Chapter 16 - Magandang Lugar

Ξεκινήστε από την αρχή
                                    

Mejo lumayo siya na parang shinishield yung body niya habang tumatawa.

Aba. May gana pa tong tumawa ha!

Max: Hahahaha. Joke lang naman! Eto ang init init ng ulo mo!

Ako: Wala ka bang nanay o kahit kapatid lang naman na babae ha?! 

Max: ...

Ako: Ano kayang mararamdaman mo kung ginanon sila?! Matutuwa ka ba? Tatawa tawa ka pa rin ba?! 

Max: ...

Ako: Ano? Bat tahimik ka jan? Kani-kanina lang parang maluwa mo na yung mga kinain mo kanina sa kakatawa tapos ngayon tatahimik ka? 

Nakakainis na talaga ha!

Max: Kung tinatanong mo kung nasaan yung nanay at kapatid ko. Andun sila sa isang magandang lugar. Sorry ha? Joke lang naman dapat yun eh. Di ko alam na ganun pala epekto nun sayo. Wag kang magalala, hindi ko na ulit gagawin yun sayo. Sorry talaga Ys. Geh. Pasok ka na. Uuwi na ko.

Habang sinasabi niya yun, ewan ko pero parang naging living statue ako.

Magandang lugar? 

Naku po. Wrong move. Sana di ko nalang sinabi yun. >.< Di ko naman alam na patay na pala kapatid at mommy niya. Malay ko ba? Di niya naman kasi sinabi eh!

Tss. Siya naman kasi ang may kasalanan eh! Ang manyak manyak. Tapos - aish! Makapag-sorry na nga lang.

Nakayuko siyang naglakad papuntang kotse niya. 

Hay.

Ako: Max.

Huminto siya.

Ako: Sorry. Umm. Di ko naman sinadya yun sinabi ko kanina. 

Tininggnan niya lang ako.

Ako: Umm. At ano pala. Umm. Condolence.

Tininggnan ko siya pero yung mukha niya parang di maipinta. Parang di ko ma-explain. Tinaasan niya ko ng kilay.

Max: Condolence sa?

Ako: Sa ano. Sa namatay mong mommy at kapatid. 

.

.

.

*POKK!!*

Ako: Araaaaaaaaay! >.< 

Batukan daw ba ako?!

Max: Sinong nagsabi sayong patay na mama at kapatid ko?

Ako: Aba wag ka ngang engot! Ikaw kaya ang nagsabi!

Max: Anong ako?! Kelan?!

Ako: Baka kanina? Nung sinabi mong nasa isang MAGANDANG LUGAR sila!

Max: P*tek! Eh ano ngayon kung nasa magandang lugar sila?!

Ako: Aba eh p*tek ka din! Syempre nasa heaven! Ano pa bang ibang magandang lugar para sayo?!

Kinamot niya yung ulo niya.

Yak! May kuto. Hihi. Joke.

Max: Nasa isang magandang lugar sila nagbabakasyon! Di mo ba gets yun?! Pag magandang lugar heaven agad?! 

Ako: Heh! Natural! Umalis ka na nga lang! Nabwibwiset ako tuwing nakikita ko yang mukha mo eh! Chupi ka na! Shooo!

Max: Wow. So ako pa ngayon? Ikaw nga jan ang ginawang patay ang buhay! 

Ako: Kasalanan ko bang bobo ka kasi di mo kinumpleto ang sentence?!

Max: Kasalanan ko bang assuming ka kasi hindi pa nga kumpleto ang sentence, pumunta ka na agad sa conclusion?!

Ako: Che! Bobo!

Max: Taray! Di ka magkaka-boypren kung ganyan ang ugali mo! 

Ako: Eh ano ngayon? Makakain ko bang boypren na yan?! Eh ikaw? Di ka magkakagirlfriend kasi manyak at bobo ka!

Max: Manahimik ka! Atleast ako gwapo di katulad mo!

Ako: Gwapo ka nga pero di ka naman macho! Wala kang abs! Buti pa ko meron! :P

Max: Manyak ka rin pala eh! Pano mo nalamang wala akong abs?!

Ako: Oh edi lumabas din ang totoo! Wala kang abs! 

Max: May abs ako! Tinatago ko lang! 

Ako: Ng ano? Fats?! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

Max: Hoy! Bumalik ka dito! 

Tumakbo ako kasi natural hinabol niya ko. Dali dali akong pumasok ng gate at isinara yun. 

Ako: Umalis ka na piggy! Maglakad ka papuntang kotse mo baka lumindol pagtumakbo ka!

Max: Heh! Tataba ka rin balang araw!

Ako: Che!

Tapos nun nakita ko na siyang sumakay ng kotse niya at umalis. 

Tss. Gago talaga yun! 

--

NICA :3

Wag Kang Bastos!Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα