Kabihasnan sa Sinaunang Amerika

2.6K 4 0
                                    

Una muna nating pag-uusapan ang Kabihasnan ng America.

Ang kabihasnan sa sinaunang amerika ay ang Maya, Aztec at Inca.

Ang una ay ang Sibilisasyong Maya. Ang kabihasnang Maya ay namuhay noong 2000 BCE. Sa pagdaan ng mga taon, sila ay naging mga matagumpay na magsasaka at gumawa ng mga dakilang lungsod mula sa mga bato na may kahanga-hangang istilo.

Karamihan sa mga Maya ay mga magsasaka na naninirahan sa mga kubo sa mga kabundukan at nagpupunta lamang sa mga lungsod kapag namimili at may pagdiriwang na panrelihiyon.

Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon.

Kaugnay ng wika, nakalikha ang mga Maya ng isang sistema ng hiroglipikong pagsusulat.

Ang sibilisasyong Mayan ay nahahati sa tatlong panahon:
1) Preclassic- 1800 B.C.
- simula ng pagpapatayo ng stepped pyramids
- pottery at fired clay figurines
2) Classic (c. 250-900)
- umusbong ang konseptong urbanismo
- lungsod-estado

Ang Maya collapse:
- 8th- 9th century
- dahilan:
- overpopulation
- peasant revolt
- foreign invasion
- epidemic disease
- climate change

Ang bawat Mayan ay may apat na pangalan: una ang kanyang palayaw na ginagamit lamang pag siya ay nasa bahay, pangalawa ang kanyang "pampublikong" pangalan- yun ang tinatawag sa kanya ng mga taong hindi niya kapamilya, pangatlo at pang-apat- mga pangalang galing sa pamilya ng kanyang nanay at kanyang tatay.

Ang interpretasyon ng kagandahang pisikal para sa mga Mayan ay pagkakaroon ng: flattened skull, malaking ilong, at pagiging duling.

Ang kanilang paraan ng pagsakripisyo ay ang pag-aalay ng dugo sa kanilang mga Diyos.

Isa pang inaalay ng mga Mayan ay human heart. Nacon ang tawag sa taga-tanggal ng human heart at Chacs yung tawag sa taga-hawak ng human heart.

-//-//-//-//-//-//-

Sumunod, ang Sibilisasyon ng Aztec.

Ang Aztec ang pinakamarahas na kabihasnan dahil sila ay nag-aalay ng buhay na tao para sa kanilang Diyos.

Ang kabihasnang Aztec ay umusbong sa Valley of Mexico.

Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.

Ang salitang Aztec ay nangangahulugang "isang nagmula sa Aztlan," isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa pagtatanim. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon.

Ang Imperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua.

Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong pangrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw.

-//-//-//-//-//-//-

Ang panghuli ay ang Sibilisasyon ng Inca.

Ang inca ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa latin amerika. matatagpuan ang kanilang imperyo sa timog na bahagi ng bundok ng andes sa pinakahilagang hangganan sa ecuador. naging kabisera nito ang cusco na sa kasalukuyan ay ang bansang peru.

Itinuturing na huaca o banal ng mga inca ang maraming bagay at lugar. kabilang dito ay ang mga mummies of the dead at ang mga bagay na may kaugnay dito: mga templo, banal at makasaysayang lugar, mga bukal, bato at mga kabundukan. bawat tahanan ng mga inca ay may pinaglaanang lugar na para lamang sa mga bagay na maituturing nilang huaca sa kanilang pamilya. Ang paghahandog at pagaalay ng sakripisyo na may dasal ay isang malaking bahagi ng seremonyang panrelihiyon ng mga inca.

-Back-

Araling PanlipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon