Bumuntong hininga lang ako. "TANGINA!!!" 

Tumalikod na ako at sumakay ng kotse 'ko.

Sinasabi 'ko na nga ba, masamang damo yung hayop na yun eh! Paano nakatagal si Erika dun ng isang taon?!

Kinalma 'ko lang ang sarili 'ko at nag-drive na pauwi. 

Mayamaya pa, andito na agad ako sa tapat ng unit namin. Pagbukas 'ko ng pinto, wala si Erika sa sala.

Pumasok ako ng kwarto. Andito lang yun.

Lalapit na sana ako sa kaniya nang bigla niyang hinara yung kamay niya sa tiyan 'ko. SUS! Gusto lang nito hawakan abs 'ko eh!

Tumingin siya sa'kin ng seryoso.

"Bakit mo binugbog si Kevin?" 

Pucha! Pano niya nalaman?! Nag-sumbong agad si bading?!

Tumalikod ako at umupo sa gilid ng kama. "Pano mo nalaman?" 

Nakatingin pa din siya sa'kin. "Ba't mo nga ginawa yun?!" napataas na ng konti yung boses niya.

Tumungo ako. "Ginagago ka lang niya." seryoso 'kong sabi.

Bigla siyang napatayo.




"Ikaw ang gago Bryan! Lahat kasi ng tao sa paligid mo, akala mo niloloko ka! Akala mo, lahat sila masasama!" sigaw niya sa akin.

Kasalanan 'ko ba kung dun sa pananaw na yun ako lumaki?

"Alam mo kung bakit ako nagkaganito." malamig 'kong sabi habang nakatungo pa din.

"Grow up Bryan! Hindi habang buhay nandito kami sa tabi mo. Malaki ka na. Alam mo na dapat ang tama at mali. Hindi lahat ng bagay nareresolba sa pamamagitan ng pambubugbog at pananakit." sabi niya tapos lumabas ng kwarto.

Napahiga na lang ako sa kama.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon