Chapter 21

284 2 1
                                    

Day before the debut

*Kath’s POV*

Haaay. As usual, busy kaming lahat. Kahit family ko o barkada. Sila lang ang nagpapakabusy, ako? Wala, papetiks petiks lang.

Minsan, tinatamad na ako ituloy itong debut. Wala nga yung taong mahal na mahal ko eh, iniwan na ako. Papayag pa sana akong pumunta siya sa ibang bansa kung nagpaalam sa akin pero wala eh. Nakakainis.

Naalala ko nung 1st year pa lang kami nila Julia, isa-isa kami naglista ng mga details sa dream debut namin. Nagkatotoo naman lahat ng sinulat ko doon, maliban na lang sa isa. Yung last dance ko dun ay si DJ.

Sana kahit video lang, meron siya. Pero feeling ko wala na yung pakialam sa akin.

Sino kayang escort ko? Hindi ko na kasi pinapakialamanan yung guestlist eh. Tinatamad na nga ako diba?

Mangingialam nga ako ng invitations. Hahahaha. Binabasa ko yung mga 18 chuchu. Nabasa ko yung 18 roses, first dance ko si Daddy. Sunod si Kuya. Tapos puro pinsan ko na at barkada. Pero teka. Bakit 17 lang ang nakalagay sa invitation?! Marunong ba sila magbilang?!

“Mommyyyyyyyyyyyyyyy!” sigaw ko

“Oh bakit baby? Anong meron?”  Mommy

“Mom, bakit 17 lang yung roses? Diba dapat 18 toh? Hala.” Pagrereklamo ko

“Huh? Hayaan mo na, dagdagan na lang natin bukas yung makakasayaw mo baby.” Sabay kiss sa forehead ko.

“Wait Mommy, sinong escort ko? Wala pa kayong sinasabi sa akin.” Oo, pati escort wala pa ako. Ughh

“Pili ka na lang sa barkada mo ha.” Ang dami naman ng pagpipilian ko. Hahaha.

Nagdatingan yung barkada, by pair pa nga sila eh. Nandito na din pala yung boyfriend ni Yen kaya very complete sila.

“Oo nga Kath, kami na lang ng boys yung escort mo.” Khalil

“Lahat kayo? Ang dami niyo naman. Magmumukha kayong bodyguards dun. Hahahahahaha.” Tinawanan ko lang sila

“Hoy ikaw Kathryn Bernardo! Wag ka na ngang choosy. Ayaw mo nun, sampo kaming mag-eescort sayo sa entrance? Kahit kelan talaga, nandito na nga kami para sayo, iba pa din ang hinahanap mo”  EJ -____- wow double meaning yung sinabi niya ah.

“Che. Bahala kayo!”

“Suuus naman Kathryn, kaya ganyan ka makareact kasi alam naming iba ang gusto mong mag-escort sayo. Ayieeee!” Nang-aasar nanaman sila =((

“Tigil-tigilan niyo nga ako.” Kunwari pikon. Lol.

“Pero umaasa pa din siya. Wag ka mag-alala Kath, bibigyan naming siya ng special appearance para sayo. Hahahahaha.” Seth

“H-huh? W-what do you m-mean?” Weeeh? Pupunta siya sa debut ko?

“Magcocostume kaming boys na mala-Daniel Padilla. Hahahahahahaha.”

Ahh. Lechugas, umasa naman ako -___-

*DJ’s POV*

Nafinalize na namin ng barkada yung surprise para bukas. Woooh magiging success naman toh diba? Tiwala lang mga bregs! Hahahaha.

Ready na din yung susuotin ko bukas.

Sabay-sabay kami ng mga boys pupunta sa venue.

Nung una, ayaw ng mga girls na magsabay-sabay kami. Wala daw kasi silang escort pag pupunta -_-“ If I know, gusto lang nila ng alalay dun. Hahaha.

Smile like you've never been hurtWhere stories live. Discover now