PDA: Chapter 3

11.9K 155 13
                                    

Kathryn's Pov

"Bwiset!" Sigaw ko at padabog na umupo kaya napatingin lahat sakin

"Anong tinitingin tingin niyo?! Mga chismoso" Sigaw ko kaya umiwas ang lahat ng tingin 

Nandito kami ngayon sa canteen kase lunch break na 

"Babe, relax" Daniel

"Relax?! Paano ako magrerelax, ehh I'm gonna fail this school year" Sigaw ko

"Kath, hindi ka naman magfafail ehh. Just do the project-" Seth

"Me? Do the project?! Ako? Pupunta sa squaters area?! Never! Over my dead body!" Pagputol ko sa kanya

"Bes, ang OA ahh. Pwede pa namang next month mo na yun gawin. Sa September pa naman yun due ehh" Miles

"OA?! It's dirty there! Maraming lamok! Mabaho! Puro mga lasing! Maingay! Masikip-" Ako

"Kath, pupunta ka doon o uulit ka ng 4th year?" Kats

"Ughh! Why is life so unfair?!" Sigaw ko

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Bigla na lang ito bumaksak kaya nagulat sila Sed. Linapit ni DJ ang upuan niya sakin at inakbayan. PInatong ko ang ulo ko sa shoulder niya at umiyak

"Kath, you think life is unfair? Paano pa kaya yung mga mahihirap? Ikaw, isang oras ka lang doon. Ehh sila? Buong buhay nila. Swerte ka nga ehh, nakatira ka sa malapalasyong bahay. Sila? Siguro kasing laki lang ng kwarto mo yung bahay nila. May sarili kang kotse, ehh sila? Kailangan pa nila makipagsiksikan sa jeep. Andami mong yaya para gawin yung mga inuutos mo, ehh sila? Kailangan sila ang gumawa noon. Napakaswerte mo Kathryn. Sana, kahit ngayon lang, ishare mo ang blessings mo sa kanila" Seth

Para akong nasampal sa katotohanan sa sinabi ni Seth. Tama siya, I should share. Pinahid ko ang mga luha ko at tumayo. Lumapit ako kay Seth at yinakap siya

"Thank you"

"For what?" Seth

"Salamat dahil ginising mo ako sa katotohanan" 

"Wala yun" Bumitaw na kami sa yakap at umupo na ulit ako. Yung arragement namin ay parang yung arragement namin kanina

"Oh, tapos na ang iyakan. Kainan na!" Sigaw ni Katsumi habang inaabot yung mga orders namin

Kumakain na kami ng napansin kong hindi ginagalaw ni DJ yung pagkain niya. Binatawan ko yung spoon ang fork ko at humarap sa kanya

"Babe, your not gonna eat?" Tanong ko in sweet voice. Umiling lang siya. Biglang namang lumapit sakin si Miles

"Nagseselos yan. Yinakap mo kase si Sed" Bulong niya sakin at kumain ulit. Humarap ulit ako kay DJ

"Gusto mo subuan kita?" Sabi ko sabay cling sa braso niya

"Hindi ako gutom" Sabi niya at tinanggal ang braso ko

Tumayo ako kaya napatingin sila Kats sakin. Umupo ako sa lap ni Daniel pero paside para makita ko siya. Gets niyo? Kung hindi, pwes pilitin niyo! Bleh :P Pinalupot ko yung mga kamay ko sa leeg niya

"Kain ka na Babe" Sabi ko at nagpout

"Ayaw" DJ 

"Please"

"..........."

"Nagseselos ka?" Sabi ko kaya napatingin siya sakin pero hindi siya sumagot

"Asus! Nagseselos ang aking baby" Sigaw ko kaya tumingin lahat sakin pero bumalik din sa sarili nilang gawain

"Wag na magselos kase kahit napakadami pang lalaki ang yakapin ko, ikaw lang ang hahalikan at mahal ko" 

"Talaga?" Sabi niya at nagsmile

"Talaga!" Ako

"Ehh bakit-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya. Why? I kissed him. He kissed me back. He wrapped his hands sa waist ko. He bit my lower lip kaya binuksan ko iyon. Agad naman niyang pinasok ang kanyang dila sa bibig ko. Hinila ko ang batok niya papalapit para mas madiin yung kiss. Patuloy lang kami sa paghahalikan ng biglang may bumato samin kaya agad kaming napatigil

"Hoy! Magtigil nga kayo! Kumakain kami, Kadiri!" Sigaw ni Kats habang patuloy padin sa pagbabato ng fries samin. Agad ko namang binaon ang ulo ko sa dibdib niya para hindi ako matamaan ni Kats ng fries

"Gago ka talaga Kats! Ayaw mo nun, live show! Hahaha" Lester

"Mga ulol!" Sigaw ni Daniel at nagbato din ng fries kay Les. Naghiganti naman si Les. Wala na siyang mabato na fries kase ubos na yung fries niya kaya kinuha niya yung burger niya. Nakita kong  may tumatawag sa phone aabutin ko dapat yun ng biglang

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!! Pakyu, Lester Giri!" Sigaw ko tapatingin naman lahat sakin at agad naman akong tumayo. Binato ba naman ako ng burger ngayon, puro ketchup na yung mukha ko :'( 

"Ahh Shit! Hindi para sayo yun Kath. Kay DJ dapat! Ikaw kase ehh, bigla kang gumalaw naharangan mo tuloy si DJ!" Pagmamakaawa ni Les

"So Kasalanan ko pa?!" Sigaw ko. May binulong si Les pero hindi ko narinig

"Oo daw Kath" Kats

"Ahh ganun!" Kinuha ko yung burger ko at binato kay Les pero biglang tumayo si Miles. OHMYGOSH!

"Wahh! Bes, sorry! Sorry talaga!" Sabi ko sabay lapit kay Miles

"Kathryn Chandria!" Sigaw niya habang pinupunasan yung muka niya na ngayon ay punong pun ng ketchup at cheese. Kinuha niya yung inumin niya at binato sakin. Agad naman akong nagtago sa likod ni Sed na kasalukuyang katext si Annika

"Amputa!" Sigaw niya dahil basa na siya ngayon

"Wahahahahahaha!" Tawa ni DJ

"Eto sayo DJ!" Akala kase ni Sed si DJ yung nagbato ng inumin. Tumayo siya habang dala yung inumin niya binuhos yun sa ulo ng Baby ko

(O.O) <----------- Yan ang reaction ko

(^U^) (^U^) <-------------Yan ang reaction ni Kats at Lester

(o////o) <----------- Yan ang reaction ni Miles

(>U<)V <---------------- Yan ang reaction ni Sed 

t(O o O t) <--------------Yan ang reaction ni DJ

Agad naman akong lumapit sa kanya at kinuha ang panyo ko para punasan ang muka niya nang biglang

"DANIEL JOHN FORD PADILLA, ANONG NANGYAYARI DITO?! BAKIT KAYO PUNO NG PAGKAIN?!" Patay. Si Mommy Karla (>.<) 

Mr & Mrs PDA (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon