Basta ang alam niya ay masaya siya ngayon. Ngayon lang ulit niya naramdaman iyon. Sapat na muna sa kanya ang ganito.
Nangingiting itinuloy na niya ang ginagawa. Hindi na siya makapaghintay. Gusto niyang hilahin ang oras para makasama na ulit si Kath.
“Deej! Ano na? Okay na ba kayo ni Kath?” Pangungulit ni Bea sa kanya.
“Hindi ko alam,” matapat na sagot niya dito.
“Anong hindi mo alam?”
“Hindi ko alam… Parang ganon na nga.” Pabuntong-hiningang sagot niya. Binitiwan ang ginagawa at sumandal sa swivel chair.
Sa kakatanong ni Bea ay nababantuan ng pangamba ang kasiyahang nararamdaman niya. Hindi niya mapigilang hindi isipin ang totoong sitwasyon nila ni Kath. Naroon na naman ang takot niya. Ngayon ay okay sila… Paano bukas… sa mga susunod na araw?
“Pero nagusap na kayo? Nagkaintindihan na kayo?”
“Hindi pa…”
“Ha? Eh anong ibig mong sabihin na ‘parang ganon na nga’?” nalilitong tanong ni Bea.
BINABASA MO ANG
Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]
Fanfiction"Love is patient and kind. It does not envy. It does not boast. It is not proud. It does not behave indecently. It does not look for its own interest... Does not keep account of the injury, but bears all things... Hopes all things... Endures all thi...
Chapter 14 - Part 2
Magsimula sa umpisa