WBAHLG Chappie 71

901 40 23
                                    

WBAHLG 71

Nakita nilang napailing si Suzy saka nagmadaling tumakbo palabas ng cafeteria. Agad naman siyang sinundan ng Exo sa sobrang pag-aalala sa naging reaksyon ni Suzy ng marinig ang masamang balita tungkol sa Infinite. Nakita nilang sumakay si Suzy ng taxi, sila naman ay nagmadaling pumunta sa parking lot, mabuti na lang talaga at dinala nila ang kani-kanilang sasakyan.

Huminto ang taxi sa harap ng Moolim Building at pumasok doon si Suzy. Papasok na rin sana sila ng harangan sila ng mga guard. " May appointment ba kayo dito? Kung wala, offlimits dito at makakaalis na kayo"

" Anong offlimits? Papasukin nyo kami!" reklamo ni Chanyeol. " Ang building na to ay hindi open for public. Tanging mga empleyado lang ng Moolim at may appointment ang pwede dito"

" Bakit nyo pinapasok si Suzy?" D.O " Eh di naman siya empleyado dito ah"

" Sinong Suzy pinagsasabi niyo?" tanong ng guard. " Yung babaeng pumasok dito kani-kanina lang" Suho.

Umiling naman ang dalawang guard. " Ah basta, di kayo pwedeng pumasok ng walang appointment" nafrustrate naman sila dahil di sila makapasok.

" Modus niyo lang yan para makita yung mga idol nyong artista kaya alis na" pagtataboy ng guardvsa kanila.

" Letche pake ko sa mga artista nila, eh si Suzy lang naman ang maganda sa paningin ko" maktol ni Sehun. " Di kaya isang artista si Suzy?" napaisip naman si Chen while holding his chin at tila nag-iisip ng sobrang lalim. " Malabo yun kasi kung oo, di natin siya palaging nakakasama, tangek ka talaga, Chen-chen" hinampas naman siya ni Lay.

****

" Hindi po totoo ang balita diba?Hindi sila kasali sa mga nakasakay sa eroplanong yun diba-diba" nanatili lang silang tahimik, alam nila na masakit at mabigat ang pinagdadaanan ngayon ni Suzy. " Totoo ang balita, Suzy, yung eroplanonh na crash ang sinasakyan ng Infinite pabalik dito sa Pilipinas.

[ Suzy ]

Hi-ndi...hindi nila ako pwedeng iwaaan! Nangako sila sa akin....Kuyaaaa......Oppaaaaaa!!!!

Napasandal ako sa pader dahil sa panghihina ko, nung marinig ko ang nangyari sa kina kuya halos nawalan ako ng lakas.

Biglang naging blurred ang paningin ko....." Naku may nahimatay!"

Nagising na lang ako sa hospital na kasama ko na ang Exo. " Suzy kumain ka na muna" yaya sa akin ni D.O. " Ayoko " mahinang sabi ko ngunit sapat na para marinig niya. " Pero Suzy...."

" DI BA SABI KO AYOKOOO!!" nagulat naman sila sa pagtaas ng boses ko, maging ako rin. Sobra lang talaga akong naiistress sa mga nalaman ko at hindi ko alam kung paano ko i-hahandle ang lahat ng yun. " Sorry...iwan nyo na lang muna akong mag-isa...." iniwas ko ang tingin sa kanila at napayuko nalang. " Okay pero kung sakaling may kelangan ka nandyan lang kami sa labas" rinig kong sabi ni Suho. " Wag mo masyadong I-istress yung sarili mo" pahabol ni Tao. " Palakas ka, Suzy" :3 Baekhyun.

Nang lumabas sila dun lang lumabas yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.

[D.O]

Labis talaga siyang nasaktan sa nangyaring trahedya ng paborito niyang grupo, ang Infinite. Hindi lang naman siya ang nag-iisang nasasaktan, halos lahat ng fans ng Infinite, nagluluksa sa pagkawala ng minamahal nilang idolo. Lahat sila di makapaniwala at nasa indenial stage. Halos karamihan, di naniniwalang wala na nga ang Infinite at sinasabing jinojoke time lang sila ng balita.

****

Nakita namin si Flor, yung tagabantay ni Suzy na may malungkot na mukha pagbaba galing sa kwarto ni Suzy. Mukhang ganun pa rin yata ang sasabihin niya. " Pasensya na ngunit ayaw pa rin niya" sabi nito sa amin.

Ayaw pa rin ni Suzy na makipag-usap kahit kanino at gusto laging mag-isa. Isang linggo na ang nakalipas mula ng mangyari ang plane crash ng sinasakyan ng Infinite. " Pwede ba akong pumasok sa silid niya kahit sandali lang" medyo nagdadalawang-isip naman si Flor kung hahayaan niua si Luhan o hindi. " Baka magalit sa akin si Ms. Suzy..." humingi siya ng pasensya. Hindi na rin nagpumilit pa si Luhan.

*****

Sumama si Suzy sa ginawang search operation para sa biktima ng plane crash. Marami na rin silang natagpuang bangkay ngunit di pa rin nila mahagilap ang bangkay ng mga myembro ng Infinite. " Posibleng buhay pa sila :)" nagkaroon ng panibagong pag-asa si Suzy at nabuhay ng loob. " Wag kang masyadong umasa sa bagay na yun, masyadong malalim ang pinagbagsakan ng eroplano at sa itsura nito ng marecover mukhang imposibleng may nakasurvive mula sa mga biktima"

***

Nakaupo siya sa tabing dagat. Nagbabakasakaling bigla na lang niyang makita ang Infinite. 2 week na rin ang nakalipas ngunit wala pa ring balita kung patay o buhay pa ang mga ito. Patuloy pa rin naman ang search operation na ginagawa lalo na sa myembro ng Infinite.

May biglang yumakap sa likuran niya. " Magtiwala ka lang sa kanila.... at kung ano man ang mangyayari sa mga susunod na araw, gusto kong ihanda mo ang sarili mo...at pwede bang wag mong pabayaan ang sarili mo. Hindi ko kayang makita kang ganyan" tumango siya kay Luhan.

***

Sa pagdaan ng mga araw unti-unti na ring bumabalik ang dating Suzy ngunit di niya pa rin nakakalimutang makibalita sa update ng paghahanap ng mga kuya niya.

Sa pagdaan rin ng mga araw mas lumalalim din ang relasyon niya at ni Luhan. Lagi silang magkasama lalo na kapag uwian kung saan sabay silang pumupunta sa Black Pearl Academy.

At kung tungkol naman kay Eunji, tumigil na rin ito sa paghahabol kay Luhan at naging magkaibigan na rin silang dalawa ni Suzy. Klinaro na nito na hindi naman naging sila ni Luhan at palabas lang niya ang lahat para ipakitang sa kanya ang si Luhan ngunit kabaliktaran naman ito sa totoo. Humingi na rin ito ng kapatawaran sa lahat ng masamang nagawa kay Suzy.

" Aray peste! Sinong walangyang bumangga sa akin!" still masungit pa rin ito. " Sorry" sabi ni Kai na mukhang wala na naman sa mood. " Langya problema ng lalaking yun!" inis na sinunadan ng tingin ni Eunji ang papalayong si Kai. Nagkibit-balikat na lamang ang dalawa na napatingin kay Eunji.

Naglakad naman ang dalawa papunta sa BPA nang mapansin at natanaw nilang may babaeng nakatayo sa labas ng gate. Nakatingin ito sa school at umalis din " Sino kaya siya at bakit...." napansin ni Suzy na nakatingin pa rin si Luhan sa direksyon ng dinaanan ng misteryosong babae kanina. " Luhan..." hindi siya narinig ni Luhan.

" Luhan!"

" Ano?" -_- " Kilala mo ba ang babaeng yun?" nagkibit-balikat lang si Luhan at nauna ng naglakad habang nakatayo pa rin si Suzy at di gumalaw sa kinatatayuan niya. Napahinto naman si Luhan at nilingon si Suzy. " Dyan ka na lang ba tatayo buong magdamag" -_-

" Ah..sige Luhan mauna na pala akong umuwi...magkita na lamang tayo bukas...by---"

" Hindi ko siya kilala" namalayan na lang niyanh nasa harapan na pala niya si Luhan at hawak ang kamay niya. " Tara na" napangite siya sa sinabi ni Luhan habang hawak siya ni Luhan sa kamay at hila-hila papunta sa paboritong spot nila sa BPA , ang rooftop.

o5zhEV�3r(R��


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WOLF BOY AND HIS LOLLIPOP GIRL ( EXO FANFICTION ) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon