Shiori's POV
Mukhang ayaw na nga talaga niya sa akin. Mas pipiliin nga naman niya yung mga babaeng kayang ibigay yung pangangailangan niya bilang isang lalaki. Hindi ko naman kasi maibibigay yun sa kaniya ng basta basta eh. Alam niya yun.
Naiinggit ako kay Mira dahil handa siyang pakasalan ni Vlad pagkatapos nun. Nagkabalikan pa rin sila sa kabila ng mga nangyari.
Nandito ako sa pool area ng school. Indoor pool siya. Komportable ako sa tubig. Nag-skip na lang ako ng klase kesa naman makita ko siyang masayang nakikipagharutan sa babae niya. Nakakabanas lang. Akala ko ba gusto niyang magkabalikan kami? Bakit ganun yung ginagawa niya?
Nagpatuloy lang ako sa paglalaro ng tubig gamit ang paa ko.
"Umiiyak ka na naman. Langya talaga wala ka bang ibang alam. Namumugtong mga mata. Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa." Bigla akong napatayo dahil sa naririnig kong kumakanta.
Ano yun? Saan galing? May gitara pa. Haunted ba tong pool na to? Kaya ba walang tao dito lagi.
Waaahh!! Takot pa naman ako sa multo.
"Sa problema na iyong pinapasan. Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan. May kwento kang pandrama na naman." Kanta niya pa ulit. Ahh!! Kahit maganda boses niyan eh kung multo yan.
Nang-aasar ba to?!
"Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan. Hindi mo ba alam na walang pupuntahan. Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga. Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka."
"Oo shit naman! Pinaiyak lang ako! Kaya nga nakipaghiwalay na ako!!" sigaw ko sa kung sino mang multong umiiyak.
Hindi na ako nag-abala pang isuot ang sapatos ko. At tumakbo na pero shet! May lalaki sa pinto.
Mapapasabak ata ako sa laban nito.
Napansin kong may dala siyang gitara. So tao yung kumakanta kanina.
"Sa libu-libong pagkakataon na tayo'y nag-kasama. Iilangulit palang kitang nakitang masaya. Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya. Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong. Tunay na halaga." nagpatuloy lang siya sa pagkanta. Pisti to nangaasar talaga.
"Hindi naman kasi ako mahalaga sa kaniya. Mas mahalaga yung pangangailangan niya." Bulong ko.
Dumaan na lang ako sa tabi niya pero hinila niya yung braso ko kaya napaharap ako sa kaniya.
Teka.. si Cid.
"Nagkita tayo ulit Shiori." nakangiting bati niya sa akin.
"Tumutugtog ka pala ng gitara Cid. Kumakanta ka rin. Astig mo." puri ko sa kaniya at pinalo ang balikat niya.
"Balita ko break na kayo ni Light." sabi niya. Napayuko na lang ako. Ayokong makita niya akong umiiyak.
"Oy Shiori. Sorry. Simula pa lang alam ko ng hindi seryoso si Light sayo." sabi niya.
"Badtrip ka! Mas lalo lang akong nalulungkot eh!" Sigaw ko sa kaniya. Baliw kasi.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Napatigil ako sa ginawa niya.
"Sa akin ka na lang kasi Shiori. Hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita. Kahit kailan hindi ko inisip na saktan ka." bulong niya sa akin. Mas nagulat ako sa sinabi niya.
Itinulak ko siya palayo.
"Cid! Kaibigan ka ni Light!" pagpigil ko sa kaniya.
"Pero sinaktan ka niya. Ipinaubaya kita sa kaniya pero sinaktan ka niya! Iba ang habol niya sayo! Hindi ka niya mahal!" sigaw niya sa akin. Nagulat ako sa ginawa ko. Nasampal ko siya.
