Chapter 7

31 2 0
                                    

Para kay ate glimmer, sa totoo lang months ang naging hang over ko kay Silver eh. haha sana po magupdate ka naaaaa. sanaaa. :)

Note. This Chapter will be a flashback ng mga pangyayari. Pero sa ibang POV. 

*Note. Dahil sa mobile lang ako naguupload diko gaano maedit. So here is an instruction. Kapag merong "//" ibig sabihin, flashback sya. Okay? Danke. ^^

--------------------------------------------

James' POV

"Anak! Bat basang basa ka?!" bungad yan sakin ni Mama pagkauwi ko. "Alam mo namang mahina ang baga mo eh. Nagpaulan ka pa!"

Sobra sobra talaga to kung magalala. "Ma, okay lang po ako. Okay? Nabasa ako ng ulan sa park. Kasama ko si Jam. Wag ka nga masyado mag-alala. Matanda na po ako."

"Anong okay? Eh pano yang sakit m--"

"MA!" ayan nanaman sya sa sakit na yan. "Okay lang po talaga ako." nasigawan ko pa tuloy si Mama.

"Osya." napayuko si mama "Magpalit ka na. Baka lagnatin ka pa."

"Ma," nakonsensya naman ako "Sorry po." sabay takbo nako paakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto. Saka na din ako nagbihis.

Hangga ngayon, naaalala ko parin yung sinabi nya sa park

//"Kaya mahal kita eh!"

Napatingin ako sa kanya. Anong sabi nya? MAHAL? Mahal nya daw ako? A-ano. T-teka di naman ako nananaginip diba?

Anong gagawin ko? Ano irereact ko? Sasabihin ko ba sakanya? Aaminin ko ba? Na ..

Mahal ko din sya ..

Noon palang una ko syang makilala.

Sasagot na sana ako kaya lang.. 

"diba BESTfriend?" Dugtong nya.

BESTFRIEND?

Oo nga pala. Bestfriend ..

Bestfriend lang ..

Inihiga ko yung ulo ko sa balikat nya.

"Di kita iiwan. Mahal na mahal ko din naman tong bestfriend ko." Masakit ka mahalin Jam. Kung alam mo lang "Kahit may toyo ka pa." hinampas nya pa ako sa balikat.

"Aray! Masakit yu--" natigilan ako. Bigla kasing umulan ng malakas.

Kailan ko ba maaamin tong nararamdaman ko para sayo Jam?

Kailan ko na masasabi na mahal kita.

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon