari? Bakit namatay yung mga ilaw?

“Miles? Juls? Asan kayo? Huuuy!”

Pero hindi sila sumasagot. Pucha ang dilim sobra.

Alam naman nila na may phobia ako sa dilim eh! Tanginaaaa naiiyak na ako.

Naglakad-lakad pa ako ng konti kahit madilim, may nakakabungguan pa nga ako eh pero may biglang nagtakip ng panyo sa akin at nawalan na ako ng malay.

......

Nagising ako na nasa hagdan. Pagtingin ko sa steps ng hagdan may petals. Wait, hindi naman ito nabanggit nila Mommy sa akin na may 2nd floor pa yung party. Ang alam ko kasi sa function hall lang gaganapin yung debut ko. May konting kung anu-ano pa sa handle ng hagdan.

Smile like you've never been hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon