1: Unang Pagkikita

7.6K 187 76
                                    





"LELIN, may sasabihin sana ako sa iyo." Bigkas ni Richard sa kanyang kasintahan. Nasa harap sila ng San Pedro Cathedral ngayon. Hilig kasi nilang magsimba kahit walang misa bago sila magdate. Twice a week niya lang makita si Lelin dahil nga sa biyahe ng kanilang barko na Manila-Cebu-Davao.

"What is it, Rich?" Malambing na tanong sa kanya ni Lelin. "Kanina ka pa parang may malalim na iniisip, ah." Medyo natatawang dugtong pa ng dalaga.

"We've been together for four years, and I think four years is long enough to know each other. Nais ko sanang medyo seryosohin na natin ito." Kinakabahang bigkas ni Richard. "I've been thinking about this for months and I came to this...." May hinugot siya sa kanyang bulsa, little red velvet box.... alam ni Lelin kung ano yon.

Lumuhod siya sa harap ni Lelin, napatigil ang iilang mga tao na naglalakad palabas ng simbahan yung iba naman papasok ng simbahan dahil sa nakikita. May mga naglalakad sa bungad ng simbahan at meron din naman mga nakatayo lang. nagkukwentuhan o may hinihintay. Pinanonood sila ng mga ito dahil nga sa makaagaw pansin na pagluhod ni Richard sa harapan ni Lelin. Halos sabay pa ang lahat na napatingin sa gawi nila na nakangiti at ang iba, lalo na ang mga kababaihan, ay kinikilig. Napahawak ang isang kamay ni Lelin sa kanyang dibdib, tutop naman ng isa kamay ang kanyang bibig. Nagulat siya, hindi niya ito inaasahan. Kinabahan siya.

"Lelin," Patuloy ni Richard. "I've been longing for this moment since the day I met you. Lin, you had been an inspiration to me. You gave meaning to my life. You gave it a better direction. I don't know how to express this too well, its like you became my compass." Nagblush na si Richard. "What I'm trying to say is, I'm looking at you today, and I see the future with you in it. I can see my future. You are my future." May konting luha nang namumuo sa kanyang mga mata.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Natahimik din ang mga taong nanonood ay naghihintay sa sagot niya. Parang isang suspense na pelikulang pinanunood sila ng mga taong naroroon at pigil ang mga hininga ng lahat nang nakakasaksi sa oras na yun. Naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "Lin, will you be my wife? Will you marry me?" Sa wakas nasabi din niya.

Hindi sumagot si Lelin. Bagkus, tahimik siyang nag-iisip. Hindi niya alam kung paano ito sasagutin. Hindi pa umaabot sa parteng ito ang kanyang imagination. Handa na ba siyang mag-asawa? Handa na ba siyang maging Mrs. Richard de Santino?

Kinakapa niya sa kanyang puso kung ano ba ang maisasagot niya dito. Mahal niya si Richard, walang kwestiyon yun pero ang tanong, handa na ba siya? Hindi pa niya nakikita ang sarili na nakatali dito. Inakap niya si Richard ng hindi pa tinatanggap ang sing-sing, nagpalakpakan ang lahat.

Lingid sa kaalaman ng mga nagmamasid, may ibinulong si Lelin kay Richard. Nakaramdam ng paninigas ng katawan ang binata. May galit na namuo sa mga mata ni Richard. Gusto niyang magmura, magalit, sigawan ito ngunit mas pinili niyang tumahimik. Nasa harap sila ng simbahan, for God's sakes. Kuyom ang mga kamao, laglag ang mga balikat, mahinang itinulak ni Richard si Lelin. Ikinagulat ng mga taong nakamasid sa paligid nila kung bakit bigla na lang tumayo at lumayo si Richard.

Nagtataka ang mga taong sasaksi sana ng isang napakagandang proposal. Napasinghap ang karamihan ng bigla siyang tumayo at nag-umpisang maglakad palayo. Umalis siya ng hindi nagsalita, ng hindi lumilingon, ng hindi na hinintay na magsalita pa si Lelin. Tuluy-tuloy lang si Richard at pumara ng sasakyan, ni hindi nga niya alam kung saan ito patungo. Naiwang umiiyak si Lelin na ang tangi niya lang nasabi ay isang mahina na halos pabulong na "I'm sorry." I'm sorry? Pwes, huli na.

God Gave Me You (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon