Chapter 3 - Hulog Ng Langit

1K 13 4
                                    

Ysa's POV      

Dadabog-dabog akong lumabas ng mall habang paulit-ulit na sinasabing walang hiya si Max. Wala hiya naman talaga siya ee! Sirain daw ba birthday ko?!      

Pero okay lang. May natitira pa namang 11 hours para matapos tong araw na to. Susulitin ko nalang.     

Nung lumabas na kong mall, timing din at may naka-abang na jeep.      

Sumakay na ko ng jeep. Buti naman at ako lang mag-isa ang sumakay dito. Walang laman. Di mainggay.      

Ako: Manong bayad po! *sabi ko kay Manong Driver sabay abot ng pamasahe ko.      

Manong Driver: Ilan to?      

 

-_____________________________________-      

Kitang ako lang mag-isa ang sakay netong jeep tas' tatanungin pa kung ilan to?! Shungga lang?      

Ako: Ay manong dalawa yan, nakakahiya kasi sayo, kahit ako lang mag-isa sakay mo, dalawa na ibabayad ko, libre na kita kahit sayo ‘tong jeep.      

 

[ A/N: Wala lang. Idol ko lang si Vice :3 ]      

Ang sama ko ba? Di naman. Basta tuwing badmood lang ako sumasama, pero pag hinde mabait naman ako.      

Ayun, nagshut-up na si Manong.       

** After 20 minutes      

Ako: Manong, para.      

 

Huminto siya at ako naman bumaba. Syempre, alanganamang sasakay ako ulet?      

Wag Kang Bastos!Where stories live. Discover now