Isinandal ako ni Asher sa pader at seryosong tinignan. Hindi siya galit, wala din namang bahid ng pagka irita sa mga mata niya. "May problema ba, Asher?" tanong ko sakanya.

"Wala," sagot niya. "Ikaw ba? May problema ka?" Malambing ang boses niya at may kaunting pag aalala dito. "Sabihin mo sakin."

Pinilit ko ang sarili ko na tumawa. "Wala akong problema ano ka ba."

"Bakit ang tahimik mo? Kanina ko pa napapansin." Inilagay niya ang daliri niya sa ilalim ng baba ko para matignan akong mabuti. "Anong problema? Pwede mo namang sabihin sakin."

Paano ko sasabihin kung ikaw ang problema ko?

Tinanggal ko ang kamay niya sakin at nginitian siya. Sinigurado kong makukumbinsi siya na totoo na ito. "Wala ngang problema Asher," sabi ko. "Medyo masama lang pakiramdam ko. Napuyat kasi ako kagabi gumawa ng assignment."

Mukhang naniwala na si Asher sa sinabi ko dahil umatras na siya at hinayaan na akong pumasok ng campus. Nauna na sina Enrico sa taas kaya naman kaming dalawa nalang ni Asher ang magkasama paakyat ng building.

"Kamusta na si Tita?" tanong ko.

"Okay naman na," aniya. "Nag sorry na din si Papa kagabi. Naka inom daw kasi siya kaya wala siyang kontrol sa sarili niya."

"So okay na pala ang lahat?" tanong ko pero ang gusto ko talagang tanungin, "Pwede na ba nating pag usapan ang tayo?" Ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Tumango si Asher, "Okay na."

Hindi na kami nag usap pa hanggang sa maghiwalay na kami para pumunta sa kanya kanyang classroom. Halos lahat ng mga kaibigan ko ay nandito na. Nandoon sila naka tambay sa may tapat ng aircon at sabay sabay nila akong binati pagkakita nila saakin.

Dumiretso ako sa upuan ko kung saan naka patong ang ulo ng natutulog na seatmate ko. Umupo ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Awkward ang anggulo dahil magka baliktad ang ulo namin pero hindi naman siya nagrereklamo.

"Ang hirap pala noh?" Panimula ko. "Kapag dinepende mo ang kaligayahan mo sa isang tao. Kapag sinuko mo sarili mo sakanya at binigay ang puso mo ng buo." Napabuntong hininga ako at inalis na ang ulo ko sa balikat niya para mapag laruan ang buhok niya. "Mababaliw na ako Jared."

Dahan dahan siyang bumangon bago ihilamos 'yung kamay niya sa mukha niya. Inayos niya 'yung suot suot niyang glasses at tinignan ako. "You should talk to him about it."

Kumuba ako, "Hindi pa nga pwede ngayon. May pinag dadaanan pa siya."

Nagkibit balikat si Jared, "It's your choice, princess." Umungol ako at idinikit 'yung noo ko sa desk ko. Naiiyak ako na ewan dahil na fu-frustrate na talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang tamang desisyon. "Hey," naramdaman ko ang kamay ni Jared sa balikat ko. "Don't worry too much."

Tinignan ko siya at hindi na napigilan ang luha na tumula mula sa mata ko. "Okay," sabi ko nalang pero mukhang hindi niya 'to narinig dahil sa pagka bigla. Tumayo ako at pinunasan ang mata ko. Hindi ako iiyak. Nag plaster ako ng pekeng ngiti sa bibig ko at iniwan na si Jared doon para puntahan sina Ethel sa may aircon.

"Ba't ka na-late?" tanong ni Ethel nung naka lapit na ako.

"Puyat," sagot ko habang niyayakap si Kei. "Ano pinag uusapan niyo?"

"Wala," sagot ni Ethel. "Etong si Angelo gusto daw mag perform sa Octoberfest."

"Pwede naman diba?" tanong sakin ni Beatrice. "Saan ba siya pwede mag ano dun?"

"Hindi ko alam e," sagot ko. "Si Kris," tinignan ko si Kristoffer. "Wala ka bang alam?"

"Wala," sagot niya. "Pero mag titingin kami mamaya ni Henry kung may flyer."

Pumameywang ako at tinignan si Angelo, "Ano naman ang kakantahin mo dun?"

"Hindi ko pa nga alam e." Napakamot siya sa ulo niya at napatawa.

"Ayan oh dalawa kayo ni Jared," itinuro ni Tris si Jared na kakadating lang. "Siya taga gitara mo."

"Wag," naka simangot na sabi ko. "Mausok doon."

"Ano 'yun?" tanong ni Jared kaya naman in-explain namin sakanya ang sitwasyon. Sa huli ay tumango siya bago ngumiti, "Pwede ako mag suot ng mask."

"Oo!" Sabi naman ni Kei. "Maganda 'yung itim para Kpop."

Sumabog ang grupo. Nagbabatuhan ng kanya kanyang opinyon. Maski si Tris ay hindi natutuwa sa ideya na mag pe-perform din si Jared. Kung si Angelo ay ayos lang pero ayaw naming i-risk nanaman ang health ni Jared.

Habang patuloy ang diskusyon, hiniram ko na muna ang cellphone ni Jared para mag online sa instagram ko. Wala namang masyadong bagong post mula noong nag check ako kagabi. Ngunit isang picture ang naka agaw ng atensyon ko.

Isa itong litrato na kinuhanan sa isang patayong salamin. May dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Magka hawak kamay sila pero hanggang balikat lang ang nakikita sakanila at base sa comments ay walang nakaka alam kung sino ang kasama ni Hannah Encio sa instagram post niya.

"I miss you boo bear" ang caption nito tapos mayroong emoji na umiiyak sabay isang malaking puso.

Pakiramdam ko ay may sumaksak sakin ng paulit ulit at tinawanan ako nang magsimula nang umagos ang dugo ko palabas ng katawan ko. Nanghina ako at para akong maa-out of balance. Matutumba na siguro ako kundi lang ako napahawak sa braso ni Jared.

Kahit anong pag crop o pag filter ang gawin nila. Saulo ko ang itsura ng kamay at katawan ni Asher. Alam kong siya ang kasamang lalaki ni Hannah sa litrato.

Bakit sila magkasama? Bakit ganoon ang caption? Hindi ako makahinga. Anong meron sakanila? Sila ba? Nag d-date ba sila? Para akong masusuka. Bakit walang sinasabi si Asher? Totoo ba 'to? Hindi kaya't akala ko lang ay si Asher ito? Oh my shit, matutumba na ako. Paano kung hindi si Asher 'yun? Nag o-overreact lang ba ako? Anong gagawin ko? Tulong, anong gagawin ko?

"Okay ka lang?" Nahatak ako paalis sa isipan ko nang marinig ko ang boses ni Jared. Bumalik sa focus ang paningin ko at nakita ko ang tingin niya na puno ng pag aalala.

Iniling ko ang ulo ko at medyo nilakihan ang mga mata ko bago tumawa, "Oo. Bakit?" Ibinalik ko ang tingin ko sa phone at mabilis na ini-log out ang account ko. "Phone mo nga pala oh," isinolo ko na 'to sakanya at iniwasan ang tingin niya. "Ano na? Mag pe-perform ba sila sa Octoberfest?"

I-distract mo ang sarili mo, Adrianna.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now