[1] Coldness

123 7 1
                                    

Eto na po yung una kayo na lang humusga kung Epic Fail o Hindi ^_^ And I need your opinions para ma-improve ko pa ito ^_^

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ash POV

Papasok nanaman? nakakainis na ah nakakapagod kaya pero syempre bilang anak ng mayaman kailangan pwede naman akong hindi pumasok eh no allowance nga lang for the rest of my life eh hindi ko yun kaya, kaya pagtiyagaan na lang sandali lang naman eh tsaka marami akong laruan dun 

"Sir Ash umalis na daw po kayo sabi ng dad nyo" sabi ng katulong namin lagi syang ganyan yan lang naman trabaho nya dito eh gisingin ako, sumesweldo lang sya dahil sa pag gising sakin

"oo na eto na nag-aayos lang, Give me 30 minutes na lang" Sigaw ko dun sa katulong -_- 30 minutes syempre para paglabas ko at pag nandun na ko sa school eh habulin talaga ng mga babae

"Anong 30 Minutes Ash baka gusto mong isumbong kita kay Dad?!" Ghad nandyan nanaman ang kapatid kong bungangera. Kung wala sya edi nagagawa ko lahat ng gusto ko eh kainis pwede naman syang umalis na lang

"bakit ba ka..." pinutol nya na agad ang sasabihin ko

"Labas na kung gusto mong magkaroon ng pera at naghihintay sa baba si Jessica mahiya ka pinaghihintay mo yun!" oo nga pala sabi ko sumabay sya sakin >.>

 Bilis naman andun na agad si Best ^_^ makababa na nga, gwapo na ba ko? (Ayun sya sa gilid) Gwapo naman ako araw-araw eh , hindi ba? 

Lumabas na ko ng kwarto and as expected tinalakan nya nanaman ako. Lagi syang ganyan tuwing umaga para ko yang nanay kung makatalak mas malakas pa kay mom ang boses eh rinig hanggang  kabilang bahay.

"Ikaw kasi gigising ka ng maaga para di na kita tinatalakan kung ayaw mo ha at tsak...." naputol ang sasabihin ni ate Mich ng biglang ......

"Hoy! kayo dyan sa kabilang bahay ang aga-aga pa kung makasigaw ka mas malakas pa yang boses mo sa tilaok ng manok, hinahinaan mo yang boses mo para kang naka megaphone, nakakahiya nasa village pa man din kayo nakatira" hahaha yan kasi totoo naman eh mas malakas pa sa tilaok ng manok boses nyan eh maka-alis na nga

"Alis na ko ate mich" walang gana kong sabi sa kanya

"Sige po Ate mich alis na po kami" sabi naman nitong si Jessica, ewan dito napaka-bait kay ate sa bagay parehas naman sila ng ugali eh, pero mabait yan ^_^ sobra  ^_^

Sumakay na kami ng kotse pero syempre bago sya sumakay eh binuksan ko muna ang pinto ng kotse para sa kanya,di lang ako gwapo no ! gentleman din to !

"Salamat " sabi nya

Bakit parang ang tahimik naman ata ngayon ng babaeng to samantalang last week kung makapag-kwento sakin  akala mo mauubusan ng kwento

"Best, bakit parang ang tahimik mo ata ngayon?" Di ako sanay best' sabi ko sa kanya 

'wala lang' sabi nya ng malungkot yung tono ng boses nya at halata naman sa mukha nya na may problema, ano naman problema nito? baka naman may nambastos dito?! Tae yun ! bubugbugin ko yun eh , ayoko sa lahat yung binabastos yung bestfriend ko eh

My Everything(Friend)Where stories live. Discover now