Chapter One

4.9K 253 62
                                    

Note:

Short story lang itech. Mga 7-10 chaps. Natutuwa lang talaga ako sa role ni DO dito hahahaha.

-Jihwanxxi

--

EXO L Chatting Event


DYOsangJessa is typing....


DYOsangJessa: Hi Dodong sinta!~


DO: Stay away from me.


DYOsangJessa: Oh? Stay away? Eh away naman talaga ako sayo ahh. Hihihi.


DO: Tigilan mo ako Maria Jessa. Alam kong nasa tapat ka lang ng SM.


DYOsangJessa: Ayieeeee. Alam nya kung nasan ako. Teka, pano mo nalamang ako to? Iniistalk mo ba ako? /le gasps. Sabi ko na nga ba eh! May gusto ka rin sakin. Mwahahaha. Binata ka na Dong!


DO: Your username is your name.


DYOsangJessa: Sinta naman eh. Aminin mo na kasi. Di ko ipagsasabi hehe.


DO: Stop bothering me.


DYOsangJessa: Hehehe. Nado Saranghae Dong!


DO is offline.


"Ay! Ano ba yan. Nagoffline agad" Inis kong sabi sa tapat ng laptop habang pinagmamasdan ang naging pag-uusap namin ni Dodong sinta. Mukhang wala na syang plano mag-online ulit kaya namang shinut-down ko na ito.


Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpaalam sa mga kapwa ko fangirl na nag-aabang sa labas ng SMent para sa mga bias nila. At kung sinuswerte ka nga naman, saktong pagtayo ko ay ang paglabas ni Dodong sinta.


"Dodong sinta!" Sigaw ko pero di nya ako nilingon. Psh sungit.


"Dodong sinta!" Sigaw ko ulit kahit alam kong di na nya maririnig. Pano ba naman kasi, pinagkumpulan na sya ng mga fangirls na tili din ng tili. Pero syempre, papatalo ba ako? Syempre hindi no. Sayang effort. Nagmadali akong tumakbo para makipagsiksikan pero dahil sobrang dami ng mga tao ay ilang beses akong natulak at natapakan.


"Aray!" Sigaw ko nang mapaupo ako. Tiningnan ko ng masama ang tumulak sakin pero ayun, deadma! Tsk. Akala mo naman kung sinong maganda. Di ka rin naman papansinin ng Dodong ko. Oo Dodong ko, akin yun eh. Sino pa ba? Eh di si Do Kyungsoo ng EXO.


Nang makaget-over na ako sa pagkakalugmok sa kalsada, wala na ang laloves ko.


"Hala naman. Dong, asan ka na? Kasi naman eh! Kainis!"


Ganito palagi ang ginagawa ko araw-araw. Simula nung mapadpad ako dito sa Korea dahil na rin sa walang humpay kong pangungulit sa mga magulang kong dito ako pag-aralin. Pagkatapos ng klase ko ay palagi akong dumideretso sa SM para sundan ang pangarap ko.


Kahit mainit, may bagyo, kahit masakit sa paa, bumaha man dito, titiisin ko masilayan lang ang Dodong ko. Mas mapapadali sana ang pagsunod ko sakanya kung di sya taong bundok eh kaso wala akong magagawa kung wala man lang syang ni-isang social networking account.


Gustuhin ko man syang ifollow sa IG, Facebook, Ask, at Twitter ay imposible dahil wala naman sya nun. Kaya no choice tuloy ako kundi i-follow sya ng literal. Kaya nga nagtiyatiyaga ako ng tatlong oras hintayin lang sya lumabas.


Worth it din naman dahil at least kilala na nya ako. Paanong hindi eh unang pagkakita ko sakanya ay linagpasan ko ang sangkatutak nyang security guards na naghabol sakin at tinalunan sya with matching tili pa sa tenga nya.


Pero dahil tinakasan na naman nya ako ngayon, sayang ang tatlong oras kong paghabol sakanya. Di bale na, tomorrow is another day. Aja! Makauwi na nga.


Chasing KyungsooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon