Chapter 1

277 11 12
                                    

Third Person's POV

(Chandria's House)

Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Chandria nang narinig niya nanaman ang tunog na iyon. Ang tunog na nagsasabing kailangan niyang tumayong muli. Ang tunog na iyon..

Ang tunog ng ALARM CLOCK niya. Kailangan niya nang bumangon dahil may pasok pa siya. Oo, alarm clock lang yun. Bakit? Anong akala niyo? -__-

Pinatay niya na ang alarm clock niya at bumangon na. Naligo, pagkatapos ay nagbihis na. Pagbaba niya ay dali-dali siyang kumain dahil malapit na siyang ma-late.

Pagkatapos niyang maghanda ay dumiretso na siya sa Silver High.

Daniel's POV

(Daniel's House)

"Daniel Ford! Bumangon ka dyan! Gising!" naalimpungatan ako sa sigaw na yun kaya napamulat ako.

0.-

-.0

0.0

"Ano ba Daniel?! Tinanghali ka nanaman ng gising! Wake up and prepare yourself, papasok ka pa! For Christ' sake, ipakita mo naman na anak ka ng isang Ford, na anak kita! Now get up, and prepare for school!" sunod sunod na litanya ng tatay ko. Sus, sanay na ko. Wala namang bago.

Tumayo na ko at ginawa ang usual routine ko.

Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ko at naabutan si Papa't Mama sa mesa, kumakain ng almusal.

"Ma, Pa, pasok na po ko." paalam ko.

"Oh Daniel, why don't you eat breakfast first?" -mama

"Hindi na po Ma, wala po akong gana."

"Pero --"

"Hayaan mo na yang anak mo. Kung ayaw niyang kumain, desisyon niya. Hindi naman ikaw ang magugutom" papuputol ni Papa kay Mama.

Lumabas na ko. Nasaktan ako sa sinabi ni Papa. Lagi namang ganyan ang treatment niya saakin. Does he even take me as his son?

"Hayy Daniel. HIndi ka na talaga nasanay." I told myself and went straight to Saint Paul's High.

(A/N: Don't get confused. Magkaiba po ang school ni Daniel and Chandria sa umpisa.)

Pagdating ko sa school, sinalubong agad ako ng barkada. Barkada na banda ko rin.

"Uy tol! Good morning! Pasabay ah!" Ngiting ngiting salubong ni Seth.

"Anong good sa morning? Pumayag na ba kong sumabay ka? At bakit ngiting ngiti ka? Mukha kang baliw." sabi ko.

"Grabe tol. Ang sungit mo. Meron ka?" Tanong ni Lester. Tanong na naging dahilan ng pagbatok ko sakanya.

"Pakshet. Daniel, kung badtrip ka, wag mo kaming idamay!" reklamo ni Lester.

"Gago ka eh. Corny mo." sabi ko.

"Daniel, hulaan ko ah. Tatay mo nanaman no? Kaya badtrip ka nanaman?" tanong ni Katsumi

Napatahimik naman ako. Kilala na talaga ako ng barkadang to.

"Alam mo kuya, wag mong hayaan yang tatay mong sirain ang araw mo. Mabuti pa, tara magchicks." sabi ni Jc, kapatid ko kay Mama.

"Ayun naman. Ikaw talaga Jc, ikaw tong pinaka bata pero ikaw tong pinaka malandi." -kats

"Ang ingay niyo" tapos naglakad na ko. Naramdaman ko namang sumunod rin sila.

"OMG girls ang cool nila!"

"I know right? Ang hot pa!"

"Kaya nga siya ang Campus' Hottest Male Student di ba?"

Stolen Heart [Kathniel FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon